Mayumi's POVNandito ako sa tapat ng gate sa bahay nila shantel kasama si kashley. Kaloka si manong taxi driver may balak pa yata kaming ilagpas. Anong akala niya hindi namin alam kung saan kami pupunta?! Gigil nya ko ahhh!!!
*Ding Dong*
*Ding Dong* *Ding Dong*
*Ding Dong*
After ko pindutin yung doorbell, nilingon ko si kashley. Gosh soaper tahimik talaga niya.
"Hoy! Naiinis pa rin ako dun kay manong taxi driver!!!!" inis na sigaw ko kay kashley
"Ang lakas naman ng boses mo. Katabi mo lang ako, baka gusto mo lang naman hinaan." medyo naiiritang sabi niya. Pero infairness ang hinahon pa rin HAHAHAH sanaol!
"Edi lakasan mo rin boses mo para same tayo yieeee matchy matchy HAHAHAHH" Pabirong sabi ko sa kaniya
"Huwag mo ko itulad sayo.. MEGAPHONE haha.." inirapan ko na lang siya kasi nakakainis bakit megaphone tawag niya sakin???!!
"Epa–" Hindi ko na natuloy pa yung sasabihin ko dahil biglang bumukas yung gate.
Napatingin agad kaming dalawa ni kashley sa kanila at agad na tumawa HAHAHAHAHHA
Bakit naman kasi ganyan suot nila? Ang weird HAHAHAH
Nagtaka ako sa reaction nila shantel at ruth dahil halatang nagulat sila ng makita nila kaming dalawa ni kashley
"Oh? Bakit parang gulat na gulat naman kayong dalawa?" medyo natatawang saad ko. Hindi pa rin kasi ako maka get over sa suot nila HAHAHHA mukha silang tanga
"Uhm kami nagulat? huh? hindi ahh! Bakit naman kami magugulat? Anong magugulat? Sinong magugulat? Just kidding. Pumasok nga muna kayong dalawa" Sunod Sunod na sabi ni shantel
"Ooookay? HAHAH" pumasok na kami ni kashley sa loob.
Umupo agad ako sa couch hayssss salamat nakauwi rin....
Ayyyy nakalimutan ko pala magpakilala HAHAHA kanina pa ko daldal ng daldal dito amporkchop
Ehem ehem Ako nga pala si Mayumi Pascual hihi 17 years old. Yung kasama ko kanina si Kashley Santos. Matagal na kaming magkakaibigang apat. Sa totoo lang Bestfriend ko na si Shantel bago pa sila maging close ni ruth. Mas madalas lang talaga makasama ni shantel si ruth tska magka-vibe sila.. parehong weird HAHAHA joke. Ako naman si kashley na sinasamahan ko madalas kasi para hindi naman ma-feel ni kashley na hindi siya belong diba HAHAH tulad nga ng sinabi ko kanina sobrang tahimik ni kashley pero huwag ka hindi yan kill joy as in nakikisabay yan sa kabaliwan namin kahit tatahi-tahimik. Si kashley rin kasi yung pinaka bata at pinaka late naming nakilala.
"Napa-aga yata kayong dalawa ng pag-punta? akala ko ba sa isang araw pa?" Pagsira ni shantel ng momentum ko char HAHAHAH
"Inagahan na namin para hindi na hassle." Maikling sagot ni kashley
"Yazz!! Bakit ayaw niyo ba kaming nandito? HAHAHAH" Pabirong tanong ko
"Ang ingay mo pa rin mayumi." Sabi ni ruth
"May sinabi ba ako?" - Shantel.
Ang sungit ni gaga ampotchi nagbibiro lang ih"Wala!! sana lang alam mo yung ibig sabihin ng biro pshhh" kagigil Hahahhaa
"Tsk. Tumawag pala si kuya kanina.." Pag-iiba ng usapan ni shantel
"tumawaggggg siyaaaa?? owemjiii miss ko na si kuya!!!! Anong sabi?? kinamusta din ba niya kami???" excited na sabi ko.
Kasi naman ang tagal na namin hindi nakikita yung kuya ni shantel kaya miss ko na kahit hindi ko naman talaga siya kuya hahaha wala kasi akong kuya eh wala ring ate in short only child iz mehh
"Hmm basta ang sabi niya mag-ingat daw tayo dito dahil may pinadala daw para may mag-man-man sa atin. Kinamusta niya rin yung plano ko, kung itutuloy ko ba o hindi."
"Anong plano?" mabilis na tanong ni kashley
"Oo nga, anong plano mo? para saan?" dugtong ko
"Nakikita niyo naman yung suot namin ni shantel diba? tanong ni ruth
tumango lang kaming dalawa ni kashley para ipahiwatig na oo yung sagot namin
" Shantel want us to disguise as nerds" dagdag niya
"Pero bakit? nagtatakang tanong ko
"Gusto ko lang maging normal students tayo dito. Yung tipong walang away na sasalihan, at nag-iingat na rin para hindi agad tayo mahanap nung mga pinadala na magmamasid sa atin" Sabi ni shantel
Whattt??
"Huh?? Eh pano kung may mag bully sa atin? madalas kaya binu-bully ang mga nerds. Pano kung isa tayo sa i- bully? Edi away rin yun" sabi ko naman. Kasi totoo naman away pa rin yun kung nagkataon.
"Yan rin sabi ko sa kaniya kanina" sabi ni ruth
"Pero wala na tayong magagawa okay na to, nag-iingat lang tayo para hindi tayo mahanap nung mga yun" Dagdag niya
"Yun lang kasi talaga naisip kong plano" - saad ni shantel
"Hmm sige, walang kaso yan. Sige na magpalit na kayong dalawa, mukha kayong tanga HAHAHA" biglang sabi ni Kashley
kaya napatawa na lang kami
"HAHAHAHHA OO NGA MUKHA KAYONG TANGA! HAHAHAHHA!" Sabi ko habang tumatawa
Sinamaan naman kami ng tingin nung dalawa HAHAHAHA
"FYI!! Ganto rin susuotin nyo sa pasukan!! kaya pare-pareho tayong mag-mu-mukhang tanga pshh" pigil na inis ni shantel HAHAHHAHA
"Ay oo nga pala noh? wala pa rin kaming pake HAHAH" asar ko HAHAHAHAH
pero deep inside nahihiya na ko kahit alam kong sa pasukan pa kami mag-gaganyan HAHAHHA hindi naman kasi kami ganyan ampotchi
"tss" inismiran lang kami nung dalawa at umakyat na sila HAHHAHA
"Aakyat na rin ako mayumi, mag-aayos pa ako." sabi ni kashley na paakyat na
"ahh sige ako rin. Gusto ko na rin mag-pahinga. #BeautyRest hahaha"
"sige" Sagot niya at tuluyan na siyang umakyat
Ako ito bitbit ang gamit ko, paakyat na.
Nakarating na rin ako sa taas at may napansin ako may mga naka assigned na room para samin. Nice sabagay laki rin naman kasi nitong bahay na ito at kami lang apat dito. Dadalaw na lang ata yung kuya ni shantel.
Binuksan ko na yung pinto ng room na para sa akin at hindi ako na dismaya dahil ang ganda wahhhhh
mag bbeauty rest na nga ko mwuapssss
•●◉✿ - ✿◉●•◦◦•●◉✿ - ✿◉●•◦
✎✎✎
A/NHI! HOPE YOU ENJOY THANK YOU FOR READING GUYS
ALAM KO NAMAN NA KONTI LANG KAYONG NAGBABASA PERO SORRY KUNG NATAGALAN MAG UD
/ERRORS AHEAD/
YOU ARE READING
Campus Nerd Big Secret
Teen FictionMayroong BIG eyeglasses... ✅ Matalino... ✅ Panget... ✅ Mahirap... ✅ Manang manamit... ✅ Laging binu-bully.... ✅ Bookworm... ✅ Lonely... ✅ in short NERD. Yan si shantel, walang gustong kumaibigan sa kanya. Lagi siyang pinag-ti-tripan ng kaniyang mga...