LEIGH'S POV
"Fvck oo, parating na ako d’yan!" Nagmamadali kong sabi sa kabilang linya
"Tangina Leigh! 30 minutes late ka na naman! Naku, Ewan ko nalang kay dragona nito!" Inis n’yang tugon bago pinatay ang tawag. Inayos ko ang sarili ko at dali daling nilisan ang apartment. Pagkarating ko sa cafè agad akong sinalubong ni Ayesha, kaibigan ko rito s’ya yung tumawag sa akin kanina. Mabilis niyang inabot ang uniform ko.
"Ayan, magbihis ka na kong ayaw mong mahuli ka ni dragonang manager!" Inis n’yang sabi. Agad kong inabot ang uniform at akmang papasok na ako sa CR para magbihis nang marinig ko ang matinis na boses ng manager namin.
"MS. LEIGH SANTOS! LATE KA NA NAMAN?! HINDI BA USO SA ’YO ANG GUMISING NG MAAGA HA? LAGI KA NALANG LATE! LATE TAPOS LATE ULIT!" Sigaw nito. Napapikit ako dahil sa boses nitong daig pa ang baboy
"S-sorry po. Hindi na po mauulit." Paumanhin ko rito at yumuko sa harap niya
"TALAGANG HINDI NA MAUULIT KASI SISANTI KA NA DITO!" Dali dali ko siyang tinitigan dahil sa sinabi nito at hinwakan ang kamay niya
"P-pero Ma’m, Kailangan ko ’tong trabahong ’to." Lumuhod ako sa harap niya at nagmamakaawa ko siyang tinitigan pero nanatili itong walang emos’yon
"Pake ko? Humanap ka ng ibang trabaho! Nasasayang binibigay ko sa ’yong sahod wala ka namang k’wenta!" Sigaw nito. Napayuko ako, wala akong nagawa kundi ang umiyak
Pa’no na ako nito? Ayaw kong umasa kay papa. Lalo’t wala namang pake sa akin ’yon.
"Anong nangyayari dito?" Napalunok ako nang makilala ko kong kaninong boses ito nanggagaling. Unti unti akong tumayo at napanganga ako nang tumambad sa akin ang mukha ni Ryle.
Anong ginagawa niya dito?
"S-sir Ryle, Lagi po kasi siyang nalalate kaya okay lang naman po atang sinasantahin siya." Paliwanag ng dragonang manager sa cafè na ’to. Tiningnan ako ni Ryle, ngumiti siya sa akin bago itinuon ang tingin kay manager
"So? Wala kang karapatang mang sisanti lalo na’t manager ka lang naman dito. Pagmamay ari ko pa rin ’tong cafè, right?" Seryosong sabi nito. Agad na napayuko si Manager
"P-pero kasi Sir, lagi nalang siyang late--"
"Kung ikaw nalang kaya sisantihin ko dito?" Agad na nanlaki ang mga mata nito at dali daling napailing
"S-sir Ryle, hindi ko na siya sisintahin, pasens’ya na po Sir," Nakayukong sabi nito bago ibinaling ang tingin niya sa akin
"Dalhan mo ako ng kape sa opisina lalo’t medyo malamig ang panahon ngayon." Nakangiting utos nito sa akin, tumango ako dito at akmang aalis na ako para magtimpla nang bigla niya ulit akong tinawag
"Magtimpla ka ng dalawang kape and 2serves of foods," Dagdag nito bago umalis
"Taray, nagbago na ata si Sir Ryle." Dinig kong bulongan dito sa kusina
"Nagbago?" Kunot noo kong tanong. Hindi ko rin kasi alam na siya pala mayari ng cafè na ito dahil nga pangalawang araw ko pa dito
"Oo, pag si Sir Ryle kasi pag may sinisisanti si Manager dito hinahayaan niya lang tapos ngayon, taray! May wisdom of word pa si Sir!" Natatawang paliwanang nito bago pinagpatuloy ang paghuhugas ng mga pinggan
"Iba kamandag mo Leigh! Nginingitian ka pa! Katunaw talaga mga ngiti ni Sir," dagdag na sabi naman ni Ayesha sa akin, napairap nalang ako at hinanda na ang makakain ni Sir. Ewan ko ba kung bakit dalawa pinahanda niya, baka kasama yung girlfriend niya, siguradong maganda yung girlfriend ni SIR Ryle.
YOU ARE READING
365 Days
RomanceShe hated her life, she hated her father, and also she hated Christmas. And when he came, Will this boy can change her life?