"Maghiwalay na tayo," walang emosyong wika ko. "Hindi na ako masaya," dagdag ko pa.
"Nagbibiro ka lang diba, mahal?"
"Sa tingin mo ba nagbibiro ako?" Kinuha ko ang marriage contract namin na nasa drawer at pinunit iyon sa harao niya mismo. Nakita ko naman ang pagkalukot ng mukha niya dahil sa ginawa ko.
"Pe-pero bakit naman, mahal? Ano bang problema? Ano bang nagawa kong mali at nagkakaganyan ka?" Hinuli niya ang mga kamay ko at hinawakan ito ng mahigpit. Pasimple ko itong hinila pero hindi ko magawa dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. "Sabihin mo sa akin kung ano ang pagkakamali ko at itatama ko ha, mahal." Kita ko ang lungkot sa mga mata niya pero pinili kong hindi iyon pansinin.
"Nagtatanong ka kung anong mali ha, Deelan? Maraming mali at hindi ko na kayang magpatuloy pa sa mga pagkakamaling iyon." Huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy. "Hindi ko na kayang mabuhay na kasama ka pa, Deelan. Hindi ko na kayang tiisin ang hirap ng buhay na kasama ka! Halos patong patong na ang mga utang natin at palaging kulang ang binibigay mong pera sa'kin. Sa tingin mo, sinong matinong asawa ang maging masaya sa sitwasyon nating ito?"
"Mahal naman, 'yun lang ba ang problema? Puwede naman natin itong pag-uusapan ng maayos na hindi mauuwi sa hiwalayan, diba?"
Umarko ang kanang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Maliit na bagay lang ba 'to para sa'yo? Hindi na nga ako halos makabili ng bagong tsinelas, ng bagong damit at lipstick dahil palagi tayong kapos sa pera. Tiniis ko ang lahat kahit pa pagtawanan ako ng mga kasamahan ko sa trabaho. At alam mo rin bang ni halos hindi na nga ako makakain sa tamang oras dahil sa kakatrabaho para magkapera at para mabayaran ang utang natin tapos sasabihin mong 'yun lang ang problema? Nababaliw ka na ba?" Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at nasigawan ko na talaga siya bagay na hindi ko pa nagagawa dati.
"Hindi mo ba ako kayang bigyan ng isa pang chance? Pangako mas magtatrabaho pa ako ng mabuti, at kung maaari maghahanap pa ako ng ibang part time job para mabilhan kita ng bagong damit. Kahit anong gusto mo bibilhin natin."
"Sorry, Deelan. Dahil hindi ko maibibigay ang chance na gusto mo." Agad ko siyang tinalikuran matapos kong sabihin 'yun at nagtungo ako sa kuwarto ko upang ipagpatuloy ang pag-iimpake ng mga gamit ko.
Mayamaya pa ay biglang bumukas ang pintoan ng aking kuwarto at iniluwa roon si Deelan na namamaga ang mata. Punyemas makonsensya na ba ako nito.
"Mahal," ramdam ko ang dahan dahan niyang paglapit sa kinaroroonan ko. "Diba mag-asawa tayo at nangako tayo na sa hirap at ginhawa, magkasama pa rin tayo habang-buhay?"
Nilingon ko siya at tinitigan ko ng deretcho ang mga mata niya. "Mag-asawa lang tayo kung napapakain mo ako ng maayos. Kung gusto mong mabuhay sa hirap puwes, ikaw lang at huwag mo akong idamay."
©iamNarra 2020
========
DISCLAIMER:This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including printing, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author.
BINABASA MO ANG
Fate Sealed
HumorFate brings people together. People who are meant to be together find their way back. They may be take a few detours but they never lost. Fate will keep presenting itself until they're ready to reach up.