CHAPTER ONE

12 1 0
                                    

Warning: Hindi po ito edited kaya marami kayong makikitang typos. Marami ring misused Tagalog words kaya kayo na po bahalang umintindi. :D Tenkyuuuu :*

~Seirra~

     "BWESIT talaga ang lalaking 'yon!" naiinis na wika ko at sa sobrang inis ay napasuntok pa ako sa ere.

     "Ano ba kasing nangyayari sa'yo, Seirra? Kanina ka pa nagmumura diyan," rinig kong tanong ng kaibigan kong si Lily na nasa mesa at kasalukuyang lumalamon ng paborito niyang pancake.

     "Basta! Bwesit talaga siya! Magre-resign na ako sa trabaho ko."

      Nakita ko sa peripheral vision ko na nagtatakang napalingon si Lily sa gawi ko. "Ano? Kasisimula mo lang kanina, ah. Magre-resign ka agad? Bakit, may nangyari bang masama sa unang araw mo sa trabaho?"

      "Mas higit pa sa masamang bangungot," nangangalaiting  wika ko. "Basta buo na ang desisyon ko na mag resign."

     "Nababaliw ka na talaga, Seirra. Alam mo, masuwerte ka nga dahil sa dinami raming kasabay mo sa pag-aaply biglang sous chef sa restaurant na iyon ay ikaw pa ang pinalad na nakapasok. Partida ang higpit ng may-ari ng restaurant na iyon sa pagpili ng mga empleyado pero heto ka at sasayangin mo ang pagkakataon," yawyaw pa niya. Tinalo pa niya ang pagka bungangera ng Mama Serafina ko.

     "Iyon na nga ang ibig kong sabihin, eh. 'Yung may-ari ng restaurant na iyon ang dahilan. Ayaw ko nang makita ang pagmumukha niya dahil abot langit ang galit ko sa kanya." Sa sobrang galit ko sa taong 'yun ay nararamdaman ko na parang malapit na akong maging murderer.

      "Sino ba kasi ang taong tinutukoy mo, ha Seirra? Sabihin mo na kasi agad, pa thrill ka pa, eh."

       "Edi sino pa ba? Kun'di ang walanghiyang Deelan na 'yun," napatiim bagang ako. 

      "Sinong Deelan?" kunot noo na tanong ni Lily. Napaisip siya sandali at nang mapagtanto kung sino ang tinutukoy ko ay para siyang isang kidlat na sa isang iglap lang ay nasa harapan ko na. "Si Deelan, 'yung ex-" husband" mo?" pinagdidiinan pa niya ang salitang "ex-husband".

      Napa-tsk nalang ako at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

      "Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit galit na galit ka diyan."

     Tinitigan ko muna siya ng masama saka nagsalita. "Abot langit talaga ang galit ko sa lalaking 'yon, kaya pala hindi man lang siya nagparamdam sa'kin 'yun pala nagpapakasaya na sa yaman niya  ang kumag."

     Limang taon na ang lumipas simula noong maghiwalay kami ng magaling na Deelan na 'yon. At sa loob ng limang taong na iyon ay ni minsan walang Deelan na nagpakita sa'kin. Sana man lang kinumusta niya ako dahil kahit papano ay may pinagsamahan din naman kami ano.

     "Oh, bakit naiiyak ka na diyan?" May pagaalalang wika ni Lily.

     Doon ko lang narealize na kusa na palang tumulo ang aking mga luha. Putcha! Isang malaking putcha talaga.

     "Bakit, nagsisisi ka na bang hiniwalayan mo siya?"

       Isang nakamamatay na tingin ang binigay ko kay Lily nang sabihin niya ang mga katagang iyon. "Malaking tulong ka talaga sa problema ko, Lily," sarkastikong wika ko saka ko siya iniwan mag-isa sa sala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fate SealedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon