Chapter 5: Savannah the evil

7K 215 5
                                    

Chapter 5: Savannah the evil

*After 20 years*

Queen Catherine's POV

Dalawangpung taon na ang nakalipas simula nang maikasal kami ng aking mahal na si Prince Matthew noon dahil ngayon ay kami na ang hari at reyna ng Light Crystal Palace. Nung naikasal kami ni Haring Matthew ay pinasa na sa amin nila mama at papa ang pamumuno sa kaharian, at sa iba pang palasyo na hawak ng Light Crystal Palace.

Pero kasabay ng pagiging hari at reyna namin ng asawa ko ay ang pagkawala ni Ate Savannah, at hanggang ngayon hindi parin namin siya nakikita. Pero alam ko galit siya sa akin, hindi lang sa akin dahil pati sa mama at papa namin galit siya.

=============================

*FLASHBACK*

20 years ago...

3rd Person's POV

Nang maikasal sila Princess Catherine at Prince Matthew ay nag simula nang kumalat ang tsismis na sila ang susunod na hari at reyna. Kaya nagdesisyon sila na mag-usap usap tungkol sa tsismis na iyon.

"Mama, papa, ano po yung kumakalat na tsismis na si Princess Catherine at Prince Matthew ang magiging sunod na hari at reyna, totoo po ba iyon?" - Savannah

"Totoo iyon Princess Savannah, anak" - Hari

"Pero papa hindi po maaari iyon, hindi pwedeng maging Reyna at Hari sila Princess Catherine at Prince Matthew dahil ako po ang panganay niyong anak, kaya dapat po ako ang maging reyna sunod sainyo po" - Savannah

Bakas sa boses ni Savannah ang inggit at galit.

"Pero anak, gustuhin man namin na ikaw ang sunod na maging pinuno ng kahariang ito ay hindi maaari." - Reyna

"Pero bakit po hindi maaari mama? Ipaliwanag niyo po sa akin" - Savannah

"Dahil anak napansin namin ng mama mo na mas may kakayahan ang kapatid mo kaysa sayo. Hwag mo sanang mamasamain ang mga sinasabi ko anak dahil nagsasabi lang ako ng katotohanan. Hindi pangkaraniwan ang kapatid mo dahil mayroon siyang dalawang power element at alam kong alam mo iyon at alam mo rin na bawat royal blood ay may iisa lamang na power element na taglay pero naiiba ang kapatid mo. Nasisiguro namin ng mama mo na may dahilan ang Goddesses kung bakit dalawang power element ang binigay nila sa kapatid mo. Kaya nakatitiyak kami na kapag ang kapatid mong si Princess Catherine at asawa niyang si Prince Matthew ay maging hari at reyna ay mapapanatili nila ang mga nagawa namin ng mama mo bilang pinuno. " - Hari

"Hindi basta basta ang pagtatakda ng magiging sunod na hari at reyna ng kaharian natin, dahil maraming nakasalalay sa bawat desisyon ng mamumuno. Lalo na ang kaligtasan ng mga nasasakupan natin. Tulad nga ng sabi ng iyong papa, hindi pangkaraniwan ang kapangyarihan ng kapatid mo at alam nating lahat na napakalakas nun kaya kapag sila ang naging sunod pinuno ay sigurado kaming kaya niyang pangalagaan at panatilihin ang kaligtasan ng bawat nasasakupan natin at maging ang kaligtasan natin. Kaya sana anak, Princess Savannah maintindihan mo at tanggapin ng buong puso ang naging desisyon namin ng papa mo" - Reyna

Nanggigigil si Savannah sa galit pero pinigilan niya ito at nagpanggap na ayos lang sakanya.

"Opo mama, papa. Naiintindihan ko na po. Patawad mo sa hindi magandang inasal ko sainyo" - Savannah

"Salamat naman at naintindihan mo kami ng mama mo anak. Maswerte talaga kami at kayo ang naging anak namin^__^" - Hari

"^___^" - Savannah

Tanging isang ngiti nalang ang isagot ni Savannah sa mga magulang niya dahil sa pagpipigil niya ng galit.

.

The Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon