Chapter I: Game of Love

3.4K 48 11
                                    

"Oy! Patayin mo! Flash ka! Ignite!" yan ang lagi mong maririnig sa computer shop. Ang iingay ng mga tao, lahat kami sa computer shop - gamer, kaso tahimik lang talaga ako maglaro. Wag ako igaya sa kanila.

Ay! Ako nga pala si Rina, Katerina Flores Reyes. Mag-tu-twenty ako ngayong summer, at tatlong araw nalang, summer na! Which means malapit na birthday ko, sa April 3! Excited ako dahil makikita ko na boyfriend kong kay tagal ko nang di nakikita, si Don. Oo matagal na kaming di nagkita, long distance kasi. Nasa Manila siya habang ako nandito sa aming probinsya, mahal na ma ~ ayun, nahuli ko, may iba siyang babae. Nakita ko sa Facebook niya na di lang isa kundi marami siyang nilalanding iba. Nakipagcommit pa siya sa iba!

On April 3, 2015...

Nakakalungkot man at di ko pa tanggap, ngunit di naman pwedeng palaging nagmumukha akong tanga. Must be happy, birthday ko pa naman ngayon, at heto siya dala-dala mga plastik na rosas at isang teddy bear na kulay purple pa, paborito ko pang kulay! Pero I confronted him at sinabi ko lahat ng mga nalaman ko; lahat ng mga pinaggagawa niya behind our relationship.

"Don, usap muna tayo." Sabi ko sa kanya.

"Bakit babe? May problema ba? You seem down." Oo malamang, alangan naman magiging masaya ako sa mga nalaman ko? Nasa isip ko yan.

"Oo eh."

"Ano naman problema?"

(TOOK A DEEP BREATH) "Alam ko na lahat lahat. Wag mo na akong gawing tanga. Tigilan na natin relasyon natin. Kung di mo kaya na ako lang nagiisang babae mo, edi tapos na talaga. Ang kati kati mo, daig mo pa yung kagat ng lamok!" Sa galit ko, I ranted.

(GULAT) "I'm sorry babe. Diko naman sadya." Sabi niya sa akin na parang wala lang talaga.

(NAPROVOKE SA SINABI NYA EH) "Hindi sadya? May nagthithird party bang hindi sinasadya? Bobo kaba? O sadyang wala ka lang talagang utak? Umalis kana sa birthday party ko. Dalhin mo na mga regalo mong tulad mo ANG PLASTIK! At utang na loob wag ka nang magpakita sa akin kahit kailan!"

"Fine! Mamulok ka, hindi naman talaga kita minahal eh. Asa ka pa, eh ang boring mong tao." Sabay alis na si Don leaving me crying.

So yeah, I broke up with him sa aking kaarawan. Ang sakit, sobrang sakit, lalo na't binigay ko ang lahat sa kanya, in return lolokohin lang pala ako! Ganyan pala mga lalake?! Mga manloloko!

Tapos na rin birthday ko, magfofocus nalang ako sa paglalaro ng League of Legends, lalo na't may tournament next month. Magpractice nalang kami ng team ko gang sa maayos namin ang laro namin.

"Louis, ikaw support ko sa tournament." Sabi ko sa team mate ko.

"Ge ba! Ayusin mo na laro mo ha? Wag kanang masyadong nagiisip sa gagong yun." Sabi ni Louis.

"Oba! Ako pa. Nakamove on na ako dude. Wala nang lalakeng makakapagpakilig sa akin. Ihi nalang makakapagpakilig sa akin. HAHAHA!"

"HAHAHA! Baliw ka. Dito naman kami mga babae mo. Kami papakilig sa iyo." Oo babae si Louis, all girls team kami eh.

"Naku, kahit kayo di kikiligin buchi ko sa inyo. Sorry nalang. HAHAHA!" Sabi ko.

"Ah, bahala ka. Basta ayusin natin ang laro. Kitakits next month." (BESO)

2 months later...

Last month champion kami sa tournament. Nabuhat ako ni Louis. Ang galing galing niyang support eh. Nakakainlove, pero di ako tibo.

(CELLPHONE MSG BEEP)

"Oy! May nagtext. Sino naman kaya toh? Di naman nakasave number. Hmmm.. Jin? Wala naman akong kilalang Jin." Iniisip ko.

Dahil diko siya kilala, at inakala kong wrong sent siya, diko na pinansin message niya. Kaso ang kulit, araw-araw nagtetext ng kung ano ano, kung di ba naman greetings o quotes, ay gms.

Sa inis ko ay tinawagan ko na siya. (CALLING)

(SINAGOT NUNG JIN)

"Hello?" Sabi ni Jin. Ang lalim ng boses nya, ang sarap pakinggan. Matagal tagal na rin bago ako nakarinig ng boses ng ibang lalake.

Dahil suplada na nga ako sa mga lalake eto aking nasabi, "Oh? Hi. Sino ka nga pala? Wala akong kilalang Jin. Pwede tigil tigilan mo na kakatext saken na para bang close tayo?"

"Ay. Sorry. Makikipagkaibigan lang sana. Ang sungit mo naman. Meron ka noh?"

"Anong meron? Ano connect naman dun? Eh sa inis lang talaga ako sayo kaya ganito ako, may problema ka pa eh ikaw problema ko?!"

"Oh. Sorry na. Sorry na ulit. Wag ka nang mainis ohhh. Sana pwede tayong maging friends."

"At bakit naman? Tsaka... saan mo ba napulot number ko ha?"

"May nagbigay lang sa akin. Hiningi ko rin naman kasi. Bawal bang makipagkaibigan?"

"Bawal! Lalo na't di ka League of Legends player."

"Aba! Naglalaro ka pala nyan? Parehas pala tayo. Kaso baguhan palang ako eh."

"Sus. Gawa gawa mo lang yan... para masabi na meron ka talagang account."

"Kung ayaw mong maniwala, tara one game tayo. Add mo ako StarOfDeath."

(KUMALMA) Nagiisip pa ako... "Hmmm... tutal tagal ko na ring di nakapaglaro sa iba."

"Osige nanga. Isang game lang. Ano na level mo?" Sabi ko.

"Level 30. Tara Top lang lane ko ha?"

"Ge."

So, nakipaglaro ako kay Jin, kakalevel 30 lang niya, and around 5 to 6 months palang ata siya sa LOL. Ako na nagadjust sa galawan niya, kasi sobrang bano niya! Grabe! Pero ang cute tingnan ng gameplay niya. Tawa nalang ako ng tawa eh, sakit na ng panga ko kakatawa. Wala eh, matagal na rin ako di nakadama ng saya after ng break up namin ni Don.

At habang iniisip ko na naman kalungkutan ko... biglang...

***TRIPLE KILL!!!***

(CHAT IN GAME)

Ako: "Whoaaa! Naka TRIPLE siya ohhh! Malakas na siya nyan ohhh!"

Jin: "Syempre gagalingan ko laro ko para sayo. Ayokong mapahiya sayo noh, kahit alam kong bobo pa ako sa larong toh dahil bago pako, pero di excuse yan para diko gagalingan, diba?"

Ako: "Nuks nemen! Wag mo masyadong galingan, baka mafall ako sayo."

Jin: "Yun nga gusto ko eh."

Ako: "Ano daw?!!"

Jin: "Wala po. Biro lang."

At dun nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Jin. Sa isang normal game kung saan ang bano niya talagang maglaro! Hahahahaha!

Gamer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon