Chapter 12

98 3 0
                                    

Nagising ako ng tumama sa mata ko ang sinag ng araw mula sa bintana ng kwarto ko. Alas-dose na ng tanghali at kakagising ko lang. Masyado kasing napasarap tulog ko dahil sa medyo nag init ako kagabi dahil sa pagpapaulan ko kahapon. Wala naman akong gagawin ngayon dahil Sabado. Kaya kahit na anong gawin ko mag hapon okay lang. Hayst! Pakiramdam ko tuloy bumalik ako noong pagkabata ko. Na walang ibang ginawa kundi ang magmukmok sa kwarto tulad na lamang ng ginagawa ko ngayon. Yun nga lang, eh dahil mas komplikado na ngayon.

Natigilan ako sa pag-iisip ng kung ano-ano ng bigla kong marinig na nag beep ang cellphone ko. At walang gana ko iyung kinuha para tukuyin kung anong meron. "Good morning! Wag mong kakalimutan yung schedule mo para mamaya." Bumungad sa akin ang mensaheng iyun mula kay Celeste.

Napa-hilamos nalang ako sa mukha ko ng bigla kong maalala kung anong tinutukoy nya. Kainis. Naalala ko na naman yung ka bo-bohang ginawa ko. Tsk! Bakit ko ba kasi naisipan ko pa iyung bagay na yun?. Eh malay ko bang uulan talaga ng ganun!.

Lesson learned. I-check lagi ang weather forecast. Tsk.

Nagtungo nalang ako ng kusina para maka-kain dahil gutom narin ako. Sa pagkakaalam ko, mamaya pa namang gabi magaganap ang birthday party ni Alex kaya okay lang. Tsaka ang sabi pa nya simple lang naman kaya kahit ano nalang isuot ko dahil wala akong ganang mag-halungkat sa closet.

Akmang pababa na sana ako ng hagdan ng mapadaan ako sa kwarto ni Mama. At hindi ko alam pero kusa nalang gumalaw ang paa ko para magtungo dun. Bukas din ang pinto kaya napilitan akong pumasok.

Nagtungo ako sa kama bago naupo at pinagmasdan ang buong paligid. Pero natigilan ako ng mapadpad ang tingin ko sa picture frame na nasa gilid ng kama. Picture namin at picture ko noong limang taong gulang pa lang ako. Hanggang sa maramdaman ko nalang ang pamumuo ng luha sa mata ko.


Magmula ng mawala si Dad, nagibg iba na ang tingin ko sa lahat, lalo na kay Mama. Kahit na alam kong wala naman syang kasalanan sa pagkamatay ni Dad, hindi ko alam kubg bakit naiinis ako sa tuwing naalala ko iyung araw na iyun.

Noong mismong kaarawan ko. Na haggang lumubog ang gabi ay nasa labas parin ako ng bahay namin habang hinihintay sya. Na kahit alam kobg imposible na, ipinagdadasal ko parin na sana ay makahabol man lang sya. Na sana makita ka man lang sya at marinig mula sakanya ang batiin ako ng Happy Birthday sa personal. Pero hindi na nangyari iyun. Matapos kong malaman na nagkaroon nga ng aksidente at isa sya sa nadamay. At ngayon ay mukhang hinding-hindi na nga mangyayari.

Kaagad kong pinunasan ang luha na nanggagaling sa mata ko tsaka nagpakawala ng malalim na paghinga. Hayst! Hanggang kailan ko ba mararamdaman ang sakit na dinulot nun?




.





Madaling sumapit ang paglubog ng araw ng hindi ko man lang namamalayan. At pasado ala-sais ng gabi ako naghanda. Pagkatapos kong maligo kumuha nalang ako ng kahit na anong unang makita ng mata ko sa walk-in closet ko. Actually marami akong ibat-ibang klase ng damit pero lahat ng to ay puros binili ni mama para sakin. Kada may makita syang damit sa mall bibilhin nya kahit di ko naman hinihingi. Minsan nga di ko naman naisu-suot lahat, kung meron man. Okay na yung isang beses tapos ipina-pamigay ko nalang. At least my use.

Sinuot ko nalang ang isang plain t-shirt na kulay peach na unang nakita ko at tsaka pinatungan ko eto ng leather jacket at pants with matching vans shoes. Okay narin siguro to. Tutal simple lang naman daw kaya pupwede na.

Unang beses ko etong lalabas ng gabi para umatend ng party. At kahit na labag sa kalooban ko, alam kong may pinagkasunduan kami ni Celeste na dapat kong tuparin. Di bale, aagahan ko nalang ang uwi ko mamaya.


Promise Me Tomorrow Where stories live. Discover now