Notebook

1.8K 71 28
                                    

Notebook

“Sam! Bilis naman oh! Nagugutom na kaya ako.”

“Sorry naman! Kung gutom ka na, edi dapat nauna ka na.”

“Eh ayoko eh, bakit ba. Tara na nga, may isasabay nga pala ako.”

Dumiretso na kami sa Mcdo, doon daw kasi kami kakain ngayon at nakakuha na raw ng pwesto yung kaibigan ni Socrates, siya yung bwisit na panay sigaw sa akin.

“Oh, ayun na pala siya eh. Paeng!” Ingay talaga nito. Minsan iniisip ko tuloy kung paano ko to naging kaibigan.

“Soc! There you are! Why so tagal?” Syet! Ang gwapo! Hunk ang dating, kaso bakit parang conyo?

“May blockmate is so tagal kasi so we took an hour. Oo nga pala, this is Jem and the girl beside her is Sam.”

“H-hi.” Shemayness, nauutal ako! Huwag naman ngayon oh.

“Anong course mo Paeng?” Tanong ni Ate Jem sakanya.

“Marketing ako, Asian Studies din kayo right?”

“Yup!” Energetic na sagot ni Ate Jem. Buti pa siya nakakausap na niya, ako ito tahimik.

“Pae-Socrates! Hindi pa ba tayo oorder? Gutom ka na di ba?” Syet! Muntik nayun, narinig ata ni Soc kasi iba yung tingin niya sa akin.

“Osya, kami na lang ni Paeng yung bibili. Ano ba yung sa inyo?” Sinabi na namin ni Ate Jem yung kakainin at libre daw ni Paeng! Wow! Gwapo na, generous pa! Syet, na like at first sight ata ako sa kanya.

“Sam, ikaw ha. Narinig kita kanina. Type mo si Paeng no? Ayiee.”

“H-hindi no! Mas gwapo kaya si Luhan ng Exo.” Palusot ko, pero mukha naman akong obvious. Alam kong walang connect, at halata sa mukha ni Ate Jem na hindi siya naniniwala.

Nung bumalik sila, tahimik na lang akong kumain. Nakakahiya kasi, baka kung ano na naman lumabas sa bibig ko at madulas pa ako. Super duper mega nakakahiya yun to the nth power.

Halos araw-araw eh kasabay namin siyang kumain. Syempre ako, kinikilig naman, pero hindi ko sinasabi sa circle of friends ko baka kasi ibuko ako. Tapos di ba nga kinikilig ako, grabe! Hirap na hirap akong pigilan, kaya sana wag niya akong mahalat. Hihihi

“Ui, sige una na kayo. May gagawin ako sa library eh.” Paalis na kasi sila, kaya bilang magandang estudyante, este responsible student, gagawin ko lahat ng requirements.

“Osure! Ingat ka! Uso rape, pero don’t worry kasi walang magtatangka sayo. HAHAHA!”

“Leshe! Alis na nga. HAHA!” Mga loko yun. Dumiretso na ako agad sa library. Actually, nakadorm ako kaso ayoko dun, kasi pag nakikita ko yung kama ko eh inaantok na agad ako. Tsaka pag dito ako, mabubusog mata ko, dami ba namang gwapo. Hihihi

Sa may Social Science section ako pumunta, puno na kasi sa iba. Grabe, uso ba ngayon ang mag sipag? Pero dahil maganda ako, nakahanap agad ako ng upuan. And take note, ang ganda ng view. HAHAHA Nakakainspire tuloy mag aral.

“Miss, paupo ah? Wala ka naman sigurong katabi.”

“Osu-sure! Geh, go lang. Kung saan ka Masaya.” SHEMAYNESS! Si Paeng po iyon! Mukhang hindi ako makakapag-aral na ah. Pero hindi, dapat kong tapusin to, hindi porket may gwapo akong katabi eh madidistract ako.

“Sige, aral ka na ulit. Sorry sa istorbo.” Sabi niya tapos nag killer smile.

“OHNOES! Wag kang ganyan, ang hirap itago yung kilig.”

“What? Ano kamo?” SYET! Bad mouth, bat bigla bigla kang nagsasalita, mabubuko ka niyan eh.

“W-wala! Sige, aral na tayo para gumanda ang ating future.” Tinignan ko na lang yung hawak kong libro, binabasa ko nga eh kaso walang pumapasok. Medyo distracted ako dahil sa presence ni Paeng. Hihihi

NotebookWhere stories live. Discover now