How I Met Her

108 7 22
                                    


Author's Confession

I met this girl two years ago.. well hindi pa talaga totally two years . Nakilala ko din siya dito sa Wattpad,Reader ko siya.

I met her noong time na broken ako dahil that time meron akong gusto tawagin nalang natin siya sa name na "Brii" , itong si Brii mas bata siya sa akin ng ..siguro mga 4-5 years di ko na maalala haha. Pero kahit na ganon, ang matured niya mag isip.

Tapos meron pa akong isang tao na kaclose mas matanda sya saamin ni Brii, siguro 4 years din agwat naming dalawa  tapos sila ate ni Brii eh 7 or 8 years? Kaming tatlo close kami, itong isa tawagin nalang natin na "Oneesama".

Itong si Oneesama since wala naman akong ate tinuring ko talaga siyang parang ate ko na talaga, yung ate ko kasi she died noong mag 1 year old palang siya kaya parang naghahanap ako ng ate. Lahat ng problema ko sa kanya ko sinasabi.. as in lahat maging kung gaano ko kagusto si Brii at kung paano ako nagtatampo kapag di ako kinakausap non.

To make the story short kaya ako nabroken that time kasi bigla nalang akong nagising one day na nagmamahalan na pala sila Brii at Oneesama, kaso di pa pwedeng maging sila kasi alam ni Oneesama na I like Brii.. a lot. Nagalit ako kay Oneesama non to the point na lahat ng social media ko iniwasan ko except Wattpad para di nila ako macontact at para di na ako masaktan sa mga malalaman ko. By the way di ko namention na LDR kaming tatlo haha mas malapit lang talaga si Oneesama ng konti kay Brii kaya nakakapunta sya.

Ayon dahil medyo immature pa ko ng time na 'yun hindi ko sila nirereplyan lalong lalo na si oneesama kasi galit talaga ako, ngayon lang ako nagalit ng ganon katagal kasi I felt betrayed kasi diba I treated her as My totoong ate? , sinabi ko naman sa kanya na masama loob ko non at kelangan ko ng time para magheal kasi sobrang sakit pero pinapatawad ko na sya tapos ingatan nya si Brii, so ayon naging sila. Masakit sa part ko pero habang tumatagal natatanggap ko na kasi nakikita ko naman na they are meant for each other, hindi pa rin sa'kin si Brii at masayang masaya sila sa isa't-isa, ngayon ko lang sila nakita na ganon kasaya .

Si Oneesama kasi sa dating ex niya di sya legal at kahit kelan di sya pwedeng ipakilala kaya medyo napanatag naman ako nong napunta na sila sa isa't-isa kasi alam ko na iingatan nila ang bawat isa. At ayon nga blessing na din sa akin 'yun kasi kung di sila nafall sa isa't-isa hindi ko makikilala ang babaeng babago at magpapasaya sa malungkot na buhay ko.

Last Nov.16 or 17 ata yun? 2017 nakilala ko 'tong babaeng makulit na 'to sa Wattpad. Hindi ko ugali makipagkulitan ng matagal sa mga tao kasi nga diba umiiwas na ko na masaktan ulit?Pero may mga nakakausap naman ako pero di ganon kadalas. Ayaw ko na kasi maattach sa kahit na sino, pero iba ang babaeng ito napalambot niya ulit ang nagyelo kong puso, tawagin nalang natin sya sa name na "Madame".

Itong si Madame noong time na 'yun binabasa nya ang isa sa mga stories ko. Natuwa ako sa kanya kasi ang kulit ng mga comments niya sa bawat chapter kaya napapareply ako ng wala sa oras , ang kulit nya swear haha may nalalaman pa siyang pink ballpen eh hate na hate ko pa naman mga girly stuff. Dami niya kalokohon talaga. Naging stalker ko na din ata siya kasi pati sa mga post ko sa wall nagcocomment sya eh wahaha tandang tanda ko pa non, yung post ko non tungkol sa bagyo, may bagyo kasi sa amin non, napag-alaman naming dalawa na pareho pala kaming taga bicol kaso nasa Laguna nga lang sya nag sstay dahil OJT , pero noong time na 'yun nasa Bicol sya dahil bakasyon nya. Sayang nga lang dahil hindi kami nakapag-meet, muntik na sana kaso mukhang natakot ata sa'kin wahaha.

Ang saya niya kausap, hanggang sa nagkakachat na rin kami noong gabing yun,kung anu-ano napag-usapan namin. Nalaman ko rin na never pa siya nagka-gf... bf oo pero 4months lang daw tinagal nila. May naging ka-MU naman daw sya dito din sa wattpad kaso bigla naman raw di nagparamdam.. haha blessing ulit sa'kin yun kasi kung di sya na-ghosting hindi ko sana sya makilala diba? Pero para doon sa taong nagpaasa sa kanya, sinayang mo siya. Kayamanan na hawak mo ng di mo alam binitiwan mo pa. Para sa'kin isa siyang rare Gem or treasure na di mo malalaman na sobrang swerte mo pala kung hindi ka maghihirap na kilalanin at pasukin ang mundo niya. Kaya salamat dahil iniwan mo siya kaya nahanap ko siya at kahit kelan di ko na bibitiwan.

Author's confessionWhere stories live. Discover now