5 years ago...
Mark and Yenyen are college sweethearts, pareho din silang sikat sa kolehiyong pinapasukan. Nagkakilala ang dalawa dahil seat mate sila sa isang subject. Parehong nasa magandang pamilya at masasabing hindi basta-basta ang estado ng kanilang pamumuhay.
"Yenyen, pagka graduate natin walang magbabago sating dalawa ha! Mahal na mahal kita ng sobra. Hindi ko kayang mawala ka sa tabi ko."
"Oo naman fidel ko, walang magbabago pangako iyan. I love you!"
Lumipas ang graduation, nakapag trabaho na si Fidel sa kanilang Gas Company. Si Yenyen naman ay nag sasanay pa bago sumabak sa negosyo ng kanyang pamilya. Sa nagdaang panahon, maayos naman ang naging takbo ng kanilang relasyon, ngunit isang araw bigla na lang hindi nagpakita si Yenyen kay Fidel. Ni ho at ha walang paalam kung saan tutungo ang kasintahan. Hindi malaman ni Fidel kung saan siya mag uumpisa maghanap, araw-araw sinusuyod ang bawat lugar na naisip nyang puntahan ng babae. Mismo sa bahay nito nagpunta sya ngunit kahit pamilya nito ay wala na din doon.
Sa sobrang lungkot, pangungulila, nagawa niyang makipag relasyon sa iba at kalimutan na lang si Yenyen. Ika nga naging babaero siya, titikman lang ang babaeng matipuhan at basta-basta na lang din iiwan pagkatapos.
"Tandaan mo Yenyen, oras na mahanap o makita kita. Humanda ka sa magiging parusa ko." saad ni Fidel sa sarili.
***********************************************
"Yen, anak kailangan nating umalis ng bansa sa lalong madaling panahon. Ang Papa mo hinahabol ng mga pinagkaka utangan niya! Hindi ko alam na bankrupt na ang kompanya, kumilos na tayo bago pa mahuli ang lahat." iyak na sabi ni Mama."Pero ma, hindi ba pwede na kayo na lang ni papa ang umalis. Paano si Fidel, ni hindi man lang ako nakapag paalam sa kanya. Ako na lang po bahala sa sarili ko siguro naman po hindi ako isasama sa target ng mga humahabol kay Papa." mahinanahong sagot ko.
PAKKK...
"Mas iniisip mo pa yang walang kwentang pag-ibig na yan kesa samin ng Papa mo! Pagkatapos ka naming pakainin, pag-aralin at bihisan mas uunahin mo pa ang lalaking yon! Kung mahal ka nya maghhintay siya. Bilisan mo na mag impake ka na aalis na tayo." galit na usad ni mama.
Wala na akong ibang nagawa kundi sumunod kahit labag man sa loob ko. Pati cellphone at laptop ko kinuha nila dahil wala daw kami pwedeng iwan na trace.
"Im so sorry Fidel ko, pangako babalik ako. Please sana hintayin mo ako. Mahal kita."
to be continued..
A/N: Sabaw update..
BINABASA MO ANG
Billionaire's Whore
RomanceAre you willing to be the billionaire's whore? A/N: Please check out my story. Thank you loves.