First Love Never Dies! (True to life story)Part 1

10 2 0
                                    

Ala-una ng tanghali ng nagmamadaling papasok ng school si Victoria dahil late na sya sa klase niya ay biglang may humintong sasakyan sa harapan niya at muntik pa syang mabangga ng sasakyan na ito.

May bumabang estudyanye rin na tila kagaya niya na nagmamadali rin papasok ng eskwelahan,

"ano ba naman ito? kung kelan nagmamadali ako ay humarang pa tong sasakyan na ito!",

at nakita niya na ang bumaba dito ay isang lalakeng matangkad, at maputi, ngunit di nya nakita ang itsura nito.

"siguro bakla to!",

pumasok sa isip nya dahil sa sobrang kaputian nito.

Si Victoria ay 3rd year high school ng mga panahong ito.

At ganun parin ang nangyari sa kanya sa mga sumunod na araw. Huwebes ng tanghali ng makita nya ulit ito ay tinignan niya ang plaka nito,

"CRA 666, aba! Di ba't masamang numero yan?! Siguro demonyo may ari nito?, baka talagang sinusundan nila ako.." ang sabi nya sa sarili.

Biyernes na hapon, uwian na nila, si Victoria ay sumakay ng jeep at pumara sa kanto nila.

Hindi naman kalayuan ang bahay nila mula sa kanto kaya't nilalakad na lamang niya ito, habang naglalakad ay nakita nya ang sasakyan na kinaiinisan nya na nakaparada mismo sa harapan ng bahay nila.

"Shit! Bakit nandito yang sasakyan na yan??", tanong sa sarili.

At nagmadali syang maglakad papasok ng bahay. At agad agad niyang hinila ang mama niya sa loob ng kwarto nila kahit na nakita nito na may mga bisita ito. Habang nagbibihis ang dalaga ay tinanong nya ang kanyang mama,

"ma kanino yang sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay natin?"

First Love Never Dies!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon