Chained By The Old Love
Chapter 5: Allergy
Lorelei Larissa's P.O.V.
"Hindi sa gusto kitang masaktan pero I saw it by my own eyes." Saad ni Sophie.
We are at her room right now. Weekend kasi at naisipan naming mag movie marathon.
"Ang ano?" I asked. Pabitin pa kasi.
"They kissed." She said.
"Sinong naghalikan?" Although I have the idea kung sino, Gusto ko pa rin marinig mula sa kanya.
"Kuya and that girl."
Confirmed.
"Isn't it normal for a couple?" Tanong ko habang may bumara sa aking lalamunan. Arghh, why do I always cry?
Pinunasan niya ang aking luha,"The way they kiss it feels like they are too in love. I don't want to make you cry but it's true. I can feel it. He's my brother and I know him."
Sumandal ako sa headboard ng kama,"So are you saying that we have no chance?"
She nodded sadly.
Napakagat ako sa aking labi at huminga ng malalim.
"Well I guess I need to move." I said.
"You mean move on?"
Piniling ko ang ulo ko,"No. Move as in kailangan ko ng gumalaw para mahalin ulit ako ng kuya mo bago pa siya sobrang ma in love sa babaeng iyon."
Nanlaki ang mata niya,"Are you sure?"
Tumango ako,"Mamahalin ulit ako ni Joziah." Pursigido kong sambit.
Napatango siya,"I am not spoiling you but I will support you. Bastat pag sobra ka ng nasasaktan tumigil ka na ah."
Pinagpatuloy na namin ang panonood. Lara Jean used to write letters for her crush. Joziah can you be my Peter Kavinzky?
"Kinikilig naman ako sa kanilang dalawa. Sana all ng boys ganyan." Kinikilig na sambit ni Sophie.
Tumango naman ako habang nakangiti,"You can find your own Peter someday."
Hinawakan niya ako sa kamay,"I hope so."
"Next movie?"
"Yup. Can you please get some snack at the reft? Ako na mag-reready sa next movie." She said.
Tumango ako at tumayo.
Pagkabukas ko ng pintuan ay napatingin ako sa kwarto ni Joziah. Tatlong araw na rin ang lumipas simula ng huli kaming mag-usap.
Pinigilan ko talagang pansinin siya. Tuwing nagkakasalubong ang tingin namin ay umiiwas ako.
Bumaba na ako at nadatnan ang isa sa mga kasama nila rito sa bahay.
"Hi ate." Bati ko.
Nginitian ako nito at nagpatuloy sa paglilinis.
Binuksan ko ang reft at naghahanap kung anong gustong kainin ni Sophie.
Nakakuha na ako ng may biglang magsalita sa likuran ko.
"Can I get water?" He asked.
Agad akong tumabi at sumandal sa may sink. Hindi pa ako nakakuha ng maraming pagkain. Baka sabunutan ako ni Sophie. Food is life pa naman iyon.
Nakatingin lang ako sa mga daliri ko ng magsalita siya.
"Larissa." Tawag niya.
Tinaas ko ang ulo ko at tumingin lamang saglit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Chained By The Old Love (CLSS #1)
RomancePaano na 'yung pangako natin sa isa't isa. Paano na 'yung pangarap natin na maging tayo hanggang dulo. Paano mo pa ako mamahalin kung may mahal ka ng iba. You are already committed in a relationship. Kabilang na ako sa mga childhood sweetheart na la...