Una Kung Pag-Ibig28

0 0 0
                                    

First love

Mahal kita,
-Salitang 'di ko nasabi sayo noon

Hindi ko alam kung KAILAN AT SAAN nag-umpisa,
Itong nararamdaman ko para sayo,
Basta ang alam ko lang,
Ikaw ang UNA KUNG PAG-IBIG,

-Ikaw
Ikaw yung unang taong nagpahalaga saakin,
Ikaw yung unang taong nakakita saakin,
Kahit invisible ako sa patingin ng lahat,
Napansin mo parin ang isang tulad ko,

Gustuhin ko mang sabihin sayo,
Pero may karapatan ba ako ?

-May Karapatan ba ako ?
Umiksena sainyong dalawa,
Kung umpisa palang alam ko ng wala na akong Laban,

-Laban
Pano ako lalaban ?,
Kung alam ko namang talo na ako,
Lalaban palang ako,
Pero may nanalo na agad

-Naghintay ako
Naghintay ako ng matagal,
Matagal na matagal hanggang sa taon narin ang lumipas,
Pero tanging ikaw parin,
Hinintay kita,
At bumalik ka,
Pero para saakin nga ba o para sakanya ?

-Pasensyana
Pasensyana ah,
Nakalimutan ko kasi hindi nga pala ako si Nam namagagawa kang mapaibig at makuha,

Pasensya na nakalimutan ko din,
Hindi ka nga pala si shone,
Na kaya akong mahalin pabalik,
Na higit sa pag-ibig ko sayo,

Pasensya na ulit ah,
Nakalimutan ko hindi nga pala tayo sila Nam at shone,
Na kahit ilang taon pa ang nagdaan,
Sa huli sila parin ang magkakatuloyan,
Dahil pareho nilang unang pag-ibig ang isa't-isa

Pasensya na naman ulit,
'Di ko naalala saating dalawa ako nga lang pala ang nagmahal,

-Saating dalawa,
Ako lang pala ang nagmahal,
Dahil siya naman talaga ang iyung minahal at 'di ako,
Ikaw ang unang pag-ibig ko,
Pero 'di ako ang unang pag-ibig mo,
Dahil una palang isa lang naman akong tula,
Tulang daan mo para sakanya,

--------------- 🍁🦋

Kaya kailangan kung tanggapin na hindi talaga tayo ang para sa isa't-isa,
Kailangan kitang palayain kahit ang totoo 'di ka naman naging akin,

-Palayain ka at magmahal na lang ng iba,

Mga salitang madaling sabihin o bitiwan,
Pero kaya nga bang panindigan ?,
Kung sya parin talaga ang mahal,
Mahal na kahit kailan 'di rin tayo mamahalin,

-Tama nga bang lumingon sa iba ?,
Kung alam mo naman sa sarili mung sya lang talaga,

-Tama bang magmahal ng iba ?
Kung Hindi mo pa sya kayang makalimutan,
Kung ikukumpara mo lang naman ang una mo sa bago mo,
Kung alam mung ikaw lang din ang masasaktan sa gagawin mo,

-Masasaktan ka
Masasaktan ka kasi magmamahal ka ng iba,
Kahit 'di mo pa talaga limot yung una,
Nasaktan ka na, nakasakit ka pa,
Nakasakit ka pa ng ibang tao,
Na umasa na sya na talaga ang mahal mo,
Kahit ang totoo may hinihintay ka naman talagang bumalik,
------------------🍁🦋
-Una
Sabi nga wala tayong Laban sa Una,
Sa unang pag-ibig,
Sa unang minahal na 'di naman ako,
Kaya anong Laban ko?,
Kung sya ang unang pag-ibig mo,
Kung sya ang mahal mo,
At 'di ako,
Anong Laban ng pangalawa kung mahal parin ang una.

-Gusto
Gusto ko mang lumayo, umiwas at kalimutan ka,
Pero 'di ko pala kaya,
Gusto ko mang lumayo,
Pero 'di ko alam kung bakit pero lagi tayong pinagtatagpo ni tadhana,
Ni tadhanang mapaglaro,
Pagtatagpuin pero muling paglalayuin,
Panandaliang saya lang pala ang lahat,
Sa huli babawiin din pala ang saya nayun agad,
Babawiin ka din pala agad,
Ay 'di ka nga pala naging akin,

Ayaw ko mang umasa,
Pero sadyang mapaglaro si tadhana at mapagbiro naman si kupido,
Mahal kita pero mahal mo siya,
Naaalala kita pero nakalimutan mo na ako pero sya nananatili parin sa isip at puso mo,
Hinihintay kita pero sya ang hinihintay mo,
Tila nakikipagbiruan si kupido na baliko kung pumana,
Tatamaan ang isa at ang isa naman ay tatamaan sa iba diba't mapagbiro si kupido,

At mapaglarong tadhana,
Bigla ka na lang dadating sa panahong 'di ko inaasahan,
At agad ding maglalaho na parang hangin.

Pero ikaw padin,
Kahit masakit,
Kahit alam kung walang pag-asa,
Ang ikaw at ako na maging tayo,
Kahit alam kung merong siya sa pagitan nating dalawa,
Siya na totoo mung minahal,
At ako na hanggang kaibigan na lang,
Na matagal ng nakalimutan,
Na ako na patuloy parin sa paghihintay sayo,

Tama bang maghintay parin ako sa taong imposibleng maging akin ?,
Tama ba o dapat ng tumigil ?,
At harapin ang katutuhanang,
Siya talaga at hindi Ako,
Tama bang hintayin parin kita,
Kahit hindi ako ang mahal mo ?

Tama ba toh,
Tama bang mahalin ka at hintayin kita ?,

ANG UNA KUNG PAG-IBIG

My Spoken Poetry For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon