K13

3 0 0
                                    

Siguro

Siguro kung kilala niya ako at magkaibigan kami, siguro aamin ako. Na, huy may sasabihin ako pero sana walang magbago sa ating dalawa. Matagal na toh eh pero natatakot ako sabihin sayo. Dahil una, sino ba naman ako kumpera sayo? Pangalawa, maraming may gusto sayo. At pangatlo, alam kong hindi naman pwedeng tayo. Oo na tangina. Gusto na kita. Hindi ko alam kung kailan, basta sa pagkakatanda ko hinahangaan ko lang ang mga guhit mo, ang mga nalalaman mo, pinaniniwalaan at pinaglalaban mo. Di naman ako sigurado kung mahal kita, masyadong malakas, nakakatakot ang salitang 'mahal'. Ewan ko ba kung bakit ako nasasaktan. Nasasaktan nga ba ako? Hindi ko alam pero kumikirot ang puso ko. Ang sabi ko sa sarili ko noon hinay hinay lang baka may mangyari na ikakasakit mo. Alam ko naman na eh, pero bakit ganun? Kahit alam ko na na mangyayari 'yun nasasaktan parin ako? Saglit lang, hindi mo naman ako kailangan bigyan ng sagot, gusto ko lang malaman mo na gusto kita dahil natatakot ako na baka pagsisihan ko sa huli, dahil lang naging duwag ako at di ko sinabi ang nararamdaman ko para sayo. Ganyan, 'yan 'yung sasabihin ko sa kanya. Kung nandito siya sa tabi ko.




Matagal na rin simula nung nag update ako oh well...


ひろ

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga ka-ewanan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon