"MimiyuuUuH oh yEaH!" Kanta ni Marie bigla. Tumingin naman ako sa kanya. Nginitian niya lang ako kaya lumabas ang apat na ngipin sa itaas. Inirapan ko naman siya. Nagfo-focus kaya ako magreview para sa darating na exam ko online.
"Ikaw at AkoooOoo oh yEaH!" ginaya niya din ang tono sa una niyang kinanta. Tiningnan ko naman ulit siya at sinamaan ng tingin. Mukhang hindi niya naman napansin ang pagsama ng tingin ko dahil nakapikit pa ito at dinadama ang maikling kinanta. Binato ko naman siya ng ballpen na hawak ko. Napadilat naman siya at napahawak sa noo kung saan ko ito nabato.
"Ouchie! Ba't mo ginawa yun? You know na i'm warming up my vocal. My voice is super nakakabighani na kasi!"sigaw niya sa'kin. Tumaas naman lalo ang kilay ko sa inis. Kanina ko pa gusto magfocus sa pagre-review ko, kaso kanta siya ng kanta kaya nadi-distract ang utak ko. Para kasi siyang kambing pag kumakanta!
"Hindi mo ba alam na nagre-review ako for my exams?! You're distracting me, duh!"inis na sabat ko sa kanya. Inirapan naman ako nito. Aba't! Gaya gaya ng expression! Walang originality!
"Ah, i'm sorry, Gabanana. I'm practicing my voice too. You see, i'll join in contest after this." he mockingly said. Nainis naman ako lalo. Akmang babatuhin ko siya ng libro eh agad siyang tumayo at nagtago sa likod ng cabinet. Sinilip niya naman ako at nginisihan.
"Opps, duling ka na pala! Ha ha ha!"pang- aasar niya. Padabog ko namang kinuha ang mga gamit ko sa inis. Iniinis talaga ako ng baklang 'to! Kahapon pa siya nang-iinis. Nagtungo ako sa kwarto at sinara ng malakas ang pinto para iparamdam sa kanya na naiinis talaga ako.
Siya si Marie Okada, his (her) true name is Mario Okada. He's my bestfriend since elementary. Dito siya nakikitira sa apartment ko simula pa nung senior high school pa lang. Nilayasan kasi niya ang pamilya niya dahil hindi tanggap na bakla siya. Kaya nagtungo siya sa'kin at sinabing 1 month lang na magi- stay in eh ginawa ng 4 years. Nagstop din siya ng pag- aaral. Sayang nga eh, matalino pa naman siya sa English at Math. Tutor ko nga siya minsan eh! Wala din akong kasama sa bahay kasi ulila na ako. Kaya kaming dalawa lang ang nakatira dito.
My mother passed away when she gave birth to me. My Father left me naman when i was 15 at naghanap ng ibang pamilya. So i became dependent on my life since that day. I started to work nung 15 pa ako. Nagtrabaho ako biglang Dishwasher ng Restaurant. Kaya puyat at pagod lagi dahil pinagsasabay ang paga-aral at pagt-trabaho. Buti nga pinagtrabaho ako kahit menor de edad pa ako no'n. Crush kasi ako ng anak ng may ari nun kaya hinire ako nito. Kaya naghanap ako ng maliit na apartment na kakasya sa sinasahod ko. 4 years na rin ako naninirahan dito. Skwater area ang lugar na tinitirhan ko, pero masaya naman.
Napapitlag naman ako sa gulat nang may kumatok ng malakas sa pinto. Pilit pa rin itong binubuksan dahil nilocked ko ito. Inis naman akong bumangon sa kutson at inis na binuksan ang pinto. Bumungad naman sa akin ang puro pimples na mukha ni Marie.
"I'm sorry, Gabanana. I will not bother you na. Wag na magalit sa akin." Paghingi ng tawad nito. Napabuntong hininga naman ako. Hindi naman ako marunong magalit sa isang tao, kung nagagalit man ako, saglit lang. Nginitian ko naman siya at pinitik ko ang lumolobo niyang pimples. Napaaray naman siya.
"My pimples! Omyghad! Kaya dumadami eh!" Histerikal na sabi niya habang hawak hawak ang ilong. Tinawanan ko lang siya at dumiretso sa kutson kung saan ako nag-aaral. Dumapa ako at sinimulang magbasa.
"Hustisya naman, Gabbana! Alam kong mas clear skin ka sakin kaya wag mong sirain ang skin care routine ko lagi. Nawawalan ng sense ang pagga-ganun ko kung lagi mong natitiris ang pimples ko!" Oa niyang sigaw sa akin. Sinulyapan ko lang siya at inikutan ng mata.
"That's your karma. Istorbo ka kasi palagi eh"sumbat ko sa kanya. Lumapit naman siya sa akin at hinila ang buhok ko pataas. Sa likudan ko kasi siya. Napaaray naman ako sa sakit. Nahihila ang ulo ko pataas dahil sa paghila niya ng buhok ko.