Sabi nga nila, walang taong aasa kung may taong nagpapaasa diba?
Kaya para saan pa akong nagmamahal sa kanya? Eh ako eto, mahal siya kahit alam kong hindi niya ako mahal. Pero ang alam ko, balang araw mamahalin niya rin ako. Kailan? Yun ang hindi ko alam. Kung nakikinig ang tadhana, sana magkatotoo. Mahal ko siya. I love him. Anong magagawa niya?
Sabi nga nila, "Love is not always like a fairytale.". Hindi porket mahal mo, kayo na magkakatuluyan.
Is there always a happy ending? Oo. Kung sina Cinderella, Aurora, Ariel, Jasmine at iba pa meron, kami pa kaya?
Alam kong masyado akong persistent. Naniniwala ako na once naiset mo yung goal mo sa isang bagay, may chance. Even 0.1% is a chance. Kahit gaano kaliit o kalaki, chance is chance.
HE'S THE ONE.
Sambit ko sa sarili ko habang nakaupo sa sofa.
I'm Bianca. 17 years of age. Si Chris Fuentabella yung tinutukoy ko kanina. Siya lang. Third year in college. BS Accounting.
Lahat nang gusto niya, alam ko. Ang hobbies, favorites, at iba pa. Tawagin nyo na akong stalker kung maaari. Simula pa lang elementary kami crush ko na siya. Hanggang ngayon sa college, mahal ko siya pero kahit kailan di niya ako pinansin. Ang tingin ko tuloy, pinapaasa niya lang ako. Di ko naman siya pwede pilitin na mahalin ako eh kasi alam ko kahit kailan di mangyayari yun. I still believe na kahit gaano kaliit ang chance, igragrab ko yan.
Nung nagkaroon siya ng girlfriend, nainis ako. Kasi ako, nandito simula una pa lang. Samantalang yung girlfriend nya biglang sumulpot na lang pero hindi ko alam kung masisiyahan ako o malulungkot nung nagbreak sila ng girlfriend niya. Kasi alam kong masyado siyang nasaktan.
Nung highschool ako, lagi ko siyang sinusundan. Nung nagtransfer siya ng ibang school, kinulit ko si mama para lang nandoon din ako sa school niya.
Kaya nung nagkaroon ako pagkakataon na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko, sinabi ko na pero hindi niya tinanggap. Nagsorry lang siya sa akin. Labis akong umiyak nun, kasi my first love is my first heartbreak. Di ako pumasok ng ilang araw kasi alam kong magkakalat sa school namin yun. Nahihiya din ako sa kanya.
Sabi ng mga kaibigan ko, wag mong ipilit ang sarili mo sa taong mahal mo. Eh eto ako, napakapossessive. Napakapersistent. Napakatanga. Nagpakatanga sa taong di ako mahal.
Ngayon, nanonood lang ako ng basketball tournament dito sa school. Alam nyo kung bakit? Nandito si Chris. Lagi akong sumusuporta sa kanya.
"Go Chris!" tili naming lahat ng babae dito.
Ngumiti lang siya. Di ko alam kung sa akin o hindi, kasi alam ko namang hindi niya ako papansinin. Mabait naman ako at matalino. Ano ba nagkulang sa akin? Kagandahan? Kasexyhan? Aaminin ko, sakto lang naman katawan ko.
Oo nga pala. Isang geek at heartthrob magkakatuluyan? Imposible nga pala yun.
At-- . Nakita ko siyang lumapit sa akin?
"Hi. Bianca."
"Ah.. He.. Hello." Nauutal ako habang nakatingin sa kanya. Hindi ko siya kayang kausapin.
"Sige bye alis na ako." Mabilis kong sabi at tumakbo na ako palabas ng gym.
Bakit ko nararamdaman ang ganito? Ang lakas ng tibok ng puso ko. Para akong isang bata na nakita at nakausap ang crush niya. Parang gusto ko sumabog ngayon kasi sa wakas pinansin niya ako. Pansin nga lang.
Eto ako ngayon. Nasa loob ng classroom. I followed my friends' advice.
"Ilagay mo na lang dyan. Malay mo diba?" sabi ni Mia.
"Wag na lang. Baka mabasted ulit si Bia." sabi naman ni Julie.
Sakto ang oras ay 7:30 am. Ang balak ko kasi ay maglalagay ako ng letter para kay Chris. Sana siya nga makabukas dun. Ilalagay ko lang sa table niya. Ayoko sa locker niya kasi alam kong marami ng letter dun. Para pagpasok niya ng 8 nang umaga eh makikita niya. Remember? Alam ko schedule niya.
Ang nakalagay sa letter:
To: Chris Fuentabella,
Uhm, di ko alam kasi ang sasabihin ko eh. Naalala mo pa ba ako? Puntahan mo ako sa gym ngayon kung available ka. May sasabihin lang ako.
From: Bia RodriguezNapabuntong hininga ako. Hay. Sana mabasa niya.
Pumunta na ako dito sa gym. Umupo ako kung saan niya ako unang pinansin nung may tournament sila. Saktong 8:30 na pero wala pa rin siya.
Pagkalipas ng 9 wala pa rin siya. Sana nakinig na lang ako sa isa kong kaibigan. Umasa na naman ako. Nagpaniwala. Nagpaniwala sa motto ko na may chance pa. Na kahit ga a no kaliit, meron. Ngunit wala pala.
LESSON: Wag umasa sa wala!
Simula highschool ako, tinatandaan ko yang kataga na yan. Pero bakit ngayon? Mangiyak-ngiyak ako lumakad palabas ng gym. Nang bigla ko siyang nakita.
"Chris.."
"Sorry late ako ha?"
"Hindi, okay lang." bigla ko siyang niyakap.
"Bia.."
"Alam mo ba na simula elementary pa lang tayo, crush na kita? Hanggang ngayong college natin, minahal kita. Naalala mo dati, binasted mo ako at sinabi mo pa sa akin na sorry diba? Hindi ko matanggap yun dahil nandito lagi ako para sa'yo tapos yung girlfriend mo na bigla na lang sumulpot tapos ako di mo ako pinapansin. Kaya, mahal kita Chris. Kaya kahit itaboy mo ako, lagi kitang mamahalin. Kahit walang chance, I will be always here for you. Siguro panahon na para tumigil." Hanggang sa umiyak na ako.
"Bia, hindi ko alam kung paano sisimulan lahat pero may sasabihin din ako sayo. Alam ko naging tanga ako dahil binasted kita. Yung feeling yung babae mismo nanligaw o umamin sa'yo, ang tanga tanga ko kasi isang babae na mabait, matalino at maganda na tulad mo tinaboy ko. Pero Bia, natakot ako eh. Natakot ako na magmahal ulit kasi alam ko maghihiwalay din pero mali ako.. Bia, matagal ko na gusto sabihin ito eh. Bia, mahal din kita. Di ko alam kung paano talaga sasabihin yun. I was afraid. Until you said na ititigil mo na. Hindi ko mapigilan na sabihin lahat." Sabi niya na naluluha at nakatingin sa mga mata ko.
"Chris, nakakainis ka. Kung sana sinabi mo na sa akin dati. Sana, hindi ako laging umiiyak. Sana hindi ako yung lagi nagpapapansin sa'yo." Sabi ko habang pinupunasan mga luha kong patuloy dumadaloy galing sa aking mga mata.
"Oo. Naiinis din ako sa sarili ko kung bakit hindi ikaw yung naging girlfriend ko noong una pa lang. Naiinis ako sa sarili ko bakit hindi kita pinansin at tinaboy ka. Sorry Bia. Hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot ako na baka masaktan ako at pati ikaw. Until I realized na, it will worth a try." Hinawakan niya ang kamay ko at siya ang pumunas sa mga luha.
"I love you, Chris."
"I love you too, Bia."
At hinalikan ko siya.
Hindi nga mala-fairytale ang nangyari samin but I'm still thankful na naniwala ako. Even though it's a little bit of a chance, chance pa din yun. It's worth a try.
THE END
By: Glitterception
A/N: Thank you for supporting my first story! Let me know what you guys think of it!
BINABASA MO ANG
He's the One (One Shot)
Teen FictionDoes the word "Sorry" always hurt? And the phrase "I love you" makes you happy?