>>November 4, 2011
maraming beses na akong lumuha.
pagkapanganak hanggang ngayon.
ang dahilan: kalungkutan, pagkawala ng importanteng tao,
sakit, atbp.
pero ngayon, parang iba..
sa bawat pagpatak ng luha ko ngayon, ito ay
nagpapahayag ng aking kahinaan sa ilang bagay.
at may isang tanong na naglalaro sa aking isipan
na nagdudulot ng kawalan ng kompiyansa,
na kailangan ng kasagutan.
Pero sa tuwing ako'y luluha,
ayokong nakikita ng ibang tao
ayokong makaapekto sa kanila.
pero mahirap din pala yun
na sa bawat pag-iyak mo
wala kang masasandalan
at ang bigat sa pakiramdam.
tama..andiyan naman si God.
pero kailangan din ng isang kaibigan,
kapatid,ate,kapamilya.
-Eunhae