Simula

25 0 0
                                    

"Tapos kana ba sa pagbabanlaw anak?" Tanong ni nanay mula sa bintana ng aming bahay.

"Opo nay! Isasampay ko na lang po ito" halos umapaw ang batya sa mga damit na aking nilabhan. Naipon kasi ang mga ito dahil nawalan ng tubig ang aming boarding house at tanging panloob lamang ng bahay at pang paligo ang napagkakasyahan ng tubig na lumalabas sa gripo, at syempre pati na rin ang mga damit ng kuya ko.

Nag bo-board na ako simula pa noong first year pa lang ako, nakuha akong scholar ng isang pari dito sa amin si Father Digoy at dahil doon nakapasok ako sa isang Private at Catholic school na kung saan ay provided nila ang boarding houses ng mga scholar ng mga pari at tanging 100 lang kada buwan ang aming binabayaran.

Sa tabi ng boarding house namin ay ang bahay ng mga Sisters at sa kabila naman ay boarding houses ng mga ibang teachers.

May palayan ang aking mga magulang, meron din silang malawak na taniman ng mga ibat-ibang uri ng gulay at syempre meron din naman kaming pinagtatamnan ng mga kapatid ko na kung saan ay tinataniman namin rin namin ng ibat-ibang uri ng mga bulaklak atsaka ibinebenta ang mga bulaklak nito.

Bitbit ang isang baldeng may lamang mga damit na isasampay ay tumungo na ako sa sampayan, marami-rami akong nilalabhan na damit sa tuwing umuuwi ako dito sa bahay, bale every Friday afternoon ay umuuwi ako dito sa bahay tapos babalik nanaman sa linggo ng hapon.

Maayos ko na sinampay ang mga damit, inuna ko ang mga damit nila kuya dahil babalik na sila bukas ng tanghali sa Iloilo, doon na kasi sila nag-aaral at pare-pareho kaming scholar, dalawa ang graduating sa mga kuya ko isang medtech student at isang teacher kaya medyo kapos kami ngayon dahil sa field trip ni Kuya Hanson sa Davao siya yung medtech  while si kuya Justin yung soon to be teacher naman.

To be honest lima talaga kaming magkakapatid, apat na lalake at nag-iisang babae naman ako na siyang bunso. Yung panganay na si Kuya Elvis is naka-pagtapos na sa agriculture pero nanatili ito sa bahay at imbes na maghanap ng trabaho ay tumutulong na lang muna siya sa aming sakayan.

Itong lugar na ito ay mistulang pinagpala ng may kapal dahil sa mataba at saganang lupa na siyang pinagtatamnan namin dito. Sa buong lupaing ito parang dito lang sa Playa ang merong ganitong lupain dahil ang ibang mga bayan ay puro 'igang' yan ang tawag dito, sa pagkakaalam ko hindi tumutubo ang mga panananim sa mga lugar na meron niyon, kaya the whole playa de paraiso are so blessed for having this land.

Busy ako sa pagsasampay ng mga damit ng dumaan ang mga lalakeng nakasakay sa mga kabayo, at tila silang mangangaso sa kanilang mga suot at hindi rin pamilyar ang kanilang mukha, mga dayo siguro ang mga ito.

Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa huminto sila sa ilalim ng puno ng cacao na siyang tanim namin.

Bumaba ang lalakeng naka-suot ng itim na tshirt at may naka-tatak dito na hunter naka-maong pants rin ito at naka itim na botas, mukhang mag-kasing edad lamang kami. Maputi ito at may magandang gupit ng buhoy na siyang nag-dedepina sa gwapo nitong mukha na kung saan ay may matangos na ilong, mapupulang mga labi, may makapal na kilay at ang nagpamangha sa akin ay ang kanyang mga matang mapang-akit? I mean attractive! Sky blue eyes? Pano naman mangyayare yun? But damn! Its so attractive! Bagay na bagay sa kanya.

Muntik ko ng mabitawan ang damit na hawak ko ng biglang may tumikhim, na siyang nag-pagising sa akin mula sa akin imahenasyon.

Lumingon ako sa bakod na gawa sa mga kawayan, kinabahan ako dahil isa ito sa mga lalakeng naka-sakay sa kabayo, siya yung dinidescribe ko!

Napalunok ako ng ilang beses at di alam kung ano ang sasabihin.

"Ammm, may I ask if who own this field?" Nanatili ang mga mata ko sa kanya habang nilingon niya ang aming palayan. Patay! Englishero!

"Ahmm...s-samin" utal ko na sagot.

"Oh, wala pa itong mga panananim noong huli akong napagawi dito" tumango tango ako.

"Ahh...ano kasi seven years pa lang naman kaming naninirahan dito, siguro masyado ka pang bata noong dumayo ka dito"

"7 years old as I remember" he said.

"Nasa Maasin pa kami noon"

"Ahhmm, my friends were asking if they can have a free taste of that" sinundan ko ang kanyang itinuturo at nakadirekta ito sa puno ng cacao na kung saan ay nandoon ang mga kaibigan niyang nakatingala sa punong hitik sa bunga.

"P-pwede naman" tanging sagot ko na lang.

"Okay! Pero pano ba yun?" Hindi ko alam kung ano ba ang isasagot ko dahil hindi pa ako natatapos sa pag-sasampay ng mga damit.

"Kayo na lang kumuha, piliin niyo yung kulay yellow or pula tiyak na hinog na ang mga iyon" sagot ko at binalik ang atensiyon sa pagsasampay ng mga damit. Bahala na hindi naman nila uubusin yung bunga ng cacao at hindi naman siguro ako papagalitan ni nanay.

Akala ko umalis na ito pero nanatili siyang nakatayo sa labas ng aming bakod.

"Thank you" nakangiti nitong sabi. Tumango na lang ako at sinampay ang pang-huling damit na isasampay ko.

Nilingon ko muna silang nagkakagulo sa ilalalim ng puno bago pumasok ng bahay.

Sumapit ang Miyerkules at may program sa school kaya nagtipon kami sa gymnasium ng school maliit lamang ito kumpara sa ibang mga gymnasium.

Katabi ko ang mga kaibigan ko sa loob ng gym.

"Oy beshie, tinatanong ni mudra kung meron nang bunga yung pakwan niyo" tanong ni Marlo...I mean Marla isa sa kaibigan ko yun nga lang alam niyo na isa siyang bakla.

"Meron na pero wala pang hinog yun" sagot ko naman. Nitong mga nakaraang buwan lang napaglanohan nila nanay na magtanim ng pakwan.

"Mamamasyal kami dun sa sabado if okay lang sana" humagihik si Carlie.

"Tapos maliligo na rin sa dagat" sabat rin ng isa ko pang kaibigan na si Madge.

"Pwedeng pwede noh, yun nga lang baka umuwi ang mga kuya ko"

"Nako beshie! Edi okay na okay!" Nako iba talaga itong si Marla!

Palabas na kami ng gym atsaka uuwi na rin, halos matumba ako sa dami ng mga estudyanteng lumalabas ng gym as I know uwiian lang naman ang binabantayan ng mga 'to.

"Hey!" May sumigaw lumingon ako atsaka binalik naman kaagad sa aking dinadaan.

"Ay shokss! Muntik ko ng makalimutan! Bibili daw pala si mama ng mangga" natawa ako sa sinabi ni Madge, magkakaibagan rin naman ang mga magulang namin kung minsan ay namamasyal sila sa bahay

"Punta na lang kayo doon" sagot ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When The Land Meets The Sky (Playa De Paraiso Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon