CHAPTER 1

11 1 0
                                    

☆☆☆
T H E A

"Ano!? Magtitinginan na lang ba tayo dito ha? ANO!?" Nagpapanic na tanong ko sa mga kaibigan ko dahil sa takot na nananaig sa buong sistema ko. "Sabay sabay tayong mamamatay dito!"

"Huminahon ka Thea! Wag kang magpadala sa takot mo. Sa tingin mo ba maliligtas tayo ng pagpapanic mo? Guys, think how can we get out of here!" Litanya ni Drake na nakapagpatigil sa akin. He has the point. Hindi ko kailangang magpanic. Kailangan kong mag-isip ng paraan kung paano kami makakaalis dito.

Mabilis akong napahawak sa braso ni Enrico na nasa bandang kanan ko nang mamatay ang ilaw dito sa sala kung saan kami nakapwesto.

"G-Guys, w-what i-is h-happening?" Garalgal ang boses na tanong ni Razel, mahahalata mo doon ang takot. Wala ni isa sa amin ang nag-atubiling sagutin siya. "I need to go home na." Dagdag pa nito.

Halos mag-iisang minuto na ang namagitang katahimikan sa aming lahat. Walang ni isa ang nagsasalita.

Nakakabingi.

Nakakabinging katahimikan na tanging mga tunog lang ng panggabing insekto ang maririnig mo na nanggagaling pa sa labas ng bahay. Bukod dun, rinig na rinig ko rin ang paghinga at pagbuga ng hangin ng mga kaibigan ko.

"Pwede ba Drew! Wag kang humawak sa akin!" Naiinis na sambit naman ni Halie na siyang bumasag sa katahimikan. Sa sobrang dilim ng paligid ay hindi sapat ang liwanag na nanggagaling sa bintana upang makita ko sila. "Kalalaking tao e!"

"Para humahawak lang e. Damot!" Sigurado akong nakanguso na si Drew sa mga oras na ito. Si Drew ang pinakabata sa amin at siya rin ang pinakaduwag sa aming lahat.

"Wag mong sabihing naduduwag ka?" Singhal ni Halie kay Drew.

"Hindi no! D'yan ka na nga." Tanggi ni Drew. Napailing na lang ako sa pagkukunwari niya. Rinig ko ang bawat hakbang niya patungo kung saan.

"Sinong may dalang cellphone?" Tanong ni Drake.

"Lahat ng cellphone ay iniwan sa loob ng kotse baka nakakalimutan mo may policy tayo na napag-usapan, "NO CELLPHONE ALLOWED' remember?" Sagot ng baklang si Enrico. Yes, he's gay! Girl inside but outside hindi mo mahahalata. Malalaman mo lang na gay siya kapag nakilala mo na siya. Ngunit kahit ganon tanggap naman namin siya. Masayang may kaibigang bakla.

"Sino ba kasing nakaisip ng policy na yan? Walang kwenta." Maktol ni Jennifer sanhi para mapairap ako. Ngayon pa talaga naisipang itanong ang bagay na yan ha.

"We need to get out of here!" Sabi ko. Iba na kasi ang nararamdaman ko. I feel danger.

"How? Sobrang dilim! Wala akong makita even that freaking door di natin alam!" Tama si Halie. Kahit mismo ako hindi ko makita ang paligid ko sa sobrang dilim.

"Okay hawakan natin ang kamay ng isa't isa, walang maghihiwalay! Kailangan nating makaalis sa bahay na ito sa lalo't madaling panahon." Sabi ko na agad naman nilang sinunod. Hinawakan ni Enrico ang kanan kong kamay at sa kaliwa ko naman si Drake. "In count of three sabay-sabay tayong lalakad. Sigurado akong malapit lang dito ang pinto palabas ng bahay na ito." Not sure I said. I just followed my instinct, my inner me.

"Guys ito na ba yung part sa mga napapanood kong horror. May mga lalabas na masasamang elemento? Mga tiyanak, tikbalang, manananggal, white--"

"White lady, red lady, green lady, blue lady. Anong gusto mong kulay pili ka lang!?" Jennifer sarcasticly said. "Rico, hindi ngayon ang oras para mag-isip ng ganyan."

"Tatanggapin ko sana ang pambabara at pagiging sarcastic mo saken pero ang tawagin akong Rico aba! Ibang usapan na yun!" Napairap ako. Kung wala lang kami sa ganitong sitwasyon matatawa talaga ako ngunit hindi ito ang tamang oras sa biruan.

"Guys konti na lang. Malapit na tayo." Drake said. Napahinga ako ng malalim nang maaninag ko ng konti ang malaking pintuan. Medyo maliwanag na rin kasi dito.

"Iba na yung pakiramdam ko. Kinikilabutan na ako." Mahina ang pagkakasabi nun ni Razel ngunit sapat na para marinig naming lahat.

"Obviously Razel kikilabutan ka talaga. Ang lamig kaya ng simoy ng hangin." Salita ni Halie. Nakaramdama ako ng kaba. Hindi ito ordinaryong simoy ng hangin lang.

"Let's go! Bilisan na natin!" Maglalakad na sana kaming lahat nang huminto si Razel.

"G-Guys..." Naiiyak na tawag sa amin ni Razel. Maya-maya ay bumalik na rin yung kuryente kaya nagkakitaan na rin kami.

"Raz what's the problem?" Tanong ko ngunit nanatili siyang tahimik. Napansin kong nanginginig na ang buong katawan niya. Tumutulo na rin yung luha niya. Pansin kong magkakahawak pa rin ang mga kamay namin at siya ang bukod tanging napahiwalay sa amin.

Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang may pares ng duguang kamay ang dahan-dahang lumalabas mula sa buhok niya sa kaniyang likuran.

Mabilis kaming lumapit ni Drake kay Razel upang hawakan ang mga kamay niya. "Guy's tulungan n'yo 'ko." Umiiyak na sabi niya. Tumulo na rin ang mga luha ko kasabay ng aking pagtango.

Humangin ng malakas at nagpatay sindi ang mga ilaw.

"Wag kang bibitaw Razel!" Panghihikayat ni Drake kay Razel hawak hawak ng mahigpit ang kamay nito. Hinigpitan ko rin ang hawak ko. Napansin kong hindi gumagalaw sina Enrico, Drew, Halie, at Jennifer dahil sa gulat siguro.

Nakahawak na ang duguang kamay sa balikat ni Razel. Handa na siyang hilahin nito. Mas hinigpitan pa namin ni Drake ang pagkakahawak sa kamay ng kaibigan namin.

"Razel wag kang bibitaw. Nandito lang kami." Dahan-dahan naming hinila si Razel ngunit sadyang malakas ang pwersa ng dalawang kamay na humihila sa kaniya hanggang sa mabitiwan namin siya.

"RAAZZZEEELLLL!!!" Sigaw ko kasabay ng pag-iyak ko. Napaluhod na rin ako. "Razel... Razel!" Hahabulin ko sana siya kaso mabilis akong napigilan ni Drake.

"Thea no! Please..." Sabi niya.



"CUT!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 12, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Game of LifeWhere stories live. Discover now