Three, Two... JUAN - Tungo sa Kaunlaran!

232 4 3
                                    

            Three,two,one! Diyan nagsimula si Juan. Sa simpleng pagbibilang mula sa mababang numero pataas, ay hindi inaakalang binibilang narin ang pinanghahawakang kapalaran para sa kinabukasan. Pilipinas na walang kupas at pagod sa pag-akyat ng hagdanan marating lang ang tuktok ng kaunlaran.

            Habang napipilas ang kalendaryo ay kumakapal ang dami ng huwarang Pilipino sa paggawa ng ikauunlad ng bayan. Mga hindi matatawarang paraan ang naiimbento. Mga bunga ng pagsisipag at tiyaga na halos kalimutan na ang sariling kapakanan, basta’t ligtas ang minamahal at mga pangarap na patuloy sa pagtupad. Mga paglipad ng eroplano, bilangin nating isa-isa ang mga ito.

             Three — kalidad ng pinoy pagdating sa edukasyon, teknolohiya at ang ating produktong talaga naman ay “best buy”. Syempre, hindi papahuli ang Pilipinas pagdating sa teknolohiya at hindi papahuli ang mga Pilipino pagdating sa networking sites na lalong patok sa ating kabataan. Nakaimbento ang pinoy ng mga bagong sasakyan na pinapaktakbo hindi ng makina kundi gamit ang sikat ng araw na talaga naman ay makakabawas sa polusyon dahil wala itong ibinubugang usok. O’diba may transportasyon ka na, makakatulong ka pa sa mundo. “Best buy” ba kamo? Iyan ang produktong Pilipino na inaangkat pa sa iba’t ibang bansa. Binabalikan ng mga dayuhan dito sa ating bayan katulad ng mga pagkaing “tatak pinoy” na Adobo, Sinigang at Bicol Express. Hindi rin mawawala ang dinadayo ng mga turista, ang Bohol at Tarsiers, Boracay sa Aklan at Mt. Mayon sa Albay. Mataas ang kalidad ng pinoy kapag pag-aaral na ang pinag-uusapan dahil hindi napapagod ang mga Pilipino sa pagkatuto ng bago. Iba’t ibang karatig bansa ang nagpupunta pa dito para lang makapag-aral dahil sa murang tuition fees pero success naman at abot ang saya sa dami ng iyong matututunan.

           Two — dakilang Overseas Filipino Workers (OFW) at mga kaugaliang garantisadong pinoy. Kababayan nating nasa ibang bansa na nagtratrabaho para sa tinataguyod na pamilya. Mga huwarang pinoy na nakikipagsapalaran sa ibang bansa dala-dala ang ating bandera. Ilang dagat ang nilusob manilbihan lang sa ibang lahi para makaahon sa lunod na kahirpaan. Kung di dahil sa mga OFW’s ay hindi magiging maunlad ang bansang Singapore, Japan, Hong Kong at US. Kabutihang loob ba ang hanap mo? Marami n’yan dito. Pilipinong hindi napapagod sa paggawa ng kabutihan sa kapwa. Kahit sa hindi kapansing-pansin na lugar ay nagaganap ito. Sa Jeepney, makikita mo ang alertong pasahero kapag narinig ang salitang “bayad po” ay agad kukunin ang bayad (hindi ilalagay sa bulsa) at iaabot sa drayber. Matapat sa kapwa, walang pinipili sa paggawa. Maraming pinoy rin ang nababalitaang nagsasauli ng napulot na malaking halaga ng salapi at isa na rito si Cristina Bugayang. May mga salita rin tayo na pagbibigay ng respeto, ang “po” at “opo” at pagdugtong ng mga salitang “ate” at “kuya” sa nakatatanda sa atin. Pagdiriwang na “only in the Philippines” lang makikita gaya ng ilang Fiesta, mga nakasanayang tradisyon kapag sasapit ang Pasko, Mahal na Araw at Bakasyon. Sa atin lang din matatagpuan ang “Bayanihan” na tulung-tulong ang mga mag-kakapit bahay buhatin ang bahay at ililipat sa ibang bayan. Pagkakaisa!

             One — teka, si JUAN DELA CRUZ ba ‘yan? Oo naman, sya na! Nag-iisa! Si Juan yan, imported mula pa sa bansang Pilipinas. Purong-puro, walang halong biro. Akalain mo ba naman, inabot ang numerong uno.  Si Juan, may kapatid na Biritera na sa ibang bansa ay tanyag na tanyag ang pangalan. Ang 100% “Pinay Singing Sensation” na si Charice Pempengco at Filipina-Canadian na si Maria Aragon na sa murang edad, nagsimulang umawit sa sariling bayan at ngayon ay binabahagi na ang tinig sa ibang lugar. Kung sa kantahan hindi padadaig si Juan, ganun din sya sa suntukan. Si “Pound for Pound King” Manny Pacquiao, ang pinakatanyag na pinoy boxer sa buong mundo. Dahil sa angking talento, pinatunayan nya na hindi kailangan ng magandang lalaki para sumikat kundi kabutihang loob, pursigido at may magandang plano para sa sariling bansa. Miss Universe 5th Runner-up 2010 Venus Raj at 4th Runner-up 2011 Shamsey Supsup. O’diba sunud-sunod na pagkapanalo ng Pilipina, sunud-sunod na pagdala nila ng karangalan sa ating bansa. Dahil sinunod nila ang proseso ng ating pagbibilang, hindi magtatagal ay makakarinig ka na rin ng Miss Universe 2014, PHILIPPINES!

           Pag-asensong hindi natin inaasahan at hindi natin napupunan dahil sa mga bulag at walang pakiramdam o walang pakialam sa bansang ginagalawan. Patuloy tayong natatabunan ng negatibong pananaw. Tayo’y maunlad na, kailangan lang gisingin ang mga taong ayaw maniwala para dumami ang aking panig. Para sabihin ko sayo, isa akong Pilipino, sarat man ang aking ilong, ipagsisigawan ko pa yun, dahil iyon ang tatak Pilipino. Made in the Philippines!

         Gamit ang mga paghakbang na ito, makakarating din tayo sa tutok. O isang hakbang nalang saka ka pa napagod! Bangon kababayan ko! Tama na ang pahinga. Malapit na, eto na! Tara Juan, sama ka. Patungo na ako sa Kaunlaran!

-This was release last year in our "Ang Parola" , opisyal na pamahayagan ng Paaralang sekundarya ng Lungsod Quezon. (QCHS) Enjoyy! :D Feature po yan! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Three, Two... JUAN - Tungo sa Kaunlaran!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon