Sa kaharian ng Espanya, naroon ang angkan ng mga Mendoza, ang sinasabing pinakamakapangyarihan at nakaaangat sa lahat. Si Elyiea, ang tagapagmana ng mga Mendoza ay may kayumangging balat, may itim at mahabang buhok, matangos ang ilong at sadyang napakaganda. Marameng kalalakihan sa bayan nila ang nagugustuhan siya. Ngunit lahat ng mga ito ay bigong kunin ang loob ni Elyiea maliban kay Yuki, isang matipunong lalaki, may kayumangging balat, matangos ang ilong, pormado ang kaniyang maskuladong katawan, at may dugong hapon.Sabik na sabik na si Elyiea dahil paparating na ang araw na kaniyang pinakahihintay, ang pagiisang dibdib nila ni Yuki.
Samantalang si Yuki, ang kaniyang mapapangasawa, ay naghahanda na para sa kaniyang madilim na binabalak sa pamilya ng mapapangasawa.
"Ihanda niyo na ang ating mga tauhan. Ngayong gabi, uubusin natin ang mga Mendoza at iiwan natin silang naliligo sa kanilang mga sariling dugo," wika niya sa telepono.
Matapos ang ilang oras na paghihintay, dumating na ang pinakahihintay na panahon ni Yuki.
"Sa wakas, dumating na ang gabing aking pinakahihintay, mapapasakamay ko na ang inyong mga kayamanan at kayo ay maghihirap. Sisimutin ko ang bawat perang inyong pinaghirapan," nanggagalaiting sabi ni Yuki habang pinagmamasdan ang litrato ng pamilyang Mendoza.
Si Elyiea ay nagpunta sa kanilang balkonahe, humilig siya roon habang sumisimsim ng kape at pinagmasdan ang kalawakan ng kaharian.
Ang araw ay papalubog na at dumidilim na ang kalangitan. Ang lahat ay masaya at ang paligid ay matiwasay. Ang mga ibon ay malayang lumilipad sa kalangitan at ang mga puno ay sumasabay sa hampas ng hangin.
Dalawang araw bago ang kasal ni Elyiea at Yuki, nagkaroon ng preparasyon para sa pagkaing ihahanda sa kasal. Hindi na makapaghintay si Elyiea, nais na niyang makita ang kasintahan.
"Ako ay nasasabik na! Siguradong magugustuhan ni Yuki ang mga putaheng aking ipinahanda para bukas at titikman ngayong araw," maligalig na wika ni Elyiea.
Dumating ang oras ng preparasyon at hindi sumipot si Yuki. Sinabi nito na siya ay tinatamad ngunit ang katotohanan ay ito rin ang oras ng kaniyang pagsalakay sa mga Mendoza. Hinayaan niya si Elyiea na pumunta roon kasama ang kaniyang mga kamag-anak at ito ay parte ng kaniyang plano.
Si Yuki ay natuwa dahil umaayon ang lahat sa kaniyang plano. Nais niyang nakawin ang libro na naglalaman ng impormasyon kung saan matatagpuan ang yaman ng mga Mendoza at ginagamit lamang nito si Elyiea upang magkaroon ng koneksyon sa mga Mendoza.
YOU ARE READING
TESORO CON AMOR
ActionSi Elyiea Mendoza ay ang tagapagmana ng mga Mendoza. Siya ay nagmula sa isang mayaman at makapangyarihan na angkan na nagmula sa Espanya. Naitakda siyang ikasal sa kaniyang pinakamahahal na kasinatahan. Perpekto na ang lahat, handa na ang kaharian s...