"BULAGA""AYY PUSANG MAPUTE!!! Ano ba vanesa nakakagulat ka naman!"
"Kaya nga ako nag sabi ng Bulaga para magulat ka. Anong sense ng pagsabi ko ng bulaga kung hindi ka naman magugulat. Sya tara na pasok na tayo sa bahay nyo."
"Van tignan mo yon o may titira na sa tabi ng bahay namin."
"Edi congrats sayo at may bago na kayong kapitbahay. O sya tara na pasok na tayo sa inyo"
"Wait lang Van. Nakita mo ba yung anak nilang lalaki."
"Hindi bakit gusto mong jowain? Tara na kasi pasok na tayo gutom nako sabi mo mag fofood trip tayo."
"A-anong jowain ka dyan. Osya tara na nga parang kang engot pag nagugutom e. Jowa jowa ka pang nalalaman dyan."
--
"Mona ibaba mo yung kotson ng higaan mo, dito sa sahig."
"Bat pa kasi gusto mo kumain dito sa kwarto ko. pwede naman dun nalang sa kusina"
"Nahihiya kasi ako baka dumating agad yung kuya mo"
"Bat mahihiya e walang hiya ka diba. O sya tulungan moko buhatin tong kutsyon dyan"
"Mahiyain din naman ako no. Osige tanggalin mo na Yung mga unan para mabuhat na natin"
--
"Mona bat mo nga ba tinanung sakin kung nakita ko yung lalaking bagong lipat?"
"Ah e... wala lang.."
"Bakit nga kasi. ikaw tong parang engot e tinatanong ka ng maayos tas ganyan ang isasagot mo"
"Hindi kasi ewan ko ba para kasing kamukha nya si Rian"
"So Rian? yung ex boyfriend mo?"
"Oo"
"E pano mo magiging ex boy friend yon e hindi naman kayo nag break bigla nalang sya umalis at nawala na kayong communication sa isat isa."
"That's the point kaya ko sya naging ex, hindi mo matatawag na relationship ang isang bagay kung wala kayong communication"
"Well hindi ko kasi nakita yung face nung guy. Pero sure kaba na kamukha sya ni rian?"
"Oo as in kamukhang kamukha. Tatawagin ko nga sana sya, kaso bigla syang tinawag sa ibang pangalan ng nanay nya at nung tinignan ko yung nanay nya hindi naman yon si tita na mommy ni rian."
"E baka hindi nga yon si rian at talagang ibang lalaki yon. Baka namimiss mo lang si Rian kaya nakikita mo si rian dun sa bagong lalaki."
"Siguro nga. Tatlong taon na din kasi ang nakalipas nung iniwan nya ako ng walang paalam. Nalaman ko nalang sa mga kapitbahay nila na umalis sila papuntang Japan"
--
"Mona uwi nako. Gusto ko sana mag overnight kaso may pasok na tayo bukas. Tapos na Ang seem break natin e."
"Kaya nga e pero ok lang next time nalang. Pero 9pm na sure kaba kaya mong umuwi mag isa hatid na kaya kita"
"Oo nga no sya mag papasuyo nalang ako kay kuya mon na ihatid ka sainyo"
"Ha? ah wag na ano kaba nakakahiya sa kuya mo. kaya ko naman e. Tska baka Makita pa sya nang kuya ko baka mag kagulo pa"
" Sabagay pero sure ka na ba na ayaw mo ihatid Kita"
"Oo sure ako sya alis nako"
"Okay text mo ko pag nakauwi kana sa inyo"
"okay bye"
"bye"
---
Habang naka higa sa kama ko hindi ko maiwasan hindi maisip si Rian
"Nasan kana ngayon Rian, alam mo ba miss na miss na kita. Bat naman kasi hindi ka nag paalam sakin na aalis pala kayo ng bansa at doon na pala kayo sa japan maninirahan. Sana man lang kinausap mo ako kahit papano para naman alam ko, alam ko kung maghihintay pa ako o hindi na. Ipinag tanong kita sa mga tito at tita mo kung nasaan ka at kung kamusta kana pero wala din daw silang balita sayo ang alam lang nila na sa Japan kayo ni hindi nga nila alam kung saan eksakto sa Japan. Hinanap ko din kung may social media accounts ka pero wala akong nakita, inisa isa ko friend list ng kamag anak mo pero wala akong mahanap. Bat mo pa kasi kailangan I deactivate yung social media account mo. Tatlong taon na simula nung umalis ka ni isang tawag at message wala man lang ako nareceive galing sayo siguro nga kinalimutan mo na ako."
"Mona sinong kausap mo dyan? diba nakauwi na si mona." sahi no mama na nasa labas lang ng kwarto
"ahh mmm... si De Leon mama... kinakausap ko lang po si De Leon (name ng pusa namin)"
"si Deleon nasa kusina pinapakain ng kuya mo"
"ayy ahhh ganon ba ma. Hehe joke lang kinakausap ko lang sarili ko."
"Seriously Mona kinakausap mo sarili mo? JUSKO sana naman mag karoon naman ako ng isang normal na anak kahit isa lang po!"
"hehehe bakit ma pati ba si kuya?"
"MAMA.....(sigaw ni kuya na nasa kusina) PWEDE BA PAKI DAMIHAN BILI MO NG CAT FOOD SIMULA NGAYON SASABAYAN KO NA KUMAIN SI DELEON ANG SARAP PALA NG PAG KAIN NITONG PUSANG TO"
"JUSKO LORD KAHIT ISA LANG ISA. ISA LANG." sigaw ni mama ^_^
