Curfew 3: Sapatos

7.7K 258 15
                                    

Tatlong araw nang bored si China. Walang signal kaya walang cellphone. Lalo na siyempre ang wi-fi. Ultimong tv wala rin. Nakatulog sila ng araw na dumating sila kaya gabi na nang magising ang barkada.

Kabilin-bilinan na bawal ang lumabas pagsapit ng gabi. May curfew raw sa lugar nila. Ang nakakatawa sa kanila, hindi lang menor de edad ang may curfew kung hindi lahat ng taong nasasakupan nila. Maliit lang lugar nila Miranda. Halos layo-layo ang mga kapitbahay at kubong mga walang kuryente. Buti na lang malaki na ang bahay nila Miranda, may kuryente pa. Dahil kung isa sa mga kubong naroon sila tutuloy, uuwi na rin siya kaagad.

Ew, kaya.

Nang pangalawang araw, nagyaya sila sa ilog na malapit lang sa kanila. Halos gubat ang daanan bago makarating sa ilog. Gusto sana nila na overnight kasi bilog ang buwan, kaso 8pm pa lang nagyaya na si Miranda. Baka abutan daw sila ng curfew. Ano ba namang babae ito?

Kaya ng ikatlong araw, nagyaya s'yang pumunta ng bayan. Isang jeep lang naman. Nag-hiking kasi ang ilan at hindi s'ya sumama. Nakakapagod kaya 'yon. Kaya nang umuwi sila ng bandang alas singko, nagpasama s'ya kay Miranda sa bayan.

Halos wala namang mall sa lugar na iyon. Puro tiyangge lang at tindahan sa mga gilid-gilid na parang sa divisoria. Nalibot na nila halos ang buong lugar pero wala pa rin s'yang makita. Gusto kasi n'yang bumili ng bagong sapatos. Nasira 'yong ginamit nila ng pumunta sila ng ilog kasi gusto n'yang nakasapatos pag naglalakad. Ngayon nga sandals ang suot n'ya.

"Ahm China, hindi pa ba tayo uuwi? Kasi medyo gumagabi na, baka abutan tayo ng curfew sa amin." Nag-aalalang sabi ni Miranda. Nakasimangot na humarap si China dito.

"Bakit ba takot na takot kang maabutan ng curfew sa daan. Ikukulong ba ang mahuhuli? We are in the right age para d'yan sa walang kuwentang curfew n'yo, duh?" Kanina pa s'ya nabuburaot dito. Tingin kasi nang tingin sa orasan. Alas diyes pa lang naman.

"Gusto mo kumain muna tayo. 'Di ba 12am naman ang curfew sa inyo? Maaaga pa at wala pa akong nabibili."

"Eh kasi..."

"Ewan ko sa 'yo! Kung gusto mo umuwi ka na. Ituro mo na lang ang daan sa akin pauwi. Hindi naman siguro ako maliligaw sa liit ng lugar n'yo" yamot na sabi ni China. Naglakad na s'ya palayo at iniwan si Miranda.

"China! Hanggang alas dose lang ang jeep papunta sa amin." Sigaw ni Miranda. Hindi man lang n'ya nilingon ito at nagpatuloy sa paglalakad. Bahala s'ya. Ang oa naman kasi.

Pinili muna n'yang kumain sa nakitang medyo maayos-ayos na kainan. Habang kumakain, nahulog ang kutsarang gamit n'ya. Dinampot n'ya ito at pagyuko n'ya napasulyap s'ya sa ilalim ng kabilang lamesa. Isang napakagandang sapatos na sinusuot ng isang babae ang umagaw ng kanyang pansin. Napakaganda nito at 'yong paboritong kulay nya pa, pula. Eksakto kasing nagpapalit ng sapatos ang babae. Plastik bag lang ang lalagyan pero mukhang mamahalin.

Baka within the area n'ya lang nabili 'yon.

Pagkatapos maisuot, umalis na rin ang babae. Maliit lang ito pero maganda. Matapos magbayad, sinundan n'ya ito para sana tanungin kung saan nito nabili ang sapatos.

"Miss..."

Masiyadong mabilis maglakad ang babae. Hindi s'ya sanay na gano'n kabilis. Mayamaya, biglang tumigil ito. Natumba at nangisay-kisay. Nagulat s'ya kaya napatigil din s'ya sa pagsunod. May biglang sumigaw.

"'Yong ale nangingisay!"

May biglang nagbuhat sa babae at isinakay sa isang tricycle. Tulala pa rin si China kahit halos wala ng tao sa lugar na iyon. Pagtingin n'ya sa kinabagsakan ng babae, naroon ang sapatos na suot nito. Siguro habang nangingisay ito natanggal o pagbuhat sa kan'ya. Nilapitan n'ya ang sapatos. Nagdadalawang-isip pa s'ya kung kukunin n'ya. Sa huli, nanaig ang kagustuhang magkaroon ng ganoon. Kinuha n'ya ang mga ito. Inilibot n'ya ang paningin sa paligid. Nang makitang busy ang ilan at walang nakapansin sa kan'ya, mabilis na inilagay sa bag at umalis.

Curfew
jhavril
2014

CURFEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon