Prologue

6 0 0
                                    


YOU only live once, sabi nila. Smile all the time. Laugh out loud. Eat and get fat. Buy the things you want and need. Travel anywhere. Spend your money, spoil yourself. And love with all your heart.

Sabi nila.

Pero isa yan sa mga bagay na ang sarap isipin, pero napaka-hirap gawin.

Nakatulala sa harap ng laptop. Tumigil ako saglit pagtitipa sa isang kwento na ginagawa upang isipin kung paano ko gagawin ang mga bagay na magsasabing makabuluhan ang buhay ko.

Tumingin ako sa oras at petsa. Mag iisang buwan na pala akong nandito sa silid, kung saan ko isinusulat ang mga kwento.

Pinasadya ko ito para lamang magkaroon ng sariling mundo habang nagsusulat. Pinili kong taposin na ang ginagawa upang makapag relax na ako.

Dalawang araw pa ang lumipas ay tapos ko na din, sa wakas. Ngumiti ako at nag inat inat.

Kinabukasan ay na sa opisina na ako. Iba't ibang expression ng mga tao ang bumungad sa akin.

May malaki ang ngiti, si Merideth iyon.  Natutuwa siguro siya dahil may bago na naman siyang babasahin.

Mayroon din simangot habang na ka slouch.

"Malungkot na naman siguro ang ending niyan, naku!" Si Gervie. Ang assistant ko na napaka arte! I chuckled lightly.

Hinampas ko ang braso niya ng pabiro. "Umayos ka nga nang upo! At happy ending naman ang mga kwento ko, ah!" natatawa kong sagot ko kanya.

Umirap siya at umupo ng maayos.
"Aba! Oo nga naman, happy ending! Kung happy ending para sa'yo ay ang paghihiwalay parati ng mga bida, sa masasakit na paraan at dahilan. Eh, siguro nga, happy ending." Habang nagsasalita ay inaayos niya ang kanyang tabletop.

Nagtawanan kami ng sabay sabay. Kumuha ako ng isang paper sa ibabaw ng mesa niya na walang sulat. Papunta na ako sa office ko, habang naglalakad ay nilukot ko ang papel ng pabilog. Bago pumasok ay ibinato ko iyon kay Gervie. Nagulat siya at biglaang tumayo. Tumawa ako at isinara na ang pinto.

Pagkaupo ko sa swivel chair ay may kumatok sabay dahan dahang bumukas ang pinto. Sumilip si Merideth, ngumiti siya at dahan dahang pumasok.

"Kamusta ang ginagawa mo? Tapos mo na?" ngiti niya. "Sabagay, Hindi ka naman lumalabas doon ng hindi pa tapos. Curious ako, kung paano mo naman pinaghiwalay ang dalawa." Habang nagsasalita ay ang laki na nang ngiti niya.  Pagkatapos ay humalakhak na siya.

Inirapan ko lang siya. Umupo siya sa upuan sa harap ng mesa ko.

"Do you know?" She asked suddenly. Nawala na ang kanyang ngiti.

"What is?"

"That, He's back?" Patayo ako nang sinabi niya iyon. Imbis na tumayo ay dahan dahan akong bumalik sa pag upo. Nagulat sa sinabi niya.

"I was wondering why you came back today, you're a week early. So, I thought, you knew." Nagkibit siya ng balikat. Nag angat ako nang tingin sa kanya. Nagkatinginan kami.

Ilang minuto kaming tahimik lang. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Bumitiw ako sa tinginan namin at ngumiti.

"Wala akong idea na bumalik na siya. Natapos lang talaga ako ng mas maaga." Pairap ko iyong sinabi.

"He came back alone. If you are curious. I heard, they called it off." Tumayo siya pagkatapos sabihin 'yon.

Eh ano naman sa akin iyon lahat, hindi ba? Ano naman ngayon kung bumalik siya? Na hindi na sila ipapakasal dalawa. Tapos na kami! Wala na dapat akong maramdaman!

Pero bakit ang bilis nang tibok ng puso ko?
Bakit imbis na malungkot para sa kanila, ay sumaya pa ata ito?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Your One and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon