Dear Future Husband,
Kamusta ka ngayon? Anong ginagawa mo? Ang tagal ko na ring hindi nakakapagsulat sa iyo. Sorry pero nabusy ako sa pag-aaral itong mga nakaraang taon pero ngayon ako'y muling nagbabablik.
Alam mo bang may minamahal ako ngayon. Ikaw na kaya siya? Nakilala ko siya last year pero hindi kami nagkausap ng matagal siguro kapag lang naglalaro kami. Oo, nakilala ko siya sa isang gaming app. Naging crush ko siya pero hanggang doon lang 'yun. At naging sila ng bestfriend ko, nabusy din ako sa pag-aaral kaya dinelete ko 'yung app. Dumating ang August 2019 bakasyon ko na 'yun. Dinownload ko ulit para may libangan minsan. Nagkalaro kami ulit at 'yun pala wala na sila ni bestfriend. Nalaman ko lang nung wala na sila sinabi sa akin ni bestfriend.
Muli kaming nakapaglaro at muling bumabalik ang pagkakacrush ko sakanya. Napapadalas ang paglalaro namin hangga't sa nagiging open na kami sa isa't isa. Alam ni bestfriend na crush ko siya since last year at sinabi ko rin sakanya na nagkakalaro kami, na bumabalik ang pagkakacrush ko sakanya. Hindi ko ginustong ilihim kay bestfriend at pinapaingat niya ako na baka maulit sa akin 'yung nangyari sakanya. Sabi ko "hindi hanggang crush lang ito". Pero tignan mo ngayon, mahal ko na. At higit pa diyan, mahal niya rin ako.
Ang sarap sarap sa pakiramdam nung una. LDR pala kami. Kaya laging sabik sa isa't isa. That went on for 2 and a half month. After nun parang nagbabago na siya. Hindi na siya 'yung sweet lagi at hindi na ako laging kinukulit sa game. Hindi na ako ina-iloveyouhan ng madalas sa game. Hanggang iloveyou lang at wala na 'yung mahal na mahal kita I love you so much. Minsan nalang din niya sabihin na miss niya ako. Kampante. Nakampante na dahil mahal ko at hindi ko iiwan (sabi ko) at tumigil na rin sa pagsusuyo.
Ganon ba kayong mga lalaki? O iba ka? Sa una lang lahat. Kapag nakuha na ang loob at nasiguradong mahal kayo, titigil na. Ang pangit ng ganyan... Nakakawalan ng gana, nakakainis, nakakalungkot, nakakasakit minsan. Pero sinasanay ko na sarili ko na ganyan siya para hindi ako maapektuhan ng sobra.
Kaya ngayon... Hindi ko alam ano ba ang mararamdaman ko. Mahina na ako. If maramdaman ko na hindi na ako mahal, hindi na ako mamimilit pa. Ewan ko na.