Prologue

24 0 0
                                    

Habang ako ay nakikipagkwentuhan sa aking mga kaibigan tinawag ako ni Marco.
"Hala! Josephine tawag ka ng crush mo.", sabi ni Ainah.
"Puntahan mo na dali!", sabi ni Andy.
Habang papalapit ako kay Marco ay nangangatog ang aking mga tuhod at ang mga kaibigan ko naman ay kinikilig.
"Bakit?", tanong ko.
"Pwede bang mag-usap tayo sa classroom?", sabi ni Marco.
"Oo naman.", sabi ko.

Kaming dalawa lang ang magkasama sa classroom at the same time ninenerbyos ako.
"Sorry Josephine, ayoko ko sanang masaktan ang feelings mo kaya gusto ko nang sabihin nang maaga to sayo. Sorry talaga.", sabi ni Marco.
"Huwag kang magsorry kasi wala ka namang kasalanan. It's okay. No need to worry.", sabi ko.
"Ayoko lang kasi na masaktan ka pa. Huwag mong saktan ang sarili mo ah. Huwag ka sanang magagalit sa friends mo kung magkakagusto sila sa akin."

Hindi na ako makasagot pa sa sakit na naramdaman ko. Ibig sabihin may gusto siya sa isa sa mga kaibigan ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi ko na nakayanan pa ang sakit kung kaya't lumabas na ako ng classroom.

Sa labas ng classroom ay nandoon ang mga kaibigan ko na palihim na sumunod samin ni Marco at napayakap ako sa kanila.
"Anong nangyari Josephine? Bakit ka umiiyak?", tanong ni Andy.
"Hindi daw niya ako gusto. Tapos sabi niya may gusto daw siya sa isa nating kaibigan.", sabi ko.
"Sinabi niya sa'yo yun nang harapan?", sabi ni Janelle.
"Oo. Sa totoo lang gustong-gusto ko nang sumuko.", sabi ko.
"Susuko ka na? Ayaw mo na ba talaga?", sabi ni Maybeline.
"Oo. Pero naguguluhan ako eh.", sabi ko.
"Mahal mo pa?"sabi ni Janelle.
"Oo.", sabi ko.
"Josephine, kung hindi pa kaya ng feelings mo, huwag muna. Kasi mahihirapan ka lang.", sabi ni Maybeline
"Tsaka hindi lang siya yung lalake sa mundo. Ang dami-dami pang mas gwapo pa sa kaniya.", sabi ni Eileen.
"Tama!", sabi ni Ainah.

Pagka-uwi ko sa bahay, agad akong pumasok sa kwarto ko at nahiga sa kama at umiyak nang umiyak hanggang sa makatulog ako. Pagka-gising ko ay may chat sa akin si Maybeline.
"Josephine?", sabi ni Maybeline.
"Bakit?", sabi ko.
"Sorry Josephine."
"Huh? Bakit ka nagso-sorry?"
"Sorry Josephine kung hindi ko to masabi to nang harapan."
"Huh? Ano ba ang pinagsasabi mo?"
"Naging magka-MU kami ni Marco. Sorry kung ngayon ko lang nasabi."
"Bakit ngayon mo lang sinabi?!"
"Dahil naghahanap ako ng tamang pagkakataon."
"Sa tingin mo ba tamang pagkakataon to?!"
"Sorry talaga. Ngayon ko lang nasabi dahil hindi na kinaya ng konsensiya ko."
"Alam mo kung gaano karami ang sinayang kong luha sa kaniya! Hindi kita mapapatawad
sa ngayon!"
"Tatanggapin ko ang desisyon mo. Pero sana maintinhan mo ang kalagayan ko bilang kaibigan mo."

Nagchat din sa akin si Eileen at nalaman na din niya ang nangyari sa amin ni Maybeline.
"Okay ka na?",sabi ni Eileen.
"Hindi pa.", sabi ko.
"Ay bakit? Masakit pa rin?"
"Oo. Sobra."
"Gusto mo resbakin natin? Iparamdam natin sa kaniya."
"I think it's time to change myself."
"Oo nga. Pakita mo sa kaniya na your a new person na never be broken. Pamukha mo sa kaniya na he's not the only man. It's really time for a change!"
"Tama ka!!"
"Huwag kang magpakatanga dun. Sabi ko nga sa'yo marami pang iba diyan."
"Kailangan ko munang ipahinga ang sarili ko. Siguro mas mabuti na di muna ako iibig muli."
"Tama! Mag move on ka na! At sana mapatawad mo na si Maybeline lalo na malapit na ang moving up ceremony."
"Sana nga."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Man Who Can't Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon