4

8.2K 12 0
                                    

Ahh buti naman uwian na. Dali-dali kong inayos ang mga gamit ko para maka-alis na. Excited kasi ako ngayon, may bagong position kaming susubukan ni Andrew sa bahay nya. Yung sa cheerleading namin, gagawa ata kami ng pyramid. Ay basta yun

"Ms. Fhack manatili ka muna dito." Ani ni sir Santan

"P-po bakit? K-kung tungkol po yun kahapon, sorry po. Na-misunderstand ko lang."

"Hays lumapit ka nga sa akin dito."

Napalunok ako dahil sa kaba. Yung mga kaklase kong classroom cleaners ay na-intriga din kaya nasa aming dalawa lang ni sir ang atensyon sa room ngayon.

"Jusko kahit singkwenta anyos naakit pa talaga ni Chloe."

"Malandi eh."

"Kaya siguro nakakapasa parin sya."

Bulong-bulungan nila. Mga hayop kayo, patay kayo sa akin mamaya. Gagawin ko kayong MaLing.

Nang makalapit na ako kay sir ay mas lalo pa akong kinabahan. Pota kahit malandi ako hindi nan ako oumapatol sa mga matatanda no.

"Hubad mo yan." He commanded while looking at my bottom.

"W-wag po! Di na po ako virgin!" Taranta kong pakiusap.

"Anong pinagsasabi mo Chloe?! Diba number 4 classroom rule natin ang no shoes allowed?! Tataas sugar level ko sayo eh!"

Ay heheheh kala ko kasi ano. Oo nga pala nakasapatos ako sa loob, huhubarin ko nalang nga.

"I'll get straight to the point. You will represent our school for the regional math competition, which is bukas na gaganapin." tuloy-tuloy nyang pagsabi. Natawa naman yung mga classmates ko.

"Si Chloe sasali sa math competition? Patawa ka sir."

"Baka puro 69 lang isagot nyan ha."

"hahahhaha hayop ka bes!"

Tss mind your own business.

"Bakit po ako sir? Eh marami naman pong iba dyan. Si Damon nalang sir, tutal sya naman first honor natin." Pagrarason ko sakanya. Ayaw ko kaya nang mga ganyan. Saka MATH is Mental Abuse To Humans.

"Si Damon na ang representative natin sa physics, literature, at history. I don' t think he can handle three competitions in a single day."

"Pero---"

"You do know the results of the entrance exam of this school right?"

"Opo"

"You were the first one to perfect it in our school's history. And Damon got a single mistake on it. Which means you are more capable than him. I don't know what's distracting you in your studies right now but I know you still got the smarts. You are from a family of business men and doctors after all."

Hmm ano ang nagdidistract sa akin? Syempre sex! Charot.

"No I'll compete all four competitions. It's nothing compared to my elementary days." Biglang pagsabat ni Damon sa pag-uusap namin sa guro. Masyado itong seryoso. Nararamdaman ko ang pagka-competitiveness at hambog nya. Tsk

"Sigurado ka ba dyan? Bukas na ang competitions. I don't think you have enough time to review." Nag-aalalang sabi ni sir. Reputasyon pa naman ng school nato ang nakasalalay.

"Don't underestimate my capabilities sir. If this woman here is from a family of business men and doctors, well, I am from a family of politicians and mafias." Mariin nyang sabi kay sir. Bakas sa kanyang mukha na ayaw na ayaw nya talagang may kumuha sa position nya.

"Oh and I think I also forgot something. I own this school. That damn chair you're sitting right now, this room, and everything under the school grounds is mine. I can fire you right now." may pagbabanta na sa noses nya kaya bahagyang napaatras si sir. Walang hiya tong lalakeng to, hindi lang man naawa sa matanda.

"O-okay if you really insist, then you'll represent our school then." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni sir Santan. Ayaw ko naman talagang sumali sa mga ganyan.

Nang papaalis na ako sa room ay parang mga hindi makapaniwalang pagtingin ang mga kaklase ko sa akin. Siguro narinig din nila lahat ng pinag-uusapan namin.

"Oh bat ganyan kayo makatingin? Akala nyo bobo ako noh? Legend tong babaeng to!" Sabi ko saka nag flex.

But seriously

Bat di nila maperfect yung entrance exam?

Ang simple lang kaya non...

Di nga ako dumilat nung tinake ko yun eh!

"Good thing you didn't accept the offer." Di ko napansin na kasama ko pala tong lalaking to na naglalakad sa hallway.

"Kung makapagsabi ka ng offer kala mo naman parang tungkol sa business. Hahahaha"

"I was serious about it." Sabi nya sa akin at mukhang naiinis na.

"Anyway was it true?" pag-iiba ko ng topic.

"What?"

"Na pag-aari mo tong school?"

"Hindi." Sabi nya saka nag-iwas ng tingin.

"HAHAHAHAHAHHAHA" Napalakas ang tawa ko sa pag-amin nya. Nakakatawa yung reaksyon nya.

"Don't laugh too hard." Mahina nyang sambit, hindi parin magawang tumingin sa akin.

"Eh kasi naman sa lola ko tong school na to eh! Hahhahahaha" parang nakakita naman sya ng multo sa sinabi ko. Siguro hiyang-hiya na sya ngayon. Akuhin ba naman yung hindi sa kanya.

"P-pero atleast totoong nasa linya ng politika at mafia business ang pamilya ko." Pangangatarungan nya. Ok, I believe him.

Pero mukhang may mali. Kung nasa politika at mga mafia din ang pamilya nya edi diba parang illegal yon. Parang lumalabas na din na nakikipag alyansa ang mga politiko sa mga kriminal.

Sigh

But who am I to interfere with his life.

He must be filthy rich anyway.

"Hahahahah oo na. Saka wag kang mag-alala. Di ka mabubuking ni sir, bagong guro pa naman yon sa school natin eh. Wala pa yung masyodong alam saka wala din akong balak na ipaalam na lola ko pala yung may-ari ng school na'to." I reassured him. Baka hindi to makatulog mamaya.

"Fine." Ay di lang man nagpasalamat.

"Huy bat dyan ka dadaanan. Dito ang exit!" Pagtawag ko sa kanya ng makalayo na sya.

Bakit dun sa daanan papuntang library? Wag mong sabihin---

"I'll study." Mahina nyang sagot bago dahan-dahang papalayo ang pigura nya sa akin.

Sus bakit ba masyado syang seryoso sa academics. Secured na rin naman ang future nya. Siguro nga yung tissue paper nila sa bahay mga tig1000 bill.











What I Crave ForTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon