AMNESIA (ONE SHOT STORY)

4 2 0
                                    

Ako nga pala si Michael Lim. Graduate na ako bilang isang propesyonal doktor. I have a wife, and she's sleeping right now beside me.

Ang ganda niyang tignan pag tulog siya, ang amo nang mukha. Siya si Myca. Dalawang taon na kaming married. Masaya naman kami pero malungkot rin, dahil wala pa kaming anak.

Nagsusulat ako ngayon. Sinusulat ko sa isang kuwaderno, yung love story namin nang asawa ko. Nagtataka ba kayo kung bakit? Kasi may amnesia siya. At, gusto kong ipaalala sa kanya lahat lahat nang mga ala-ala namin. The good and also the bad.

And after a week of writing, natapos ko na rin sa wakas yung sinusulat ko.

Nag aalmusal kami ngayon habang binabasa niya yung sinulat ko para sa kanya. After reading it ay umiiyak siyang lumapit sa akin.

"Waaah. Sorry talaga kung kinalimutan kita mahal!" Umiiyak niyang sabi sakin habang nakayakap. She's really innocent. I hugged her very tight.

"Mahal, It's fine." I told her habang hinahaplos ko yung likod niya. After a few minutes of crying ay medyo tumahimik na rin siya, pagkatingin ko ay nakatulog na pala siya sa balikat ko.

Binuhat ko siya at hiniga sa sofa. I kissed her forehead, cheeks, nose and lastly, her lips. I smiled and went to the kitchen para iligpit at hugasan ang pinagkainan namin.

Pagkatapos ko ay binalikan ko naman siya sa sala at umupo sa sahig habang tinititigan ko ang mukha niya. Ang swerte ko talaga sa asawa ko. Kahit na may amnesia siya ngayon ay mahal na mahal ko pa rin siya.

*few months later*

"Mahal! Mag grocery lang ako ah." Sabi sakin ni Myca.

"Sure, take care." Sabi ko naman and gave her a kiss on the lips. Sumakay na siya sa kotse at kumakaway pa sakin bago siya umalis.

Nagbihis na rin ako dahil may trabaho pa ako ngayon sa ospital.

"Anakkk." Nakangiting sabi ko and she giggled.

"Daddy's have to go to his work, okay?" Sabi ko at kiniss sa noo si Gianna. Anak namin ni Myca. She's one month old now.

"Yaya, ikaw na bahala kay Gianna ah." Sabi ko naman sa kasambahay namin. Malaki yung tiwala ko sakanya dahil simula baby palang ako ay siya na yung yaya ko.

"Sige na iho". Ako nang bahala dito." Nakangiting sabi ni Yaya. Kaya naman umalis na ako.

Busy ako sa ospital dahil sobrang daming pasyente na inaadmit.

*Ringgg* *Ringgg* *Ringgg*

Pagkakita ko ay si Yaya pala yung tumatawag. I answered it.

"Hello Yaya, what is it?" Tanong ko.

"I-Iho. S-si M-Myca naaksidente." Nauutal na sabi pa nito.

"Kanino niyo po yan nalaman?!" Nag hihysterical na tanong ko.

"May tumawag lang sakin. Tapos diyan rin siya sa ospital kung saan ka nagtatrabaho iaadmit." Sabi naman nito. Kaya binaba ko na agad ang telepono at pumunta agad admitting station.

"Myca Lim." I asked.

"Nasa I.C.U po siya ngayon doc." Sabi nito at dali dali akong pumunta sa I.C.U. Umupo ako sa sahig habang naghihintay. Nang bumukas ito ay agad akong tumayo.

"How is Myca?!" Naiiyak na tanong ko.

"She's fine now. Pero may problema." Sabi naman nito. Pagkatapos niyang iexplain sakin ang lahat lahat ay pinuntahan ko si Myca kung saan kwarto siya inadmit

Umupo ako sa tabi niya habang hinahawakan yun kanyang kamay.

"Hey, Mahal wake up." I whispered at her at minulat naman niya yung mata niya.

"Sino ka?" Pambungad na tanong niya sakin. Hindi ko na napigilang hindi umiyak pa. After a few second ay nakatingin pa rin siya sakin.

"Sino ka ba?"she asked me again.

"Your beloved husband." I smiled at her kahit na umiiyak pa rin ako. Nakita kong gulat siya sa mga sinasabi ko. Pero nawala rin yun pagkaraan nang ilang segundo.

"Sino ka ulet?" She asked me again.

"Michael, your husband. I love you." I smiled at her at kiniss ko yung noo niya.

May minute amnesia siya. Mas malala kesa sa dati. Kasi ngayon, bawat minuto ay nakakalimutan niya ang lahat. Pero kahit ganun ay hindi ako nagsawang ipaalala sa kanya na mahal ko siya. Kahit na minu-minuto pang nawawasak yung puso ko sa tuwing hindi niya ako naaalala ay okay lang. Mahal ko kasi siya, kaya kahit na mahirap ang mga pagsubok na ito ay hindi ko siya susukuan. Alam kong pati siya ay nahihirapan rin, kaya ako yung magpapakatatag para sa amin.

Every minute ay nakakalimutan niya kami nang anak niya na si Gianna. Pero hindi kami nagsasawang iparamdam sakanya yung pagmamahal namin para sakanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AMNESIA(ONE SHOT)Where stories live. Discover now