Kesha's POV
Sabado ngayon kaya't kakaunti lamang ang tao sa paaralan. Naglalakad ako sa isang pasilyo ng aming paaralan nang maramdaman kong parang may sumusunod sa akin kaya naman nagmadali akong maglakad. Narinig ko ang kanyang mga hakbang kaya naman kumaripas ako ng takbo pero ganoon na lamang ang aking panlulumo nang naabutan niya ako. Naramdaman kong hinawakan niya ang aking leeg mula sa likod at kinulong sa kanyang mga bisig. Nagpumiglas ako dahil sa unti-unting pagkaubos ng aking hininga. At ganun na lamang ang pasasalamat ko nang binitawan niya ako. Napaupo ako sa malamig na semento dahil na rin sa panginginig ng aking tuhod.
"S-sino ka?" sabi ko habang nakatingala sa kanya at pinipilit na makapagsalita ng maayos sa kabila ng kawalan ng hangin at pagkatakot subalit nabigo ako.
Nagulat ako nang bigla niya akong sinabunutan, at pinatingalang muli sa kanya gamit ang paghila sa buhok ko. At bigla akong namutla nang maglabas siya ng kutsilyo kaya't napapikit na lamang ako. At hindi nagtagal ay naramdaman ko na ang malamig na dulo ng kutsilyo sa aking leeg. Napatili ako nang naramdaman kong diniinan niya ang kutsilyo at nagsimula ng umagos ang dugo ko mula rito. Patuloy pa rin ako sa pagsigaw, umaasang may makakarinig sa akin. Tuluyan na niyang ibinaon ang kutsilyo sa aking leeg kaya't wala na akong nagawa kundi sumigaw at umiyak na lamang.
At hindi nagtagal ay nagdilim na ang lahat.
Third Person's View
Nang hindi pa nakuntento ang salarin ay tuluyan niyang hiniwa ang leeg ng biktima na parang baboy upang mahiwalay ang ulo nito mula sa katawan, pinagsasaksak ang tiyan nito na naging sanhi ng paglabas ng mga laman-loob into. At nang makuntento na ang salarin ay isinilid niya ang katawan ng biktima sa loob ng isang abandonadong silid. At ang ulo naman nito ay sa isang basurahan. At pagkatapos ay dali-dali nang umalis ang salarin mula sa naturang paaralan.
BINABASA MO ANG
Bloody Desire
Mystery / ThrillerProduct of my wild imagination 😆... But not as wild ng pag-iisip ni Inang kasi parang mas malala pa yung imagination ko😆... Lolx...