Illegally Yours

72 4 0
                                    

Short note lang before you get into reading hehe this is a fictional story so iba ang coach nila dito at medyo iba rin ang paguugali nila dito kumpara sa aktwal nilang pag uugali. Again, this is fictional.

Renzo Subido will be the main character here pero you will also get to meet the other team mates :) and you never know, baka magkaroon din ng important role ang isa sa kanila aside kay Renzo hehe

Anyway, I hope you enjoy!♡

At tsaka oo nga pala, this is meant to be medyo light hearted lang kasi first time ko palang 'to okay huhu pero sana magustuhan niyo hehehehe

Veronica

God, this lecture is boring.

"Ms. Ramirez?"

Yung utak kong lumilipad na kung saan saan biglang bumalik sa akin at nagising ako. Well, I am technically awake pero aaminin ko na, wala talaga ako nahahagilap galing sa discussion na ito.

Tumayo ako.

Kitang kita ko ang galit sa mga mata ni Ms. Alvarez habang pinagmamasdan ako.

"Kanina pa kita napapansin na hindi nakikinig sa klase ko. Do you want to get out?!"

"Gladly."

Nanlaki mata ko nung narealize ko yung sinabi ko sa harapan ng aming prof.

Tanginang bibig 'to.

"Ma'am, I don't mean to-"

-

"Gladly?"

"Don't look at me like that, Jen."

Biglang tumawa ng malakas si Jen.

"Alamat talaga 'tong kaibigan natin, Nicole!"

"Oh my- stop. It was a mistake. May ugali kasi ako na kung ano iniisip ko yun ang nababanggit ko kaya-"

Biglang nagtawanan yung dalawa na napakalakas. Nakuha ko tuloy yung attention nung mga kumakain sa paligid namin.

"Tumigil nga kayong dalawa! Nakakahiya."

"At least hindi kami katulad mo na nadala sa office kasi-"

"Okay.. seriously-"

"Student council president pero sumasagot sa mga prof. Tsk tsk bad influence." pagbibiro ulit nila. Imagine the embarrassment I felt nung pumasok ako sa office, hindi dahil may gagawin akong student council president duties doon kung di dahil napatawag talaga ako. Hindi ko malilimutan yung nang-aasar na reaksyon sa akin ni Miguel, isa rin sa mga student council officers na nakatambay sa office nung araw na yun, nung sinabi ko na pinadala kasi ako dito.

"Mabuti wala si Brent doon kundi pahiya ka siguro niyan."

"Speaking of Brent, nadaanan ko siya kanina sa may bandang church. Dami ngang fans eh. Kung ako sayo, Nika, unahan mo na." sabi sa akin ni Nicole.

Illegally YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon