Renzo
"So what brings the two faces of the university here in my office?"
Hindi kami umimik dalawa.
"Henri Lorenzo Subido and Veronica Nadine Ramirez, what are you both doing in my office?" muling tinanong ni ma'am Roxas.
Ulit, walang nagsalita.
"Kung wala pa ring magsasalita, I will both remove you from your-"
"Muntik na po ako sagasaan ni Renzo."
"Nagasgasan po ni Veronica kotse ko tapos wala siyang plano bayaran."
Sabay pa naming sinabi. Nagkatinginan kaming dalawa. Kitang kita ang galit sa mga mata ni Veronica, "ano ka ba? Eh ikaw nauna eh! Nakita mo na nga diba na-"
"Unfair naman nito! Eh ikaw nga yung-"
"Shut up! Both of you!"
Tumahimik nalang kaming dalawa pero di pa rin tumigil si Veronica sa pag irap bawat beses na magkatinginan kami.
"Isa isa! Sige, Ms. Ramirez, ikaw muna."
Psh.
"Ms. Roxas, naglalakad lang po ako papunta sa next class ko in the main building tapos alam niyo po? Tinignan ko na po both sides at sigurado na po ako na walang kotseng padaan tapos biglang humarurot kotse nito-" tinignan niya pa talaga ako ng masama, "at muntikan na po ako masagasaan. Hindi po siya nag sorry at ang unang pinansin-"
"Okay you can stop talking."
Hah. Magsasalita ka pa ah.
"Eh ikaw Subido? You are one of the players of the Growling Tigers. Siguraduhin mong hindi mauulit 'to ha! Mawawalan ka ng fans-"
"Si Veronica po kasi naglalakad doon sa tawiran eh hindi ko naman po napansin tapos edi nung prumeno na ako-"
"Excuse me? Hindi ka prumeno non!"
"Let me finish!"
Ipinagkrus ni Veronica ang kanyang mga kamay at umiwas siya ng tingin sa akin.
"Ano ba yan! Para kayong mga bata!" sermon sa amin ni Ms. Roxas.
"Sige tapusin mo na, Mr. Subido."
"Ayun nga po so prumeno na dapat ako non tas biglang dumaan sa harap ko si Veronica tapos ayun hinampas niya yung kotse ko so nagkagasgas. Wala siyang plano bayaran."
"Ako nga yung muntikang mamatay tapos-"
"Tumigil kayong dalawa!" sigaw ni Ms. Roxas. "Both of you are at fault here! Kaya kayong dalawa ang mapaparusahan okay?"
BINABASA MO ANG
Illegally Yours
Fanfiction"We have a year to pretend. Hangga't sa di pa nakakaalis si Pat, akin ka muna pero pag nakaalis na siya at iniwanan na niya ako, pangako ko sayo mapapasayo si Brent. Deal?" "Deal." And that's when my life started to change.