"Ahhh! Tulong!" sigaw ng batang babae.
"Wag po." Nagmamakaawang sabi ng batang babae sa lalaking lasing.
Ngumisi lang ang lalaking lasing at sinampal ang batang babae.
"Tulong!" Sigaw pa ulit ng bata.
Dadakmain na sana siya ng lalaking lasing sabay non ang pagputok ng baril.
Nakapikit pa rin ang batang babae at nanginginig sa takot.
"Allie?"
..................
"Urgh!" Napabalikwas ng bangon si Tyler. Hinihingal siya. Napatingin siya sa orasan na nasa bedside table. Alas kwatro pa lang pala ng madaling araw. Nagulat siya ng may umungol at gumalaw sa tabi niya.
"Ty?" Sabi ng babae sa tabi niya.
"Trixie?! Anong ginagawa mo dito? At bakit nandito ka sa kama ko?" Naiiritang sabi ni Tyler.
"Don't you remember? You brought me here. You said you wanted to spend the night with me." Sabi ng babae.
"Trix, you know that I would never ---"
"Yeah, right!" Putol na sabi ng babae.
"Ano bang problema mo? Don't you like me?" Patuloy na sabi ng babae.
"Trix, alam mong wala akong gusto sayo. And we both know that nothing will happen between us. Not now. Not ever. So please."
"Are you gay?! Siguro tama nga ang sabi nila. You really are gay! My gosh Ty!" Sigaw na sabi ng babae.
"Think whatever you want. I want you out of my room. Now." Mahinahon pero madiin na sabi ni Tyler.
Dali-daling umalis sa kama ang babae at halatang namumula sa hiya at galit na naaninag ni Tyler dahil sa ilaw na galing sa lampshade. Nagsuot ng sapatos ang babae habang panay ang pagmumura.
"I'm going to get my revenge on you someday! Jerk! Bakla!" Banta ng babae.
Nakahiga at nakapikit lamang si Tyler at di na nag aksayang tingnan pa ang babae. Dumilat lang siya ng marinig ang malakas na pagsara ng pinto. Nakatingin lang siya sa kawalan. Napapaisip kung bakit hanggang ngayon ay napapanaginipan pa rin niya ang tungkol sa pangyayaring iyon.
Hindi na talaga makatulog si Tyler kaya nagpasya siyang bumangon nalang. Lumabas siya ng kwarto at dumirecho sa kusina. Nakabukas ang ilaw. Alam na niyang gising na ang isa sa pinakamamahal niyang babae. Si Adela. Sixty-eight years old na ito. Ito ang nag alaga sa kanya simula pagkabata. Lelay ang tawag niya dito.
"Oh, ang aga mo namang nagising" sabi ng matanda.
"Alam nyo naman po ang dahilan Lelay e" nakangiting sagot ni Tyler.
"Ano ba kasing ginagawa nga babaeng yon dito? Ang pagkakaalam ko kagabi e umalis na yon pagkapasok mo ng bahay."
Kibit balikat lang ang sagot ni Tyler.
"Lelay, nagugutom po ako."
"Ganon ba, sya sige ipagluluto kita ng paborito mo. San mo ba gusto kumain?"
"Sa garden nalang po. Tulungan ko nalang kaya kita Lelay."
"Asus. Wag na. Baka hindi pa magiging maayos ang kalabasan ng lulutuin ko" nakangiting sabi ng matanda habang hinahanda ang lulutuin.
"Okay po. Hindi na po. Basta sabay po tayong kumain" sabay yakap sa matanda.
"Oo na. Ikaw talagang bata ka. Sige na. Pumunta ka na sa garden" taboy ng matanda.
"Opo."
-------------------------
"Krystal! Ideliver mo na to. Ba't ngayon ka lang?" Tanong ng matabang babae.
"Pasensya na po. May tinapos lang po ako. Eto na po ba lahat?"
"Oo. Yung bike nasa likod. Kunin mo nalang. "
"Sige po." Patakbong tinungo ni Krystal ang bodega sa likod ng tindahan ni Aling Fopeng. Nang makita niya ang bike ay agad niyang sinakyan ito pabalik sa tindahan. Kinuha niya ang mga newspaper na idedeliver sa dalawang magkatabing subdivision.
"Aling Fopeng, alis na po ako" paalam niya rito.
"Sige. Ah syanga pala, baka gusto mong umekstra mamaya. May naghahanap ng magaalaga at magpapakain ng mga aso. 500 raw kada araw at balita ko malaki magbigay ng tip." Nakangiting sabi ni Aling Fopeng.
Nanlaki ang mga mata ni Krystal. "Talaga po?! Naku! Okay na okay ako jan! Walang problema. San po ba?"
Napakamot sa ulo si Aling Fopeng at tila nag-iisip.
"Ah! Nakalimutan ko kung saan ko nalagay yung papel eh. Mamaya nalang pag nakabalik kana. Hahanapin ko pa."
"Ganon po ba. Sige po. Mamaya ho ah. Sayang din po kasi yun e. Alis na po ako."
------------------------------------
"Alas singko na. Dapat naihatid na yung newspaper" ani ni Tyler.
"Iho, tapos ka na bang kumain?" Tanong ni Lelay.
"Opo, tapos na. Salamat Lelay. The best talaga ang mami nyo." Nakangiting sabi nito sa matanda.
"Nambola na naman. Sige, aakyat na muna ako't magpapahinga muna. Medyo sumakit yung likod ko."
"Lelay naman kasi. Diba sabi ko po wag na kayong gumawa ng gawaing bahay. May pumupunta naman dito para maglinis araw-araw." Pag-aalalang sabi ni Tyler.
"Hay naku! Hindi naman pwedeng wala akong gawin dito. Baka tuluyan na kong di makakilos pag ganon."
"Okay po. Basta wag nyo lang masyadong pagurin ang sarili nyo."
Pumasok na ang matanda ng marinig ni Tyler ang malakas na tunog sa labas ng bahay nila. Tila may bumagsak. Dali dali niyang pinuntahan ito.
---------------------------------
"Pag minamalas ka nga naman! Haaayyy! Grabe to! Bakit sira tong lalagyan? Tsk! Wala pa naman akong panali. Anong oras na ba? Pasikat na ang araw di ko pa natatapos puntahan lahat ng bahay. Kung bakit naman kasi pare-pareho ang disenyo ng mga bahay dito. Naligaw tuloy ako." Inis na sabi ni Krystal habang inaayos ang mga nalaglag na mga newspaper. Biglang bumukas ang gate ng bahay kung saan siya nasiraan.
Napatitig siya sa lalaking lumabas sa gate. Naka asul na v-neck t-shirt ito at maong na shorts na faded. Halatang bagong gising ito dahil gusot ang damit nito at magulo ang buhok nito gayunpaman ay napakagwapo nito at tila napakabango. Nakatingin ito sa kanya at tila may sinasabi pero wala siyang maintindihan. Nahihipnotismo siya ng mga mapupungay nitong mga mata.
"Hoy!" Sigaw ng lalaki sa kanya. Nagulat siya kaya nabitawan niya ang hawak nyang mga newspaper.
"Miss, alam kong gwapo ako pero sana naman mahiya ka sa sarili mo. Wag mo naman masyadong ipahalata ang pagnanasa mo sakin." Sabi pa ng lalaki.
"Ha?" Parang tangang tanong niya rito dahil parang wala pa rin syang masyadong maintindihan sa mga sinasabi nito. Ang naintindihan lang niya ang sinabi nitong wag syang masyadong magpahalata sa na pinagnanasaan niya ito. Doon lang nag sink in sa kanya ang lahat ng sinabi nito. Ngayon ay nakatingin ito sa kanya na may nakakalokong ngiti.
Bigla ang pag ragasa ng inis at hiya niya. Kaya pinagsungitan niya ito.
"Wow naman! Hindi rin makapal ang mukha mo e noh? Hindi kita pinagnanasaan kahit pa sabihin na nating gwapo ka nga. May naalala lang ako. Iniisip ko lang kung paano ko madedeliver tong mga newspaper ngayong sira tong lalagyan dito sa bisikleta. At isa pa, wala akong oras para sa ganyang mga bagay. Marami akong kailangan gawin para kumita ng pera."
"Bakit? Am I asking for your explanation?" Tanong ni Tyler.
"Well, I think you needed an explanation since you're making up things about me being attracted to you." Ganting sagot ni Krystal. Akala mo di ako marunong mag ingles ha. An taas kaya ng grades ko sa english.
Gulat lang na nakatingin si Tyler sa babae. Di niya akalaing marunong itong mag ingles.
"It seems you're well-educated. You know what---"
"You know what, I think you shouldn't bother me anymore. I have work to do." Putol ni Krystal sa sasabihin pa nito sabay abot ng isang newspaper dito.
Tinanggap nito ang newspaper at tumalikod na. Pumasok na ito sa gate.
"Nasayang lang ang oras ko. Haayyy. Pano na to? Baka hindi ako bayaran ni Aling Fopeng." Namomroblemang tanong ni Krystal sa kanyang sarili.
Bumukas ulit ang gate at lumabas ang lalaki. May bisekleta ito.
"Gamitin mo muna. Ibalik mo nalang pagtapos mong magdeliver."
"Bakit mo ipapagamit sa akin to?" Nagtatakang tanong ni Krystal.
"Ayaw mo? Edi wag."
"Teka lang! Nagtatanong lang naman e. Hindi mo naman kailangan sumagot. Akin na. Ibabalik ko nalang pagtapos." Nakangiting pagkuha ni Krystal sa bisekleta.
"Salamat ha. Wag ka mag-alala. Ibabalik ko to mamaya pagtapos. Mabait ka pala e."
"Inaalala ko lang ang mga kapit-bahay namin kasi nagbabayad din sila para sa arawang newspaper. Dapat maihatid din sa kanila." Sabay talikod nito at pumasok na sa gate.
"Grrr... Napakayabang talaga! Akala ko mabait. Tsk! Hmm. Pero ayos na rin kasi may magagamit ako."
Inilagay na ni Krystal ang mga newspaper sa bisekleta at umalis na sya. Naideliver niya lahat ng newspaper. Alas sais y medya na siya natapos. Pabalik na sya sa bahay ng lalaki ng makita niyang lumabas na ito ng gate at mukhang papasok sa skwela dahil naka uniform ito. Dali dali niyang pinuntahan ito.
"Hoooyyyy! Teka lang!"
Napalingon ito sa kanya.
"Ibabalik ko na tong bike. Salamat ha."
"Okay. Itabi mo nalang dyan. Sige."
"Sandali lang. Eto oh." Inabutan niya ito ng cloud 9 chocolate. Tiningnan lang ito ng lalaki. Pero tinanggap pa rin.
"Pasasalamat ko yan. Sige na. Pumasok ka na baka ma late ka pa." Nakangiting sabi ni Krystal.
Tumalikod lang ang lalaki at naglakad na ito. Nakatingin lang si Krystal.
"Haaayyy. Ang gwapo niya talaga kahit mayabang. Siguro ganon talaga pag mayayaman at gwapo. Tsss.."
Tinabi na ni Krystal ang hiniram niyang bisekleta at kinuha na ang sa kanya. Umalis na sya agad. Kailangan niya pang tanungin si Aling Fopeng para sa isa pang raket. Kailangan niya pang pumasok sa klase niya mamayang hapon. Habang pabalik siya ay naiisip nya ang lalaki.
"Ano kayang pangalan niya? Makikita ko pa kaya siya ulit? Hmm... Mukhang suplado pero mabait naman. Haaayyyy ewan! Ba't ko ba iniisip yon? Kailangan bilisan ko ng bumalik sa tindahan.
---------------------------
> Magkikita pa kaya si Tyler at Krystal?
Abangan sa susunod na kabanata ng:
Girl I'm Looking For 😄
BINABASA MO ANG
Girl I'm Looking For
RomanceTyler has always been haunted by his past. He wanted to forget everything that has happened and the only way is to find that person. Krystal lives by herself and has been living alone for 10 years. She doesn't want to be with anyone around. She doe...