[Note: Warning! This chapter contains cussing and grammatical errors.]
--
Her Pov:
“Bilisan mo Shane! Mamaya makita pa tayo dito.” I almost shouted. Luminga linga muna ako sa paligid namin. We’re really dead kapag nakita talaga kami dito.
“Just shut the hell up Jade! Kinakabahan ako lalo sayo eh!” Napakamot siya sa ulo at bumalik sa paghahanap. Nasaan ba kasi nilagay ng kalbo naming dean yung letcheng notepad niya?!
It’s almost 7 in the evening pero nandito pa rin kami sa administration office searching for a freakin’ notepad! Sabi kasi ng mga kaklase ‘ko nandoon daw ang list ng mga dean’s lister, and I need to get that para mailagay ang pangalan ko. I’m currently checking the drawers when something caught my attention. Hindi ito yung notepad na hinahanap namin pero it’s a thick folder. Bubuksan ko na ng may humawak sa balikat ko.
“Students profile? What the hell Jade! Yung notepad ang hinahanap natin at hindi yan!” Muntik ko ng malaglag yung flashlight na hawak ko dahil sa pagsulpot ni Shane sa likod ko, siya lang pala. Lintek mahuhuli pa kami nito eh.
“Pwede ba wag kang manggulat!” Pasigaw na bulong ko sakanya. Kinuha ko yung folder at patagong tinago sa bag ‘ko. Baka may mga importanteng bagay dito. Bumalik na ako sa paghahanap pero biglang pumasok sa isip ko yung oras. Hindi kami dapat magtagal dito.
I checked my phone para makita yung oras and I was surprised ng Makita kong 7:55 na ng gabi. It’s already past my curfew! Sh-t! Tumakbo ako palapit kay Shane at hinatak siya. “Let’s go.” She looked at me with confusion.
“Pero hindi pa natin naha--.” We both gasped for air when someone knocks on the door. Don’t tell me may tao pa ng ganitong oras? Pero na check nanamin kanina yung mga schedule ng mga professors! Wala namang may schedule ng 8pm onwards!
Hinatak ko pababa si Shane at nagtago kami sa ilalim ng lamesa ng Dean. I can hear the loud banging of my chest pero we need to stay calm dahil kapag nahuli kami dito katapusan ko na. Palapit ng palapit yung sound ng footsteps kaya palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko. Muntik ng mapatili si Shane pero agad kong natakpan ang bibig niya.
“What are we going to do now Jade?” Kabadong tanong niya saakin. Ano nga bang gagawin namin? We can’t run kasi makikita kami. Hindi rin kami makakagapang kasi sobrang liwanag ng ilaw ng buwan kaya kita pa rin kami. Isa lang ang magagawa naming at yun ay maghintay hanggang sa makaalis yung pumasok sa office.
Humawak ako ng mahigpit sa kamay niya at pumikit. We just need to wait for a few more minutes. Kinapa ko ang bag ko para tingnan ang oras ng maalala kong nasa labas pala ito ng pinagtataguan namin, baka tumawag si Dad—Oh my god.
*Ring Ring*
I frozed sa pinagtataguan namin ng magring ang phone ko. Ang t-nga mo talaga Jayden! I pulled my hair and closed my eyes at nagdasal na sana panaginip lang lahat ng 'to. Sana hindi niya narinig yung ring, sana--
“Teka-- Bakit may phone dito?” Nagkatinginan kami ni Shane, pareho kaming nagulat sa narinig pero mas nagulat siya kaya bigla siyang napatayo at nauntog siya sa table na nagcause ng malakas na ingay. Tumigil yung tunog ng footsteps ng tatlong segundo pero tumunog ulit ito kaso palapit na ng palapit yung tunog sa pinagtataguan namin, at halos ikamatay namin ang sumunod na nangyari.
“SINO KAYO?!”
--
Chapter 1- POSTED and EDITED
Please vote and leave a comment!
Let me know your feedbacks or suggestions kung itutuloy ko pa :)
Support and share your insights!
Jayden at the side!
KkamjongIsMine
BINABASA MO ANG
That Childish Gangster
RomanceHow can a weird childish girl like her be a gangster? Like WTF. Girls like her only knows how to hold a comb and a mirror! She seems like she doesn't even know how to hold a freakin' gun! Tss..