Hindi ko Namalayan

25 4 16
                                    

Ps: Sinulat ko ito dahil gusto ko lang isulat yong mga naiimagine ko. Na inspire din ako sa mga stories ni Kwin
jonaxx. Nabasa ko kase yong ONE SHOT story niya kaya naisipan kong magsulat din ng one shot.
Hope someone will support and appreciate my work. Hehe ♡♡♡
At waiiit... this story ay true... dito nakasulat kung paano ako nagkagusto kay..... secret... hehehe
Noor_lutian Noor
Wag kang maingay please.

Enjoy reading....!

◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇

Tumakbo ako ng mabilis para lang hindi na ma late sa class. Halos inaalay ko na lahat ng lakas ko pero... ayon late pa rin ako. Muntik na akong madapa sa harap ng pintuan ng classroom namin dahil sa pagmamadali. Pero muntik lang naman yon.

" g-good m-morning classmate, good m-moring miss Nadz sorry i'm late. May I come in?" Hingal na hingal kong sabi. Siguradong pawis na pawis na ako dahil sa pagtakbo.

Sheettt... ayokong mag amoy mabaho... issue ba naman samin ngayong yong amoy, kung saan meron nang iba't ibang klase ng amoy. Amoy bulok, putok, bunganga... at marami pang iba.

"Yes you may." Magalang na sagot saken ni miss.

Umupo na ako sa upuan ko. Yes upuan. Obvious naman.

Nakaupo ako sa second to the last na na row  sa back at second to the last din na malapit sa window namin... basta yon na yon. Nilagay ko yong bag ko sa likod ng upuan ng kaklase ko.

At ayon nga... nagsimula na kaming magklase. Habang kami ng mga kaibigan ko kumakain sa likod. Tamang subo lang habang nakikinig.

Nagpasalamat ako at recess time na. Nag recess ako kasama ng mga kaibigan ko sa ibang section.

Fourth period na namin at nung nagbell na yong bell. Agad na akong pumunta sa section ko and I wasn't expected what I just saw. Nagsusuntukan yong dalawa kong lalaking classmate. Mga pabida. Tsk.. tsk.. tsk... napairap tuloy ako.

"Awatin niyo hoooy!!" Sigaw ng isa.

"Anu ba! Walang aawat!! Walang aawat!!." Sabi ng isa na parang siya ata yong referee sa suntukang nagaganap.

"Mga gago! Baka maabutan tayo ni miss!". Sabi nung isa na parang natataranta na.

Pinagtitinginan na kami nung kabilang section pero parang enjoy na enjoy pa sila sa live boxing.

"Liel anyare?" Bulong saken ng chismosa kong kaklase. Si Lyla.

"Malay ko.... " Napairap na naman ako.

"NANDIYAN NA SI MISS!!!!!" Napaka as in napaka lakas na sigaw ng tabatchoy kong classmate.

Dumating yong teacher namin at nashoked sa nadatnan na sagupaan ng dalawa kong bidang kaklase and they ended up both cleaning the whole campus. Ang saklap ng parusa dahil wala yatang nanalo sa kanilang dalawa. Tsk.

Natapos yong subject na yon at sumunod na ang Math subject. Tanginaaa... nanlulumo na kaming lahat dito nang pumasok na si Sir sa class.

At may pa quiz pang nalalaman si Sir....... Waaaaahhhhh sheet. Wala pa naman akong natutunan sa lesson niya. Paano na yan??!!!

Habang nagsusulat si Sir ng problem solving sa blackboard na color green naghanda na agad kami ng solution namin at formula para maka sagot sa quiz.

Yong iba nagsusulat na sa iba't ibang parte ng katawan nila ng example. Yong iba naman kinakausap yong mathematician namin na pakipasa ng sagot sa likod. At ako ay nanalangin na sana may dumating na sagot dahil pareho kaming bobo dito sa row namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 29, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hindi ko namalayan (ONE SHOT)Where stories live. Discover now