The Moon Embracing the Sun

7K 198 47
                                    

QWERTY's POV

AKO ang itinakda...

Ako ang nasa propesiya...

Ako ang buwan na yayakap sa araw...    

Ako na lahat!        

"One plus negative---"    

Kabooogssshhhh!    

Blag! Blag! Tora! Tora!    

Sinapak ko talaga ng bongga si Ekang. Eh pano ba naman, nagmomoment ako tapos eeksena ng mga problems niya. As in math problems pa talaga! Kalukah!    

Sinapak din niya ako.    

"Kung makasapak ka naman Qwerty parang kriminal ako!" sabi ni Ekang.    

"Eh paano ba naman, panira ka friend! Ang ganda-ganda ng pagmomowment of truth ko ditey tapos eeksena ka!"    

"Moment...Moment...I'm sure puro kabaklaan na naman iyang iniimagine mo. Siguro pinapantasya mo si Aldrich no! Kapalfez lang? Akin na siya!" madramang litanya ni Ekang.      

Tumayo ako at nag tsunami walk ala Shamcey. Muntik pa akong matapilok pero nakabawi ako. Tuloy ang tsunami walk!    

"For your information desk Ekang, sawang-sawa na ako sa kaka-imagine kay Papa Aldrich mo. At matagal na niyang kinuha ang pagka-birhen ko sa mga panaginip ko!"        

Sumimangot si Ekang. Ang panget na nga ng bruha sumisimangot pa! Pero wag ka, bestfriend ko kaya ang Ekang na iyan.

"Andaya mo talaga Qwerty! Samantala ako hanggang kiss-kiss at hug-hug lang kami ni Papa Aldrich sa panaginip!"

"Ano iyan? PEEBEEBEETEEENSSS?!!! OA much huh! Eh ganun talaga Ekang...Pero don't worry...Ikukwento ko na lang ang napanaginipan ko kanina habang natutulog ako sa English class ni Mrs. Top, okey???"

Here it goes...

TAONG BLAH-BLAH...Joseon Palace...

"Joseon? Sa Korea talaga ang settings?" singit ni Ekang.

"Pwede ba? Makinig ka na lang!" sabi ko.

Ayon nga...Sa kaharian ng Joseon.

Siyempre, ipapakilala ng jester ang dalawang buwan na pagpipilian na maging crown princess...

"Ladies and gentlemen...Heto na ang dalawang buwan... Buwan Qwerty at Buwan Ekang!"

Nakangiti kaming lumabas sa bulwagan.

Nagulat lahat ng tao ng makita kami.

Whoa! (0.0)

Huh! (-O-)

Nyeh! (=_=)

Acheche! (-_-)

Nyah! (0_O)

Yung mga ganyang gulat.

Sabay..

BWAHHAHHHAHAHAAHHA!!!

Talagang pinagtawan kami!

"Ang hahaba naman ng baba ng dalawang buwan! Haahhhaha!" sabi nung matandang lalaki na payatot. Talagang tinuturo pa niya kami ni Buwan Ekang habang tumatawa with his fill in the blank teeth!

"Lapastangan! Wala kang G.M.R.C! Pugutan ng ulo ang matandang iyan!" mataray kong utos.

"Pugot-ulo? Agad-agad?!" supla sa akin nung matanda.

"Oo! Anong gusto mo? Pugot-anez? Hala mga kawal pugutan ang matandang iyang ng anekwaboom niya!" mala-diyosang utos ko.

Hinila na ng mga kawal ang matandang walang galang.

"Ngayon naman---" bigla kong sinapak iyong tagapagsalita.

Talagang sa tenga ko pa kelangan sumigaw?!

"Ngayon naman, kilalanin natin ang hinirang na araw..Si Araw Aldrich!!!" pagpapatuloy niya.

Around of applause...

Plak!

Plak!

Plak!

Hay naku! Ang gwapo talaga ni Araw Aldrich. Ang macho pa!

Oo nga pala...Hindi ko naexplain kung bakit kami napili bilang mga buwan. Dahil iyan sa mahahaba naming...Baba! Oo, totoo iyan.

Okey...Moving on.

Hindi pa namin pwedeng lapitan si Araw Aldrich ayon sa kautusan ng mga Babaylan. Malas daw sa feng shui. OA huh!

"Kamahalan...Sana po ay ako ang mapili niyong buwan ninyo. Hindi po kayo magsisisi. Pramiz!" nyah! Nagsasalita rin pala ang Buwan Ekang na ito.

Ang arte niya huh!

"Kamahalan, hindi ko po sasabihing ako piliin niyo bagkus ay magiging masaya ako sa kung anong desisyon niyo..." pa-demure kong speech.

Hmp!

Echoz lang yun noh!

Naku, makikipagpatayan talaga ako para hiranging buwan! Ang gwapo kasi ni Araw Aldrich... Imbyerna talaga! Kaka-inlove lang..

Londeee lang si aketch!

"Malalaman natin iyan kung nasa inyo ang tatlong palatandaan ng isang tunay na buwan..." napaka-sexy naman ng boses niya.

Yum yum yummy!!!

OOOOOOoooooOOOOOO

THAT NIGHT...

Hindi ko alam na may maitim pa lang balak ang kampo ni Araw Ekang...

Binarang nila ako...

Isang kasumpa-sumpang sakit ang nilagay nila sa akin...

Ang sakit na...B.O.

As in body odor. PUTOK!

Dahil dun ay itinakwil ako ng taong-bayan...

Pinagtutulakan nila ako palayo...

"Umalis ka na dito! Kasumpa-sumpa ng iyong karamdaman!"

"Ang baho mo! Lumayas ka!"

"Salot!!!"

Hinarap ko sila. "Oo man! Lalayas ako! Hindi niyo na ako kailangang ipagtulakan!"

"Ano ka ba? Dapat ka naming ipagtulakan para mas kaawaan ka ng mga readers!" sabi nung isa.

"Tomoh! Dapat nga pinagbababato ka pa namin para epektib eh!" hirit pa nung matanda.

Sinungalngal ko yung matanda. "Subukan mo lang batuhin ako at babatuhin kita ng sangkalan!"

Paglingon ko ay nakita kong tumatakbong papalapit sa kinaroroonan ko si Araw Aldrich.

"Buwan Qwerty! Huwag ka munang umalis! Kailangan pa nating mag-usap habang pilit tayong pinaglalayo ng mga taong-bayan.." ayan na nga.

Naglapit kami ni Araw Aldrich at naghawak kamay kami habang pilit kaming pinaghihiwalay.

"Magkikita pa tayong muli Araw Aldrich!"

"Umaasa ako Buwan Qwerty..Someday!"

At nagkalayo na kami. Very dramatic...

KABLAGGSHHH!!!

"Amisyosang bakla!" napatigil ang pagkukwento ko dahil isinubsob ako ni Ekang sa lamesa. Dumugo ang ilong ko pero keribels lang mga atengchiwawabelchuchu.

"Kung makasubsob ka naman!" sabay sapak ko sa kanya.

Maniwala kayo. Magkaibigan talaga kami ni Ekang kahit madalas kaming nagsasakitan..Oh diba! Rhyme na rhyme lang ang drama ko.

"Ako na nga lang ang magkukwento...Here it goes.." ani Ekang.

Ano naman kayang katangahan ang ikukwento ng panget na ito???

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

FIN!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Qwerty and EkangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon