CHAPTER:3

0 0 0
                                    

Muling nagkita ang magkaibigan na si RENAIZA at KELVIN

*Milled Stoned Academy*

Isang magandang academya kung saan pag mamay ari ng isang investor ng pamilya RAMIREZ

Pag pasok pa lang namin makikita na madaming mga magulang at mga bata na nakapila para magenroll dahil isa sa mga magandang eskwelahan ang paaralan na ito kung saan maraming magagaling na mga guro na nagtuturo

"mommy dito po ba ako magaaral"sambit ni renaiza

"oo anak dito ka mag aaral"

"mommy maganda po ba itong school na to"

"oo naman anak andito lahat ang mga magagaling na teachers"

"talaga po mommy"

"Oo naman kasi dito kami nagtapos ng daddy mo simula kinder hanggang collage dito na kami diba husbie?"

"oo wife ko!anak alam mo ba na dito nagsimula sa school nato ang love story namin ng mommy mo"

"wow naman daddy dito pala kayo nagkakilala ni mommy sana dito ko rin makilala ang the one ko"

"hay nako bata ka kung ano ano sinasabi mo tara na nga bumaba na tayo"

"okay mommy lets go"

Sobrang excited ko dahil magkakaroon nanaman ako ng mga bagong kaklase at kaibigan

Bigla kong naisip si kelvin kung saan siya mag aaral dahil kahit isa wala akong kakilala dito kundi si kelvin lang dali dali kong tinanong si mommy

Mommy saan po nag aaral si kelvin?

Ayy!pasensya kana anak hindi ko alam kung saan ipinasok na eskwelahan ni tita sarah mo si kelvin eh

Ay ganon po ba mommy sana mommy dito na lang din sa Milled Stoned pinasok ni tita sarah si kelvin para may kakilala ako dito kasi mommy nahihiya ako wala akong kausap dito

Hay nako anak masanay kana minsan talaga hindi natin kaylangan laging may kasama kaylangan maranasan mo rin na kahit na nagiisa ka kayang kaya mo diba big girl kana dapat pag big girl na kaya nang kahit walang kasama diba?

Opo mommy pero sana mommy madami akong makilala na mga bagong friends

Oo naman ikaw pa friendly ata ang anak ko?tara na nga at pumila na tayo

Cge mommy excited na din po ako magaral dito eh

Sa sobrang daming nag eenroll halos 5 oras na kaming nakapila hindi parin kami nakapag enroll habang nakapila kami dumating ang may ari ng eskwelahan nagulat na lang kami ng huminto saamin

"hi mrs Ramirez"

Nakipag beso beso pa ito kay mommy

Hello po mr Santiago ang dami po palang nag eenroll dito sobrang haba ng pila nakaka limang oras na nga po kami dito eh!(sabay tawa)

Ayy oo mrs Ramirez nagulat nga ako at sobrang daming tao dito ngayon hindi ko rin naman ikakaila na maraming gusto mag aral dito kasi magagaling kasi mag turo ang mga teacher na nakinuha ko dumadaan muna si sa examination at interview bago mag turo dito

Ay ganon po ba mr Santiago kaya pala eh

By the way wag na kayong pumila dito hahapunin kayo bago matapos jan ipapa assist ko na lang kayo sa registration

Ayyy!! Maraming salamat mr Santiago buti na lang talaga andito kayo

Your welcome mrs Ramirez tayo na duon tayo pupunta

Ng makarating kami sa registration
May kinausap si mr Santiago kung saan isang staff na mag aasikaso saamin para mapabilis ang enrollment namin

Hi mam kayo po ba si mrs Ramirez

Yes ako nga

Asan po ang paper ni RENAIZA RAMIREZ ako na po ang maglalakad hintayin niyo na lang po ako para malaman kung saan section mapupunta ang anak niyo

Salamat sambit ni mommy

Your welcome mam

Habang hinihintay namin ang staff na naglakad ng papers ko may narinig kami ni mommy na pamilyar na boses nang pumasok nagulat kami ng makita namin si tita sarah at kelvin

Ohh andito pala kayo dito ba mag aaral si kelvin

Oo dito ko siya ieenroll madaming nag sasabi na madaming magaling na teachers dito eh si renaiza ba dito na rin mag aaral??

Oo dito ko na siya ipapasok sabi nga ni renaiza sana dito din daw mag aral si kelvin para may kasama siya buti na lang at dito mo ieenroll magiging masaya si renaiza niyan

Ayyy oo ayun nga yung dalawa oh tingnan mo magkasama nanaman close na close na talaga silang dalawa ah

Oo nga eh sana mag kaklase sila

Kelvinn!!!sigaw ko nung nakita ko si kelvin

Ohh!bakit ka andito diko kana mag aaral?

Oo dito na ako mag aaral dito na ako inenroll ni mommy ikaw ba?

Oo dito na din kasi marami daw madaming magagaling na teacher dito sabi ni mom eh

Oo nga daw sabi rin ni mommy sana magkaklase tayo para may kaibigan na agad ako

Sana nga para pag may project lagi tayong magkasama sambit ni kelvin

Sana lang talaga

Maya maya pumasok ang staff na naglakad ng paper ko naglakad ako papunta kila mommy para malaman kung saan akong section mapupunta

Mrs Ramirez okay na po ang paper ni Renaiza

Ahh ganon ba Salamat! anong section siya miss??

Mrs Ramirez makikita niyo po yan sa envelop kung anong section siya kayo na lang po mag bukas

Ahhh thank you ah

Walang anuman po

Lumapit na ako kay mommy para tingnan kung anong section ako

Mommy buksan mo na po para malaman natin kung anong section ako

Cge anak buksan na natin excited na din ako eh

Ng buksan namin ang envelope laking gulat namin ng nakita namin ay section one

Mommy section one po ako habang ngiti sa labi ko

Oo nga anak madami ka ng makikilala na mga bagong kaibigan at kaklase

Oo nga mommy

"Congratss reniza" bati saakin ni kelvin

Thank you kelvin sana kaklase kita

Sana nga

Maya maya dumating ang isang staff kung saan yung paper namin ni kelvin ang hawak gaya ko pinabuksan din kay tita sarah ang envelope para makita kung ano ang section niya

KELVIN POV

Mommy buksan na natin excited na po ako

Sige anak buksan na natin sana mag kaklase kayo ni renaiza

Sana lang talaga mommy

Binuksan na ni mommy ang envelope
Laking gulat ko na section one din ang nakalagay sa envelope

Yehheeyyy!!!mommy kaklase ko si renaiza yess may kakilala na ako agad

Oo nga anak nako mag aral kayong mabuti ah

Kelvinnnn!!magkaklase tayo yehey ang saya saya  sambit ni renaiza





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"IM FALING INLOVE WITH YOU"Where stories live. Discover now