Hindi mo talaga maiiwasan ang main-love sa taong malapit sa puso mo. Lalong-lalo na pag Bestfriend mo.
#1- NICE TO MEET YOU!
(Gyuri’s POV)
(Alarm Clock Rings) Totot-totot!! -_-
(gumising) “Aish! Late na naman ako nito. Aaah!!”
(bumangon at naligo)
SCHOOL:
Aish! Kainis!!! Ano ba ‘to?! Late na naman ako. Lagot na naman!! Kailangan kong bilisan ang pagtakbo!
(binangga) Aray!:( Binangga pa ako oh! Ouch!! Sino ba tong bulag ang hindi tumitingin sa danadaanan?!
(tumayo at tiningnan kung sino ang nakabannga)
“Hoy!!>_< Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? Bulag ka ba?” saad ko.
“Ay, sorry miss nagmamadali kasi ako eh! Pasensya na.” sagot ng lalaking hindi ko mawari kung bakit nagmamadali.
“Ah okay. Total nag-sorry ka naman. Apology accepted. Importante naman siguro ang pupuntahan mo kaya ka nagmamadali at nambangga ka pa sa pagmamadali na ‘yon.” Patawad ko sa kanya na may pagka-sarcastic. Gwapo naman siya eh kaya pinatawad ko na kaagad.
“ Ganun? Pinatawad nga ang sorry, nang-asar naman” ganti niya.
“Ay!! Pinatawad na nga eh. Mag-thank you ka nalang.”
“Ewan ko sa ‘yo.”
“Ewan ko din sa ‘yo. Oh diba nagmamadali ka?”
“Oo, nagmamadali ako. At tumigil ka na sa pagbubunganga mo! Aish!! >_< Dyan ka na nga.” Agad siyang umalis.
“Ay ang sungit.” Nagbuntong-hininga ako. “Gwapo ka pa naman sana.” Sigaw ko. “Maka-alis na nga! Late na ako, mas naging late pa ng dahil sa kanya! Tsk!!!”
___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
Sa Classroom:
“Hay salamat, wala pa si Professor Kansalm.”
(biglang dumating ang Prof.)
Prof. Kansalm: “Good morning sa inyo. Meron akong ipapakilalang bagong estudyante. Magiging classmate niyo siya sa year na ‘to.” (bumaling sa pinto at tinawag ang ‘bagong classmate’ daw?)
“Oh my gosh!! Ang gwapo niya guys!!” (giggles) Kilig na sinabi ng isa kong kaklasi.
“Oh my gosh!! Siya? Classmate ko? Na ‘bago’? bakit siya? No way!!” Hindi ako makapaniwala.
“Hoy Gyuri! Ano bang pinagsasabi mo diyan? Kilala mo ba?” tanong ng friend ko, si Whanglan.
“Wala. Hindi ko nga kilala ‘yan eh!! Tsk!”
Prof. Kansalm: “Please students! QUIET!”! (bumaling sa lalaking hindi ko alam kung sino). “Please introduce yourself, Boy!!”
“Hi!!” saad niya sabay ngiti. Wow! Ang cute niya. “My name is Xenshi Pinsualhem. I’m 17 years old. I hope we can be all good friends. Nice to meet you all.” Tumingin sakin sabay kindat.
Ba’t may kindat-kindat pa ‘tong nalalaman? Ako ba ang kinindatan niya? Assuming ka Gyuri. Waaah!! Erase-erase!
Prof. Kansalm: “Mr. Xenshi, you can now choose which seat you may want to sit.”
“Thank you, sir!” sagot niya
Pumipili na siya. Ba’t ang tagal niyang pumili? Sa pagpili lang eh, 1 year!! O bakit sakin siya nakatingin? Parang nagpapa-cute ata eh. Haha!! Lumalapit siya sakin? Oh my, Lumalapit nga. ‘Eto bang pinili niyang bakanting silya sa tabi ko? Sa tabi ko nga siya uupo. Bakit sa tabi ko pa ang pinili niya? Huhuhu!! :’(