Chapter 4

3.1K 63 6
                                    


WARNING! SSPG CONTENT!!!

Chapter 4


Jess's POV


Lagi kong napapansin nitong mga nakaraan ang pagkawala minsan sa sarili ng nobyo ko. Kung hindi nakatunganga ay para namang nag-iisip ng sobrang lalim na minsan ay ikinababahala ko na dahil na rin sa pagiging tahimik niya nitong mga nagdaan.

Sa klase naman ay parati ko siyang nahuhuling nakatitig lamang saakin sa tuwing naglelecture ako pero yung titig na pinupukol niya saakin iba na para bang tinititigan lamang niya ako pero iba ang tumatakbo o iniisip ng kanyang isipan. Nakakagulo rin ng isipan kapag iniisip ko kung bakit siya nagkaganito. Gusto ko siyang tanongin minsan sa tuwing nakakatyempo na makakasakay ako sakanya sa umaga pero parati namang umuurong yung dila ko at sa huli wala rin akong nagagawa.

Hindi ko alam kung kailan siya nagkakaganito pero nangangamba ako. Kasi bilang kasintahan niya ay parang responsibilidad ko rin ang tanongin siya sa kung ano ang iniisip niya minsan at kung bakit kay lalim ng kanyang mga iniisip.

Uwian na at natapos na ako sa mga gawain ko kaya naisipan ko ng umuwi. Naglog-out na ako at lumabas ng department at habang naglalakad ak osa Hall Way palabas ng department ay naalala ko si Nathan kanina at ang mga tingin niyang may mga iniisip kaya agad koi tong tinawagan. Nagbabakasakali na baka oras na para pag-usapan naming itong mga iniisip niya. Nakadalawang tawag ako sa phone niya bago niya ito saogtin.

"Pauwi na ako, uuwi ka na din ba?" tanong ko sakanya sa kabilang linya na pinangambahan ko naman dahil sa hindi niya agad pagsagot saakin. Halos kalahating minuto ito hindi nakasagot agad bago niya tinugonan ang tanong ko.

"Meron pa kaming meeting para sa dadating na Anniversary ng school, baka mahuli ako kaya kung gusto mo ng umuwi ay pwede ka namang mauna muna" sabi nito na ikinakirot ng damdamin ko. Hindi ko alam kung bakit pero kasi may nagbago lang bigla sakanya na hindi ko malaman kung bakit.

"Maaga pa naman kaya hihintayin na lang kita dito sa Lobby ng Department namen" sabi ko dito.

"Ahmm, sige antayin mo na lang ako" sagot naman niya saakin bago naming tinapos ang tawag.

Ganon nga ang ginawa ko, nag-antay ako sakanya sa lobby at para hindi mabagot ay nag advance ako ng pagbabasa sa dadating pa na magiging lectures ko. Hanggang sa hindi ko namalayan na halos madilim na sa labas kaya naisipan kong tawagan ulit si Nathan ngunit nakakailang tawag na ako ay hindi niya sinasagot ang mga tawag ko sakanya.

Nakaramdam naman ako ng pangamba at ang daming mga bagay ang sumagi sa aking isipan. Naroon ang pag-aalinlangan, takot, at pagsisisi. Hindi ko alam kung bakit pero alam kong meron siyang problemang hindi niya sinasabi saakin.

Naisip ko na lang na baka nakalimutan lang niya yung usapan naming pero hindi naman nawala saakin ang isipin na hindi kailan man nakakalimutan ni Nathan ang mga pagbagay na pinagusapan namen. Sa huli ay inisip ko na lang na nakalimutan lang niya kahit ang sakit isipin na baka sinadya niyang kalimutan na lang.

Nawala naman ako sa pag-iisip ng kung anu-ano nang may tumama na ilaw sa bintana na nagpasilaw saakin pero nong makarinig ako ng makina ng motor ay kakaibang saya naman ang naramdaman ko kaya agad akong lumabas na para salubungin ito at hindi naman ako nabigo dahil dumating siya. Nawala na saakin ang mga agam-agam kaya nong huminto siya sa tapat ng department ay agad koi tong niyakap na ikinagulat niya. Niyakap na lang din niya ako at sinubsob ang mukha niya sa gilid ng leeg ko.

"Bakit nangyayakap ka bigla huh?" tanong niya saakin sa gitna ng yakap namen.

"Wala lang, ang tagal ko ring hindi nayayakap ang boyfriend ko" sabi ko na totoo naman dahil sa nililimitahan ko na rin ang mga ganitong tagpuan namen dahil nag-iingat lang ako pero ngayon ay nababahala lang ako at gusto kong ipadama na andito lang ako para sa kanya.

SEX AND SEDUCTION [ RATED SPG Man2Man / BoyxBoy] [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon