Beyond The Boundaries

3 0 0
                                    


--

"Tangina!Patay tayo kay Ate Anastacia niyan!"

Hinihilot ko palang ang sentido ko ay para nakong masusuka sa kaba.I tried to keep my cool, but when Pinky started shaking me by my shoulders,doon ko na hindi mapigilan.

"Pink!Hindi ko alam ang gagawin pag nalaman niya!"naiiyak kong sabi.

"Ako rin naman!Kaya nga dito kita inuwi diba?Kasi natatakot akong malaman niyang may ginawa kang kababalaghan sa gabi ng birthday mo!"

I bit my lower lip as I let my fears consumed me.Sunod-sunod ang mga luhang pumatak saking pisngi.Ang pag-asa ko nalang ngayon ay ang pag-asang talagang hinayaan na niya ako sa mga gusto ko,gaya ng ipinangako niya bago ako mag-desi otso.

"This is all my fault..kung hindi ako naging pabaya..."

Gaya ko ay natataranta narin si Pinky.Sinulyapan ko ang phone ko na kanina ko pa pinatay at tahimik lang na nakapatong sa vanity mirror niya.If I turn that on,I'm sure puno na yan ng mga messages at missed call galing kay Ate.Tahimik kami saglit ni Pinky,nag-iisip kung ano ang dapat gawin.We probably have the same idea running through our minds right now.Alam kong pareho kaming namimili sa dapat gawin; Itatago ang lahat ng 'to o sasabihin sa kapatid ang totoo bago pa mas lumalala ang lahat.As I was staring at my phone,kusang rumagasa ang mga kunting naalala ko kagabi at ang bumungad sakin kaninang umaga bago halos liparin ang bahay ni Pink.

Way back when I was young, palagi akong excited sa idea na dadating ang panahon na mag eeighteen ako.For a child like me, who lived with strict Grandparents and, a sister who knows my every move.Mapa school o sa labas,alam niya.I always long for that day to come, to be free, to be able to go out wherever and whenever without writing a letter to ask permission to my sister, where I can already dye my hair, have my first piercing, have my first tattoo, go out every night with my friends, drink my first Margarita.

Habang lumalaki ako ay yun lang ang pinapangarap ko.Hindi ako kailanman naghangad ng kung anong materyal na bagay, all I want is just to be free. I tried to sneak out with my friends once,but Ate's too keen that she immediately stopped what we're planning. And just by that, I stopped trying to escape from her tight grip.Sa mga oras kasing nararamdaman niyang tumatakas ako ay mas lalong humihigpit ang kapit niya.I understand them naman, I know they're just doing this for my safety and they don't want me to be like the other kids my age na sa sobrang luwang sa kanila ng mga magulang nila ay napariwara na.That's why all I could ever do was dream for the day where I can already cross the boundaries they've set to come.

And now that that day came, I was so happy and giddy when Ate let me go out with my friends right after my grand debut. I mean, I already expected that, but seeing her cry while loosening her grip on me felt surreal! Akala ko ay walang magbabago sa pagiging strikta nila.Para akong nakawala sa hawlang pinaglagyan ng ilang libong taon.

Some parts of that night were a blur, but the least I can remember was the booming of speakers just right beside the hyped up DJ of that bar. Kasabay naming nagwawala ay ang mga iba'-ibang kulay ng mga ilaw na pumapalibot sa amin.

I don't know what happened next, the only thing that's vivid was the face of the man I slept with just this morning.

"Si Sir Sebastian?!"

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig habang si Pinky naman ay nagpapanic na tinakpan ang bibig ng gulat na gulat na si Cynthia.Nanlilisik ang mata niya dahil sa gulat at pinaghalong inis sa ginawa kong katangahan.Malakas niyang tinampal ang kamay ni Pink na di alam kung papatahimikin ba siya o papakalmahin muna.

"Tangina?!Sa lahat ng pwede mong maka one night stand talagang isa pa talaga sa mga prof mo?Ikawng talipandas ka!"

Naramdaman kong biglang nag-init ang gilid ng aking mga mata matapos dumaing sa kurot galing kay Cynthia sa tagiliran.I only whimpered but didn't say anything.Sinaway naman agad ito ni Pink,kaya ito naman ang pinagsabihan ni Cynthia.

Beyond the BoundariesWhere stories live. Discover now