Monita Girl 1

47 12 14
                                    

December 1, 20**

December na! Christmas time is here! Naglalagay na ng mga christmas decor sa buong bahay, nagiisip kung sino ang bibigyan ng regalo, simbang gabi is back, mga bata ay nangangaroling ulit sa mga bahay-bahay at ang lagi mo na maririnig ay..

Whenever I see girls and boys
Selling lanterns on the street

Malapit na rin ang Christmas Party at ang pinakahihintay ng mga estudyante ang CHRISTMAS BREAK!!

Tuwang-tuwa ako ngayon dahil ngayon ang unang araw ng Disyembre ibig sabihin 24 days nalang ay pasko na! Habang iniisip ko yan ay may biglang nagext sa akin. Ano naman kaya ito? Pagkabasa ko ng text ay bigla akong tinamad.

"Oh bakit ka nakasimangot dyan?" tanong ni Lara sa akin na kakadating lang.

"May meeting mamaya kasama ang council." tamad kong sinabi at umubob sa table.

First day na first day ng December may meeting agad kasama ng council. Di ba pwede ienjoy muna ang unang araw ng Disyembre dahil malapit na magpasko? Pwede bukas nalang yung meeting?

"Diba dapat masaya ka?" tanong ulit niya sa akin na napataas sa aking ulo at tumingin sa kanya ng diretso.

"At paano naman ako magiging masaya sa meeting Lara Castel? mataray kong tanong sa kanya dahil hindi ko alam kung anong tinutukoy niya for real.

"Wag mo nga akong lokohin Caitlin Herrera. May crush ka kaya sa isang council member." asar niya.

"At sino naman council member yan?' tanong ko ulit. Sinakyan ko nalang trip niya ngayong araw.

"Edi the one and only Grayson Forbes, the Vice President." sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

Buffering...

.

.

.

.

Huwhat??

"Saan mo naman nakuha yan Lara Castel?" histerikal kong tanong sa kanya dahil saan naman niya nakuha ang ideya nayun?

"Sa isip ko." sagot niya. Isa pa rin itong pilosopo kung sumagot.

"Oo nalang Lara Castel." sabi ko nalang baka kung saan pa mapunta ang usapan na ito.

"Bakit kasi ako pa ang Head?" tanong ko at umubob muli sa table.

"Paalala ko sa iyo Caitlin Herrera na ginusto mo rin yan at mahilig ka naman sa decorating kaya ayos lang yan." paalala niya sa akin.

Tama naman siya, ginusto ko rin naman ang gawain na ito kaya wag ka na magreklamo Caitlin.

Maya-maya ay nagsidating na ang iba naming mga kaklase kaya mas umingay ang classroom. Tumahimik nalang ako dahil naalala ko nanaman ang meeting mamaya.


~~


Nasa canteen na kami ngayon dahil lunch break na. Konting oras nalang uwian na! Di pa pala may meeting pa. Bakit naman kasi si Ms. Suarez magpapameeting unang araw ng Disyembre? Hay nakuuu...

Hinihintay ko si Lara bumalik dahil siya ang bumili ng pagkain namin. Habang hinihintay ko siya ay naglaro nalang ako ng Subway Surfers. Habang naglalaro ako ay naramdaman kong may umupo at sa tabi ko pa talaga. Feeling close yata ang isang ito. Di ko nalang pinansin dahil malapit ko na malagpasan ang high score ko. Focus na focus ako sa nilalaro ko nang may tumutusok sa pisngi ko. Kung sino man itong katabi ko, humanda siya sa akin pag natalo ako. Di nakuntento yung katabi ko dahil pinipisil pa niya pisngi ko. Ang sakit! Feeling ko ang pula na ng pisngi ko mala-kamatis na. Tumigil naman siya sa pagpipisil sa pisngi ko nang kuritin niya ang braso ko. Namumuro na sadya ang isang ito! Dahil sa kurit niya natalo ako. Tiningnan ko kung sinong katabi ko at nainis ako kung sino yon.


~~

Helloooo! Binago ko ang plot ng Monita Girl dahil parang may kulang sa pinakauna niyang plot. Dapat sa December ko pa babaguhin pero wala binago ko na kahit June pa hehehe. Sana matuwa kayo sa pinakabagong simula ng Monita Girl!

vote.comment.follow.support.

- ingridients

Monita GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon