Prologue

74 4 1
                                    

Third Person's POV

"You have 5 minutes to escape with her. But the thing is, you have to look for her. Don't worry.. nandito lang siya sa area." sabi ng isang lalaking naka itim na mask at itim na hoodie habang nakangisi sa isang lalaking lupaypay ang katawan mula sa bugbog na natamo nito.

"N-napaka-walang p-puso mo talaga! Hindi ko akalaing kaya mong g-ganiyanin ang kaibigan ng kapatid mo!" daing ng lalaking nakasalampak ngayon sa sahig.

"Hurry up! Wag ka nang dumaldal pa diyan dahil inuubos mo ang pasensiya ko!" galit na sigaw ng naka-mask na lalaki.

Sinubukang tumayo ng lalaki pero bigla nalang itong hinampas ng latigo kaya naudlot ang pagtayo nito.

"Hayop ka talaga! pagbabayaran mo ito." sa abot ng makakaya niya ay tumayo siya at paika-ikang naglakad palabas ng kuwarto kung nasaan sila.

May apat na kuwarto ang nandito. Pinuntahan ng lalaki ang unang kuwarto pero wala. Sumunod naman ang pangalawa pero wala parin.
Tumingin siya sa relo niya at nakitang may apat na minuto nalang.

'Hayop katalagang lalaki ka!'

"Baby! Nasan kana!" sigaw niya sa abot ng kaniyang makakaya.

*bogsh*

Pagkasigaw niya ay may narinig siyang kalampag mula sa ikatlong kuwarto ngunit tatlong metro pa ang layo nito. Kaya naman kahit sobrang sakit ay binilisan niya ang paikang-ikang na lakad.

Pumasok siya sa loob at nakita ang nakayukong kasintahan niya. Dinaluhan niya ito at ini-akbay sa balikat niya para matulungan itong makatayo.

"B-baby.. Um-malis na tayo d-dito..." hinang hinang usal nito.

"Oo, w-wag kang mag-alala."

Nagulat siya nang makitang isang minuto nalang ang natitira at malayo layo pa ang lalakarin nila para makaalis dahil nasa ikalawang palapag pa sila ng abandonadong gusali kung nasan silang dalawa.

"Baby, w-we need to hurry up! K-kumapit ka lang sa balikat ko."

Binilisan nga nila ang lakad ngunit sa gitna ng paglalakad nila ay biglang may umalingawngaw nang sobrang lakas kasabay ng pagkahimatay ng babaeng iniibig niya.

"Baby...ar-— AAHHH!" sigaw niya nang may humampas na latigo sa likod niya kaya naman nabitawan niya ang kasintahan.

"Akala mo ba hahayaan kita? Matagal ko nang pinapangarap ang aray na ito na mangyari kaya sa tingin mo hahayaan kong masayang ang oportunidad na makaganti sa sayo?" Sigaw ng lalaking naka mask.

Akmang sasaktan niya din ang babae pero natigilan ito nang marinig ang lalaking umiyak.

"P-pare... P-parang a-awa mo n-na... A-ako nalang... Huwag na siya.. p-please?" pagsusumamo nito habang nakatingin sa mga mata ng lalaking naka mask at patuloy ang pag-agos ng kaniyang mga luha.

Tumawa naman ito nang napait at nagsalita. "Magaling! Napakagaling! Kaya ka pala minahal ng isang ito. Kaya pala nadurog mo ang pader na pumapalibot sa puso niya. Kadi napaka-galing mo! Palagi nalang ikaw! Sa academics ikaw! Pati ba naman sa pag-ibig! Ikaw parin! Ano nalang ako? Palaging paepal sa picture? Photo bomber ganon?" tumigil ito at pinunasan ang luhang pumatak mula sa mata niya. Mulu itong tumawa.

"Madali lang akong kausap." may pinindot ito lumabas ang limang lalaking malalaki ang katawan.

"Kayo nang bahala sa kaniya.. siguraduhin niyong hindi makakalabas ng buhay ang lalaking iyan."

.
.
.
.
.

*Bang!*

Mula sa labas ay nagulat ang karamihan sa biglaang pag putok ng baril kasabay ang paglabas mg isang lalaking nakaitim na hoodie at naka mask habang buhat nito ang babae.

A Love To RememberWhere stories live. Discover now