Tanging Yaman Ko💓

36 6 8
                                    

By: Tricia and  Jade
              
Animo'y parang manika,
Kayrikit ng mga mata,
Nakakabighani at nakakatuwa,
Kaya puso ko'y nagagalak sa nakita.

Sindak ng yong pagmumukha,
Tila'y inaagaw ang aking pagsinta,
Lubos na bumubuhos ang pagibig,
Na parang tubig  na iiniigib.

Presensya  mo'y laging  nararamdaman,
Pakiramdam ko'y lagi kang andyan,
Puso'y nakakadama ng kasiyahan,
Sa tuwing ikay nariyan.

Sa  bawat oras,sa bawat araw  na masilayan,
Puso'y punong - puno ng kagalakan,
Na hatid ay inspirasyon at Alaala,
Na  dadalhin sa aking pagtanda.

Parang  isang pantasya,
Na naghahatid ng saya,
Kaya't pag-asa'y Di nawawala,
Dahil ikaw  lang ang tanging nagpapaligaya.

Para  kang isang ginto,
Na  Di kayang mawalay sa piling ko,
Dahil ayaw kitang maglaho,
Sapagkat  ikaw ang tanging yaman ko.

Ala-alang Di kayang kalimutan,
Dahil sa puso ko ikaw ang laman,
Sapagkat pag-ibig ko'y dalisay,
Na nagbibigay liwanag sa aking buhay.

Iniirog ko na ayaw Kong maglaho,
Maling landas  na noo'y tinungo,
Ikaw lang ang nagpabago,
Salamat sa iyo, Mahal  Ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tanging Yaman KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon