By: Tricia and Jade
Animo'y parang manika,
Kayrikit ng mga mata,
Nakakabighani at nakakatuwa,
Kaya puso ko'y nagagalak sa nakita.Sindak ng yong pagmumukha,
Tila'y inaagaw ang aking pagsinta,
Lubos na bumubuhos ang pagibig,
Na parang tubig na iiniigib.Presensya mo'y laging nararamdaman,
Pakiramdam ko'y lagi kang andyan,
Puso'y nakakadama ng kasiyahan,
Sa tuwing ikay nariyan.Sa bawat oras,sa bawat araw na masilayan,
Puso'y punong - puno ng kagalakan,
Na hatid ay inspirasyon at Alaala,
Na dadalhin sa aking pagtanda.Parang isang pantasya,
Na naghahatid ng saya,
Kaya't pag-asa'y Di nawawala,
Dahil ikaw lang ang tanging nagpapaligaya.Para kang isang ginto,
Na Di kayang mawalay sa piling ko,
Dahil ayaw kitang maglaho,
Sapagkat ikaw ang tanging yaman ko.Ala-alang Di kayang kalimutan,
Dahil sa puso ko ikaw ang laman,
Sapagkat pag-ibig ko'y dalisay,
Na nagbibigay liwanag sa aking buhay.Iniirog ko na ayaw Kong maglaho,
Maling landas na noo'y tinungo,
Ikaw lang ang nagpabago,
Salamat sa iyo, Mahal Ko.