[A/N: Hi mga chinggus! I first saw them work in Busted Season 1 and kinilig ako sa chemistry nilang dalawa hanggang sa nagkaroon ulit ng Busted Season 2 mas comfortable na silang dalawa sa isa't isa. So I guess, masasabi niyong sese shipper ako.]
Her Side
Simula nung nakilala ko si Ace hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko para sa kaniya. Mula sa pagiging estranghero sa isa't-isa hanggang naging magkaibigan hanggang sa itinuring ko siyang bestfriend. Minsan nga tinutukso kami ng mga kaklase at kaibigan namin. Bakit hindi na lang daw maging kami. Kesyo bagay daw kami. Ako namang si feelingera, nagpatukso din.
Sa simula, okay pa kasi tuksong kaibigan lang naman pero kinalaunan, unti-unting sumilay ang kakaibang damdamin. Damdaming noon ko lang natantong tuluyan na akong nahulog sa kaniya.
Oo, bestfriend kong maituturing si Ace at hanggang doon na lamang iyon dahil may iba na siyang kinahuhumalingan. Tanggap kong hindi magiging kami dahil nga ay may mahal na siyang iba. Masaya ako dahil masaya siya sa piling ng iba. Naging kampante na akong nakakasama ko siya kahit hanggang dun na lang.
Pilit kong sinasabing sapat na. Sapat na, na magbestfriends kami. Sapat na, na naging malapit ako kay Ace. Sapat na, na bahagi ako ng buhay niya kahit ang papel ko lang naman ay maging bestfriend niya.
Naging third wheel pa ako minsan sa date nilang dalawa. Ililibre nila ako dahil 1st anniversary nila. Gusto kong tumanggi pero pilit pa rin nila akong pinasama para daw maiba. Kitang kita ko ang saya sa iyong mga mata. Kitang kita ko rin kung gaano kaiba ang turing niya sa akin kumpara sa babaeng mahal niya. Siyempre, mahal mo siya. Ako mahal nga, pero dahil kaibigan ang turing mo sa akin.
Talagang pinapamukha nila sa akin na hindi kami ni Ace ang para sa isa't isa. Ako namang si tanga, nagpapakatanga para sa mahal kong may mahal ng iba. Sa tuwing nakikita ko silang magkasama, unti-unti ding naglalaho ang pag-asa kong mapapansin mo din ako.
Mapapansin hindi sa pagiging bestfriend niya, kundi sa pag-asang mapansin at mahalin rin ako ni Ace higit pa sa isang kaibigan. Minsan naiisip kong lumayo na lang sa kaniya, na umiwas na lang sa bestfriend ko pero kahit anong gawin ko'y sumasalungat ang puso ko. Sa tuwing nasisilayan ko ang mga mata at ngiti niya'y nagbabago ang tinatakbo ng isip ko.
Mawawala pa kaya ito? Itong nararamdaman ko para kay Ace? Sinubukan kong ibaling ang tingin ko sa iba. Kahit sa kaibigan ko pang baklita para imulat ang aking mga mata na hindi magiging kami. Para mawala ang pagkahumaling ko sa kaniya.
Pero walang nangyari. Siya pa rin ang isinisigaw ng puso't isip ko.
Anong gagawin ko? Itatago ko na lang ba itong nararamdaman ko para sa kaniya o ipaglalaban ko kahit alam kong sa dulo'y luluha lamang din ako?
Isang araw, nagbago ang lahat. Nagulat ang lahat sa balitang hiwalay na sila. May chance na ba ako? Magiging masaya na ba ako? Masaya sa piling ni Ace? Pero nang dahil doon, kusa siyang lumayo. Kusa siyang umiwas sa akin. Anong nangyari? Anong nangyari sa aming dalawa?
Sila ang naghiwalay, pero bakit parang mas lumalayo siya sa akin? Hindi na niya ako pinapansin. Hindi na niya ako nililingon tuwing tinatawag ko siya.
May nagawa ba akong kasalanan sa kaniya? May nasabi ba akong mali sa kaniya? Sumasakit ang ulo ko sa kaiisip.
Hindi na siya ang kilala kong Ace. Nagbago na siya at dahil doon, nagsimula na naman kami sa umpisa. Naging estranghero ulit kami sa isa't isa hanggang sa binaon na ito ng ilang taon.
Magkakaayos pa kaya kami?
Tayo na lang kasi.
xx
YOU ARE READING
Tayo Na Lang Kasi
FanfictionMagkaibigang may pagtingin sa isa't-isa pero hindi masabi dahil natatakot na hindi sila parehas ng nararamdaman. Maging sila kaya? This is a work of fanfiction. Oh Sehun and Kim Sejeong are the characters/portraye. The contents of the story are out...