#2

55 8 0
                                    

( Tieng siblings! -------> )

***************************************************************************

8:30am..

"Good morning class," bati ng pinaka-BORING na teacher sa balat ng tae, na si Mrs. Gong. Ang Filipino teacher namin.

"Good morning din po Ginang Gong." tugon ng mga kaklase ko.

'GINANG-GONG! WAHAHAHAHAHA!'

Gusto ko sanang tumawa, pero wag na lang pala. Tumingin na lang ako sa bintana. Ang boring, buset. Nakaka-antok. Dapat 'di na lang ako pumasok. Tsk!

"Miss Tieng, mukhang malalim ang iyong iniisip, maaari mo bang i-share samin 'yang nasa isip mo?" sabay pinandilatan niya ako.

Aba? 'Tong matandang 'to, nagagawa pang magtaray, wala namang kilay!

"Badtrip ako." walang gana kong sagot, sabay tingin ulit sa bintana.

"So? Anong gusto mong gawin ko?"

'mag-bigti' bulong ko.

"Ano ulit 'yon?" sabi niya, inikot ko naman ang tingin sa buong klase. Halos lahat sila naka-tingin sakin ng masama.

Uupakan ko 'tong mga kupal na 'to eh!

"wala." sabi ko. Wala ako sa mood para makipag-sabayan sa katarayan mo tanda.

"Lumabas ka sa classroom na 'to ngay------"

Napatigil siya sa pag-sasalita, ng tumayo ako, at nag-marcha palabas ng classroom bitbit ang backpack ko. Kahit 'di niya na ako palayasin, kusa naman na talaga akong lalayas.

Saka as if naman gusto kong manatili doon, 'no? Bukod sa boring siya mag-turo, ay puro lang siya pasulat ng pasulat ng kung anu-anong ka-ek-ekan.

'Maka-punta na nga lang ng soccer field.'

Nag-patuloy ako sa pag-lalakad, dala ang aking backpack at suot ang aking sombrero. Kung bakit ba kasi above the knee tong palda ng school na to. Pang malandi. Tae!

Napatingin ako sa sapatos ko, at natanggal na pala sa pag-kakatali ang shoelace ko.

Yumuko muna ako para itali ito.

*Bogsh! Blag!*

Isang malakas na pagkakabangga ang natamo ko.

"ANAK NG SHIT NAMAN OH!" sigaw ko. Hinawakan ko ang noo ko na siyang tinamaan ng kung anong matigas. Sinong kumag ang bumangga sakin?

"Fuck!" narinig kong sigaw ng lalaking nakaupo sa harapan ko.

Tumayo ako, at ganon din siya. Sinamaan ko lang siya ng tingin, pero 'di lang basta tingin, tinitigan ko pa siya.

"Oh? Anong tinitingin-tingin mo? Napaka-engot kasi eh." singhal niya, habang pinapagpag ang pwetan niya.

Nak ng putcha, ako pa ngayon Engot??

Mabilis na nag-init ang ulo ko sa sinabi niya.

"Ah. So ngayon kasalanan ko pa talaga? Eh tangina mo pala eh!" Binitawan ko ang backpack ko, saka ko siya sinugod at binigyan ng super lakas na suntok sa mukha.

Napa-upo siya, at napa-hawak sa pisngi niya.

Yumuko ako, saka hinawakan ang kwelyo ng polo niya, "Sa susunod, kilalanin mo muna kung sinong binabangga mo, malay mo, 'yung taong nabangga mo ay yung taong papatay na pala sayo!" pananakot ko. Nginitian ko lang siya ng nakakaloko, sabay binitawan siya, saka ako lumakad.

Notorious RascalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon