s a l a m a t

21 2 0
                                    

Salamat

Salamat sa pagmamahal na ibinigay mo saakin,
Alam ko namang minahal mo rin ako kahit hindi mo sabihin
Salamat sa iyong mga nakakakilig na panunuyo
Kahit alam kong sa tatay mo ikaw humihingi ng payo

Salamat sa mga ngiting inilagay mo saaking mga labi
At lumiligaya kahit mapuyat kaiisip sayo gabi-gabi
Salamat rin nga pala sa iyong mga binigay na liham
Kung saan ang pagmamahal mo ay sobrang naiparamdam

Salamat sa iyong mahihigpit na mga yakap
Kasabay ng matamis na ngiti sa aking harap
Salamat sa iyong napaka lambot na halik
Kung saan ako'y parating hindi maka-imik

Salamat sa masasayang mga ala-ala
Kahit minsan ay wala tayong napapala
Hinding hindi ko makakalimutan ang mga yon
Dahil ang puso ko'y mananatiling naroroon

Salamat sa mga huling sandali
Kahit alam kong sa atin na'y may mali
Alam kong nung mga oras na iyon ay hindi mo na ako mahal
Pero alam kong may para sa atin na galing sa may kapal

Alam kong hindi ko mapipigilang masaktan
Na kahit na sino ay hindi ako mapapatahan
Hindi ko na maiwasang mag mukmok
Dahil ang puso ko'y patuloy na sayo'y kumakatok

Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko kakayananin
Ngunit ang sarili ko ay ayaw ko rin namang sagarin
Siguro ako lamang ay sobra sobra kung mag mahal
Ng hindi ko namamalayang ikaw na pala'y nasasakal

Nagulat ako ng ikaw ay biglang bumitaw
Kasabay ng pagmamahal mong naligaw
Hindi na ako makapag isip kung ano ang aking nagawa
At ikaw na lang ay bigla bigla saaking kumawala

Pasenysa na lang sa mga nagawa kong mali
Pero ang ang pagmamahal ko sayo'y hinding hindi mababali
Pasensya na sa aking mga kakulitan
Pero pagmamahal ko sayo'y hindi matatakpan

Salamat salamat salamat
Salamat sa lahat lahat
Mga ala ala natin sa puso ko'y babakat

MotusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon