i s a n g t a o n

9 1 0
                                    

Isang taon na rin pala ang nakalipas
Nang umalis tayo sa sandaling pagkakaposas
Ito ang ating naging pangalawang pagkakataon
Ngunit hindi pa rin iyon ang naging panahon

Minahal mo ako, at mahal kita
Ngunit ano ba ang nangyari at bakit nga ba
Ang pag ibig na hindi niligyan ng kasunduan
Ay hindi pa rin natin kinayanan?

Isang gabi ng seryosong usapan
Na nag tapos sa isang pag ibig na walang kasunduan
Itinigil natin kung ano man ang meron tayo
Kahit na napakarami pang tanong sa isip ko

Bakit hindi natin kinayanan?
Ako ba ay may mali?
Alin? Nasaan?
Nasaan ang mali?

Ikaw ay sumuko dahil sa nasabing pagkakasakal
Ako na sumuko dahil sa kaka-pilit ng aking pagmamahal
Ikaw na may maraming dahilan
Na kasagutan sa aking mga katanungan

Sawakas, makalipas ang dalawang buwan
Ang mga tanong ay nagkaroon na rin ng kasagutan
At tama nga ako, katulad lang rin noong una
Ikaw ay nasakal at napagod na sa ating dalawa

Tayo ay nag desisyon na lang
Na maging magkaibigan
Na kung sa gayon, ay wala ng masasaktan
At wala na ring mapipilitan

Makalipas ang sampung buwan
Nandito pa rin ako sa ating tagpuan
Alam kong tayo ay nagkasundo
Sadyang ang isip ko pa rin ay napakalabo

Ngunit kailangan ko na rin sigurong tumayo
Upang masimulan na rin ang paglalakad kagaya mo
Wala na siguro akong hinihintay pa
Sapagkat sinagot na ako ng Diyos, maraming beses na

Oras na rin siguro para sa aking sarili
At tumigil na mula sa pagkakahikbi
Maraming salamat aking mahal
Sapagkat binigyan mo ako ng napaka gandang aral

Wala ni sino man ang makakapantay
Sa daan ng pag ibig na ating nilakbay
Ito na ang tamang pagkakataon natin
Para ang ating magkaibang daan ay simula ng tahakin

Handa na akong pakawalan ka sa araw na ito
At sana'y tama ang naging desisyon ko
Isa... dalawa... tatlo...
Maraming salamat para sa lahat, mahal ko

MotusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon