1:45pm
Maaga dapat akong makakauwi ngayon dahil half day kami at tapos na ang Filipino class namin
Pero habang malapit na ako papunta sa gate ay may humigit saken
Akala ko ay mabubully ako pero hindi pala--- si Rose lang pala
Si Rose Dupéin ay yung kaklase kong small but terrible pero hindi naman siya masama---- Kung baga ano lang siya, Maliit pero palaban
"Camilla, Sama ka saken mamaya sa mall" mahinhin na sabi ni Rose
"Ahh-- Ehh bakit?"sagot ko sa kanya
"Mag d--date kami ng BF ko tapos gusto niya malaman kung sino ang mala ate ko sa school na na tumutulong saken kaya dapat kasama ka" sagot naman ni Rose
Gusto ko sana pumunta kaso parang magiging Third Wheel naman ako
Kasi syempre yung dalawa ni Rose nag kukulitan nag lalandian pero ako wala nakanood lang oh diba medyo OP
Pero ito na nga lang ang first time na inalit ako ni Rose nakakahiya pati lasi ang bait niya tapos ang hinhin pa niya kahiya naman kung di ako papayag😕
"Ahh sige sasamahan kita pero di ba parang magiging THIRD WHEEL ako??" sabi ko kay Rose
"Sis-- Di yan kasi andyan ako sabihin mo na lang saken pag na aawkward ka para medyo ma malighten ko yung mood" sabi ni Rose
Mamaya daw 3:30 and date olay naman 1:50 pa lang naman may time pa ako matulog ng konti
Tatanongin ko na sana si Rose kung sino Boyfriend niya pero andyan na kasi service niya ehh
Habang baghahanda ako ng susuotin ko napa- isip ako---- Sabi ko sa utak ko:
*Hayyyyssstt Sana all may jowa* 😂
Pero promise ko nga yun sa sarili ko na bawal ang jowa kasi ayaw ko na masaktan ulit ako ng bonggang bongga
Nahanda ko na gamit ko tutulog na muna ako maaga pa naman
Humiga ako sa kama at tuluyan na akong nakatulog
Nagising ako tapos nasa school na daw ako nakita ko ang mga kaklase ko na nakasuot ng pang abay sa kasal tapos tiningnan ko daw ang damit ko tapos naka suot daw ako ng wedding gown
Sina Yexia ang ninang tapos naglakad na daw ako papunta sa Altar at doon ay nakita ko ang Husband ko
Hindi ko nakita yung mukha niya pero matangkad siya
Nung kaharap ko na ang Husband ko ay biglang may sumigaw ng:
"ITIGIL ANG KASAL!!"
Lumingon ako tapos nakita ko si Lawrence tapos lumapit daw ang husband ko kay Lawrence tapos nag halikan na daw sila🤢🤮
Nagulat ako at bigla akong nagising
yun pala ay nananaginip lang ako hayyyssssssssssttttPero nakaka curious------ Sino kaya yung future hubby ko noh?
BINABASA MO ANG
Stalker Lang ang Peg?
Teen FictionEyyy Yow! tungkol toh sa babaeng hambog hahah charot.... tungkol ito sa babaeng mahilig mang stalk ng lalaking gwapo kasi marupok sha hahahahahah charr