Six years old ako nun, naglalaro ako kasama ang bestfriend ko na si Tara tsaka ang makulit niyang kapatid na si Lance. Matanda sila sakin. Nine years old na si Tara at Seven years old naman si Lance. Nagkakilala kami ni Tara dahil isa siya sa mga naging kaaway ko pero nagbati kami at ngayon bestfriend na nga.
"Yness, may sasabihin daw sayo si Lance" sabi sakin ni Tara. Mabilis na tumanggi naman si Lance at umalis para pumunta sa iba niya kalaro
Lumipas ang ilang taon Ten years old na ko bihira ko na lang makita sila Tara at Lance dahil minsan na lang sila umuwi dito hindi ko alam ang dahilan pero lagi silang napuntang Singapore. Mayaman kasi sila. Pero wala na silang mga magulang
"Anak nanjan yung mga kalaro mo dati sila Tara" sabi sakin ni Mama. Nag aayos na ko nun dahil dadating na ang service ko may pasok kasi ako ngayon. Pero ng marinig ko yung sinabi ni Mama lumabas agad ako at pumuntang bahay nila at tama nga si mama andun nga sila nakakatuwa yung buhok ni Tara color blonde na. Pero hindi ko makita si Lance.
"Yness may pasok ka pa diba?" sabi sakin ni Tara ng makita ako at mabilis na pumunta sakin at niyakap ako ng mahigpit "Namiss ka namin"
"Nasaan si Lance?" hanap ko sa knaya hindi ko kasi siya nakita.
"Ah si Lance ba? May sasabihin daw siya sayo ... HOY LANCE HALIKA DITO!" nakita ko si Lance kasama yung kaibigan din niya may sinabi muna siya dito bago siya pumunta sa pwesto namin.
"Hi Yness laki muna ahh" sabay gulo sa buhok ko.
"Ayan ginulo mo, alis na nga ko" medyo nainis ako dun dahil siyempre papasok ako sa school dumaan lang ako para makita sila tapos ito lang mapapala ko? magugulo lang ang buhok ko? wala na ko time para mag ayos dahil nanjan na ang service ko. Nagpaalam na ko sa kanila bago umalis.
"Yness pag graduate mo ng highschool girlfriend na kita" may sinigaw si Lance pagsakay ko sa service pero hindi ko na narinig.
Years passed ..
Fifteen years old na ko. Ang bilis ng panahon ..
Papunta ako sa isang party ng kaibigan ko, pagkakaalam ko nandun din sila Tara .. miss ko na sila .. bihira lang kasi talaga sila umuwi dito sa pinas kaya miss ko na sila. Pinadalhan niya ko ng damit na isusuot sa party. At ngayon eto suot ko na .. Nandito na din ako..