My New Neighbor

3K 121 22
                                    

"I'd stop the world if only I...could hold you one more time." Richard Marx

'

Book One

"MAMA!"

Kahit tinatamad pang bumangon ay napilitan akong tumayo sa persistent na pagtawag ng walong taong gulang kong anak na si Kaycee.

"Coming!" hirap talagang maging nanay. Walang day-off, walang time out. Naihilamos ko ang dalawang kamay sa aking mukha upang palisin ang nalalabing antok.

"Mama!"

"And'yan na nga po," mabilis kong hinagip ang terry robe mula sa paanan ng aking kama.

Ako si Kristine Bernadette Palacios, twenty-five years old, separada at may isang pilya at ubod ng kulit na anak na babae. Si Kaycee. Bata pa ako nang mag-asawa, sixteen years old. Pagkatapos na pagkatapos kong grumadweyt ng hayskul ay nakipagtanan ako sa aking nobyo. At siguro, dala na rin ng kabataan hindi nagtagal ang aming pagsasama at kami ay nagkahiwalay. Away-bati ang aming relasyon. At komo guwapo, parating lapitin ng tukso ang aking esposo.

Regrets? Siyempre'y meron. Marami. Pero hindi parte ng mga pinagsisisihan ko ang pagkakaroon ng isang anak na tulad ni Kaycee.

"Good morning, Mama."

"Good morning, princess," hinagkan ko sa ibabaw ng ulo ang aking eight-year old na anak.

Nag-aayos na siya ng kanyang mga gamit para pumasok sa school.

Kaagad ko siyang ipinagluto ng paborito niyang waffles. At habang naghihintay maluto iyon ay nagtimpla ako ng orange juice niya at kape para sa akin.

"Mama?"

"Hmn?"

"Don't forget your date tonight, ha?"

"M-mamaya na ba 'yon?"

"Si Mama, ulyanin na."

"Of course not."

Napabungisngis lang siya.

"He's very guwapo. At bagay na bagay kayo."

"You, ha?" banayad ko siyang pinisil sa pisngi. "Ang bata-bata mo pa kung anu-ano na ang lumalabas d'yan sa bibig mo."

"E, 'yon naman talaga ang sabi ng halos lahat ng mga kababaihan dito sa village. Ang guwapo ng bagong neighbor natin."

"'Sus," hindi ko napigilan ang sariling mapasimangot. Basta talaga guwapo, marami ang naaakit na mga mata. Kaya nga nakakadala ang sumubok ulit.

"Walang atrasan, Mama, ha? Nag-promise ka na."

Matiim kong pinakatitigan ang aking anak. "Ilang Toblerone kaya ang ibinayad sa'yo ng bago nating kapitbahay?"

Tumawa lang ang pilya at hindi na ako sinagot. Nang matapos ang agahan ay mabilis na siyang gumayak papuntang school. Ako naman ay nagligpit na ng mga kalat namin sa kusina. Nang bumusina ang service van ng private school na pinapasukan ni Kaycee ay kaagad siyang humalik sa pisngi ko at lumabas na ng bahay. Inihatid ko siya ng tanaw mula sa front door.

Papasok na sana ako nang maramdaman kong parang may nakatingin sa akin. Nang lumingon ako ay natagpuan ko ang tsinitong pares ng mga mata ng aking "guwapong" kapitbahay--si Chase Sandejas.

"Hi!" bati niya sabay kaway.

Napalunok ako kasabay ng malakas na tambol sa aking dibdib.

"H-hi," hindi nakapagtatakang maraming babae kaagad ang nakapansin sa kanya. Abs pa lang busog na ang aking mga mata! Takte, ano ba 'tong mga naiisip ko? Masyado na ba talaga akong tigang?

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon